Jump to content


Photo

Ang Mga Bagay Na Aming Pinatitibayan


  • This topic is locked This topic is locked
7 replies to this topic

#1 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 25 July 2012 - 06:40 AM

ANG MGA BAGAY NA AMING PINATITIBAYAN

Ang Pananampalataya Ng Mga Christadelphian

Ang lahat ng kapisanan ng pananampalataya ay may mga bagay na pinatitibayan, gaya rin ng lahat ng kapisanang pangpolitika at panglipunan; at maaaring sa gayong kadahilanan na ang pamagat ng sanaysay na ito ay bigyan ng maling imression. Ang mga tao na may bagay na pinatitibayan, o ang iba na may bagay na hindi pinatitibayan ay kapua nahahandang makipaglaban matame lamang ang kanilang simulain. Isipin na lamang natin ang pinatitibayan ng magkabilang partido ng politika kung panahon ng eleksion upang masaksihan natin ang masaklap na pagtitinginan ng magkabilang panig samantalang patuloy na pinaguusapan ang paksa. Ang lahat ng kaligaligang pangloob o pangindustria ng ating panahon ay nasasalalay sa mga bagay na pinatitibayan o hindi pinatitibayan ng kalalakihan at mga kababaihan.

Hindi ganito ang ibig sabihin ng pamagat. Tunay na kami ay may simulain, at katunayan nais din naming lumaganap ang simulaing iyan. Nguni’t hindi sa pamamagitan ng pagaaklas, o kaya’y gaya ng mga rally ng mga aktivista, o mag piket tulad ng mga welgista, upang matame ang tagumpay. Ang katunayan, kami ang kabaligtaran. Ang mga tao ay idinadaing kami ng hindi paghalobile sa mga sulimaning bayan at pangpolitika.

Nais naming ipaliwanag kung bakit kami naririte, ano ang pagkakaiba namin at kung bakit dapat kaming magpatibay sa sarili. Lahat ay nakakabatid na napakaraming iglesia dito sa daigdig, malalaki man o maliliit: at kung may magtatanong na sino man sa isang maliit na kapulungan, na may di pangkaraniwang pangalan, at walang maningnig na kasaysayang bayan na pagbabatayan, mayroon siyang karapatang magturing kung bakit ang kapulungang ito ay naririto. Mayroon ngang Romano Katoliko na sa kanila’y di karapatdapat maging ibang secta maliban sa kanila; gayon din ang ibang malalaking iglesiang hindi Katoliko na naguukol ng gayong palagay. Mayroong nananatiling matatag at kagalanggalang na mga kapulungang nagkakawangis sa paninindigan (ang mga Baptist, Metodista, Congregationalist, Presbyterian ng Church of Scotland at Church of England) na hindi pinagbibigyan ng katarungan ang pananatili ng maliliit nguni’t kapitapitagang kapulungan. Napakaraming kapulungang evangheliko na may dakilang sagisag sa loob ng kaniang pangkat, nguni’t may masisidhing pagsasalungatan sa isa’t isa, na naging dahilan ng pagkakahatihati at pagkakapangkatpangkat sa kanila.

Ang katulad ng huli ay ang mga Iglesia Pentecostal (Elim, ang Assemblies of God, at iba pa), ang Kapatiran ng sarisaring mga samahan, ang Seventh Day Adventist, ang Church of Christ, at ang Jehovah’s Witnesses. Mayroon pang iba na ang batayan ay kakaiba: tulad ng mga Society of Friends (ang mga Quakers), ang Unitarian, ang Christian Scientists, ang Church of Jesus Christ of Latter Day Saints (ang mga Mormons), ang New Church (ang Swedenbergians) at ang mga Spiritista.

Isang magulong pagtatanghal, sa harapan nito, ang mga Katoliko ay nagngingitngit, ang mga Anglican ay higit na mahusay nguni’t walang malasakit, ang malalaking sectang di sumasangayon ay nakikipaglabansa sarili nilang katayuan at manakanaka ay nalilibang sa pagkakaibaiba ng nga di karapatdapat sa kanila at ang pagkakaibaiba ng mga ito ay mapagmataas at kapua pantangi. Sa labas ng lahat, ang nagtatanong ay maaaring abutin ng isang malalim na damdamin ng kalituhdn. Maaari din niyang wikaing di na kailangan pa ang Kristianismo kung hahantong sa ganito.

Ang nga taong may mabubuting kalooban ay kikilalanin ito. Ang karamihan sa pagkakaiba ay nilimot upang alisin ang sisihan. Ang mga iglesia sa timog india ay nagkaisa bilang tugon sa kahilingan, at marami sa kapulungan ng religion sa Canada ang sumuned. Ang kaparaanan ay lalong nagpapatulay sa pamamagitan ng tunay na pagsasamahan, o sa kapua pagbubukas ng kanikanilang mga pintuan.

Ngumi t mayroon ding ilang mananamba na di sangayon na ang kanilang kapulungan ay makihalobilo sa gayong kilusan at naniniwala na ang nga bagay na kanilang pinatitibayan ay napakahalaga upang ipakipagsapalaran. Ang mga taongito ngayon ay may sariling tungkulin sa pagpapaliwanag ng kanilang sarili. Ang mga nagtatanong ay may karapatang magtanong at sagutin sila kung bakit kami magpapatuloy magbigaydiin sa pagkakahiwahiwalay ng sang-kakristianuhan, at “ANG MGA BAGAY. NA AMING PINATITIBAYAN” ay ang aming pagsisikap na maipahayag sa kanila.

#2 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 02 August 2012 - 11:31 AM

Kami ay isang kapulungan na may pananalig. Kung wala, napakadaling makipagsapalaran, at ang kapayapaang pangreligion ay lalong madali. Maaari naming buksan ang aming mga pintuan sa iba, o isara namin at dumako kung saan man namin ibigin. Sa gayon, inaakala naming may pinatitibayan kaming mahalaga at dapat magpahayag at sumulat sa pagtatanggol. Dadake tayo sa pagpuna sa iba, sapagka’t kung hindi kami pupuna, ay hindi kami karapatdapat na mahiwalay: nguni’t tatanungin namin ang sinomang kapulungan, na ang pangsariling kurukuru at di sangayon, upang mapagunawaan na wala kaming masamang hangarin. Siya ang hahatol kung kami ay tama o mali, at ang pakiusap lamang namin sa kaniya ay maniwala siya na kami ay hindi mahirap kausapin.

Magpasimula tayo sa aming pangalan. Ang isang kapulungang pangreligion na pipili ng pangalan para sa sarili ay dapat isipin ang dalawang maaaring panganib: ang pangalan na lubus na pangkaraniwan kaya’t hindi matitiyak ang tinutukoy: o maaari namang wala sa karaniwan kaya’t ang tagasunod ay tinuturing na kakatua . Hindi naman maaaring tukuyin na lamang tatong Kristiano, sapagka’t ang sagot sa katanungang “Ikaw ba ay Kristiano?” ay isang daang “Oo” bago tayo makatagpo ng isang tunay na kapanalig. Tunay, maaaring isipin na ang pangalang “Christadelphian” ay napadako sa sukdulan, nguni’t hindi nasasalig dito ang layunin ng kahulugan ng kataga. Ang nagbansag noon ay nalalaman na ang isa sa dakilang karangalan na maituturing sa tunay na mananampalataya ,ay yaong nilalaman ng Hebreo 2:11 “... hindi sila nahihiyang tawagin silang mga kapatid,” at sapagka’t pinagsama niya ang dalawang katagang Griego, ‘Christou adelphoi’ upang magbigay kahulugang ‘Mga Kapatid Kay Kristo”. Ninasa niyang malaman sa pangkalahatan na ikinagagalak naming maturingang “mga anak ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo Jesus” (Gal. 3:26).

Ang pagaangkin ay maaaring ituring na makatuwiran o hindi. Nguni’t, niakatuwiran man o hindi, hindi naman iisipin na ito’y panguutya. Ito’y umaangkin ng di labis o kulangin man sa ganang sarili gaya ng katagang Kristiano, nguni’t ito’y palatandaan na kami ay labas, at para sa lahat ng mambabasa ay upang suriin kung ito’y tunay na nababagay doon sa mga tapat na nagpapahayag ng mga bagay na aming pinatitibayan.

#3 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 02 August 2012 - 11:31 AM

Kami ay patuloy sa aming pang arawaraw na devosion. Sa aming tahanan, liban sa aming panalangin sa umaga at gabi at sa pagbibigay ng biyaya bago kumain -sapagka’t patuloy pa sa amin ang kaugaliang ito - ang Biblia ay ang mahalagang palatandaan. Sa aming tahanan ay mapapansin mo ang bilang ng Biblia sa bilang ng magaanak na marunong bumasa: at ito’y halatang binabasa. Isang laganap na kaugalian sa amin na basahin ang Biblia arawaraw, at mayroon kaming talaan na kung tawagin ay “Bible Companion” na pangtulong sa pamamaraan ng pagbasa. Sa loob ng kalahating oras sa isang araw - maaaring kulangin kung walang paliwanagan at hihigit kung sapat ang oras na iuukol - binabasa naming minsan ang Matandang Tipan at dalawang ulit ang Bagong Tipan sa loob ng isang taon. Magkakatulad sa boong daigdig, kung saan man mayroong mga Christadelphian. Tunay na marami sa amin ang bumabasa ng malawak kaysa rito, at bukod tanging pagaaral ang inuukol sa tanging tungkulin, nguni’t ang pang arawaraw na disiplinang ito ay ang pinakamababa na karaniwang ikinasisiya ng isang “mabuting Christadelphian.”

Maliban sa pagbabasang ito, madalas din kaming gumamit ng Biblia. Dumadalo kami sa pagaaral ng Biblia minsan o makalawa sa loob ng isang iinggo. Paminsanminsan ay mayroon kaming pagpupulong kung Sabado ng gabi at ang tagapagsalita ay nagpapahayag ng mga paksa mula sa Biblia ukol sa aming pangpasigla at pangaralin. Tuwing Linggo ng gabi ay may pamamahayag bayan - na tanging inaanyayahan ang mga hindi Christadelphian - upang aming pagsikapang patibayan mula sa Biblia ang mga bagay na aming pinaniniwalaan. Tuwing Linggo ng umaga ay mayroon kaming ganapin, na makikilala ng panauhin na may kaugnayan sa “pakinabang” ng ibang kapulungan, nguni’t pangkaraniwan naming tinatawag na “Memorial Service” o “Breaking of the Bread.” Dito, lahat ng aming kasapi ay bumabahagi ng tinapay at alak, at dito rin, hayagang binabasa ang Biblia, at isang aralin mula sa Biblia ang ipinaglilingkod. Ang pagdalo sa ganaping ito ay ang tampulan ng aming buhay pananampalataya.

Sa madali’t sabi, kami ay mga tauhan ng Biblia. Maaari din namang masabi na hindi lamang kami: mayroon pang ibang mga tao at ibang mga kapulungan ng pananampalataya na bumabasa at pinaguukulan ng katanyagan ang kanilang Biblia, at maaari nating idagdag na walang isang kapulungang Kristiano na hindi pinaguukulan ang kanilang Biblia. Hindi namin tututulan ang pagaangkin: sakaling may mga ilan sa mga kapulungan ang bumabasa ng boong Biblia na matuwid at ganap gaya ng sa amin, lubos naming ikinagagalak ang lahat ng balita ukol sa pagbabasa ng Biblia ng mga iba. Maaaring napakarami sa tagasunod ng malalaking Iglesia ang madalang o hindi nakapagbubukas ng kanilang Biblia para sa kanilang sarili: nguni’t hindi kami nakikipagtalo sa kanilang pagsusumikap. Ito lamang ay isang ay isang napakahalagang bagay na aming pinatitibayan, at kung patitibayan din ng iba, ay lalang mabuti.

Ang pagtingin namin sa Biblia ay tatoong mahalaga. Sa amin, ito’y “Salita ng Dios”, na isang mensahe na ipinagkaloob ng Dios at pinananagutan ng Dios na nagtatadhana ng lahat ng pangangailangan sa kaligtasan, at hindi nauukol sa pagpuna ng tao. Dito, ikinalulungkot namin, ang aming pasimulang humiwalay sa ibang kapulungan. Sa palagay na ito sa Biblia ay hindi bumabahagi ang mararaming kasapi ng kasalukuyang “Unitarians,” o ang “Society of Friends.” Hindi rin naman bumabahagi ang karamihan ng mga kasapi sa loob ng “Church of England” at ang malalaking di sumasangayong mga kapulungan. Gayon din ang katotohanan, at walang alinlangan, sa mga pangunahing iglesiang hindi Katoliko sa ibang mga lupain. Sa mataas o sa mababa mang antas, ang lahat ng mga kapulungang ito ay nagtuturo o nagpapahintulot sa palagay na ang Biblia ay higit sa lahat ay gawa ng tao, at hindi lubusang isinisinag ang isipan ng Dios sa mga bagay ukol sa katuruan at kabutihang asal. Hindi sa kami ay nagaalinlangan sa katapatan ng kanilang palagay: nguni’t may tungkulin kaming humiwalay sa kanila. Sa amin ang Biblia ay “... kinasihan ng Dios ...” (2 Timoteo 3:16), at ang mga sumulat nito “... ay nagsalita buhat sa Dios, ng ngaudyukan ng Espirito Santo” (2 Pedro 1:21).

Bukod doon, hindi kami makasangayon na makisama sa palagay na, bukod sa Biblia ay mayroon pang ibang may karapatang mapagsasalalayan. Tumatanggi kami sa pinatitibayan ng Romano Katoliko na ang kanilang Papa at ang Iglesia, sa tiyak na kalagayan, ay hindi magkakamali at maaasahan sa kanilang paliwanag ng katuruan. Tumatanggi kaming ihanay ang Biblia sa “Book of Mormon” (gaya ng ginagawa ng mga Mormons,) o sa “Science and Health” ni Mrs. Eddy (gaya ng ginagawa ng mga Christian Scientists) o sa mga sinulat ni Emmanuel Swedenberg (gaya na ginagawa ng mga “New Church”), o sa pangloob na kaliwanagan ng puso (gaya ng ginagawa ng mga Quakers), o sa palapalagay na kahayagan ng mga lumisang espirito (gaya ng ginagawa ng mga Spiritista na umaangkin din ng pagka Kristiano). Inilalathala namin ang aming sariling kasulatan upang ipagtanggol ang Biblia at ipaliwanag ang mga katuruan, katunayan ang aming palagiang pakiusap sa mga tao ay ang pagsubok nito sa pamamagitan ng Biblia, at hindi ang Biblia ay mauunawaan lamang kung kaugnay ito.

#4 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 02 August 2012 - 11:31 AM

Ang paksa ay sinapit kung tayo’y magpapasimulang isaalangalang ang katutuan ng Biblia. Sapagka’t sa pasimulang kabanata ng Biblia ay nagtuturo ng mga bagay na napakalinaw, na pinaniniwalaan namin, na wala kaming magagawa kundi ang patibayan iton. Hindi iyan ang mga bagay na hahangaring patibayan ng mga taong mapagmataas at mapagpalalo, at tinanggap naming bilang totoo bagama’t kabaligtaran sa pagnanasa ng tao.

Ang ikatlong kabanata ng Genesis ay naglalaman ng talaan na kung paano pumasok sa daigdig ang kasalanan at kamatayan, at ito’y nagtataglay ng dalawang buhga sa ating lahat.

Ang una ay nauukol sa kaayusan ng ating moral. Ng magkasala sina Eva’t Adan at ipagtabuyan sa labas ng hardin, kakilakilabot ang kinalabasan. Sa sumonod na lahi, si Abel ay pinatay ng kaniyang kapatid (Genesis 4), at nagpatuloy ang pagsama ng paguugali ng mga tao kaya’t ang Dios ay “... tiningnan ... ang lupa, at naririto, sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa” (Genesis 6:12). Ang baha ay isang pangsamantalang lunas lamang, at sa pamamagitan ng paulitulit na panahon ng kagipitan simula ng ihayag na “Ang puso ay magdaraya ng higit sa lahat na bagay, at totoong masama: ...” (Jer. 17:9). Isang pagkakahilig sa dako ng pagkakasala ang naging bahagi ng kaayusan ng laman, kaya nga “....ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; ...” (Roma 8:7). Nararamdaman namin sa aming kaayusan din, kung ano ang inihahayag ng Biblia mula sa Dios, na ang hilig ng pagkatao ay lumagi sa pangsariling daan sa kabila ng angkin ng Dios sa atin, at nalalaman natin kasama si Pablo. na, hayaan sa sarili, wala tayong sariling kapangyarihan upang dumaig sa kasamaan (Roma. 7:22-24).

Hindi kalugodlugod na patibayan ang isang katotohanang gaya nito, nguni’t lubhang kailangan. Kung ipagkakaila natin, iisipin nating tayo’y mabubuting tao. Kung gagawain ay isang pagpapalagay na, mabigyan ng mabuting payo (tularan ang Panginoong Jesus), magtatagumpay tayo sa ating sariling lakas sa ikapupuri ng Dios at matatamo ang anomang gantingpula na darating. At sa pagpapatuloy sa ganitong kahabaan ng “Humanismo” ay isang pagtanggi sa pangangailangan ng Tagapagligtas. Hindi ito pangbihirang bahagi ng kurukuru, at ang ilan sa mga kapulungan na aming binanggit ay kumakatawan ang ilan sa mga “Quakers” at ang “Unitarians”, at ang ilan sa mga “Christian Scientists”, at ang mga Spiritista. Nguni’t para sa amin, ito ay hindi mapapahintulutan. Ang Kristianismo ay ang religion ng Tagapagligtas, naparito upang tawagin ang mga walang kayang makasalanan sa pagsisisi (Roma 5:6-9), o hindi tunay na religion.

Ang pangalawang bunga ay nauukol sa ating kalikasan ng katawan. Ang pagkakasala ni Adan ay naging daan ng kanilang kamatayan. Ipinagtabuyan sila mula sa Eden, at sa takdang panahon ay nagbalik sa alabok. Ang mga salitang, “... ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi” (Genesis 3:19) ay binigkas doon sa nagkasala, at tila mandin sa atin ay isang malaking kamalian ng katotohanan na sikain, gaya ng binibigkas ng mga makata, na ang mga katagang ito ay “hindi binigkas ukol sa kaluluwa.” Ukol sa kaluluwa nga sapagka’t “... ang kaluluwa na nagkasala ay mamamatay” (Ezekiel 18:4), huling binanggit na tanging kaparusahan sa tanging mga kasalanan, na nauukol din dito, at magiging kakatua na humaka na, ng magkasala ang “kaluluwa” ni Adan sa Hardin, Ikasisiya na ng Dios na ipahayag ang kahatulan sa kaniyang katawan. Si Adan, gaya ng lahat ng tao, ay dapat isipin bilang boo, at sa kabooan ng tao ipinahayag ng Dios ang hatol ng kamatayan.

Ito ay makikita nating pinatutunayan ng maraming bahagi ng Kasulatan, kaya nga ang ating kalikasan ay maitutulad sa mga hayop na pumapanaw (Awit 49:20), o gaya ng damo na isinaboy sa hurno na matutuyo (Isaias 40:6-7; 1 Pedro 1:24). Ang kalagayan ng mga patay ay inilalarawang gaya ng natutulog (Daniel 12:2), at ang tadhana ng kamatayan ay sinasabing dadanasin ng lahat ng mga anak ni Adan “....sapagka’t lahat ay nagkasala” (Roma 5:12).

Sa paghahambing, hindi natin makikita sa Biblia yaong aral na dagliang gantingpala at paghatol sa kamatayan na napakalaganap, sa iba’t ibang uri, sa karamihan ng mga kapulungan na aming binanggit. Walang makikita doong pagbibigay katuwiran sa isipan na mayroong langit sa pamamagitan ng purgatorio sa mga pinagpala, infierno sa mga napahamak, at limbo para sa mga walang malay nguni’t hindi ligtas, na siyang katangian ng mga Katoliko Romano. Hindi ayon sa Kasulatan ang hakahaka na ang lahat ng tao, pagkamatay, ay dadako sa walang hanggang pagpapala o sa walang hanggang pagdurusa; at hindi rin naman ayon sa Kasulatan ni makatarungan man na ang lahat ng mga tao ay dadakong lahat sa pagpapala. At gayon man, ang aral na ito ukol sa kalagayan ng mga patay ay inari ng sang Kakristianuhan na ang karamihan sa mananamba, at ang pinakamalaking bilang ng kapulungang pangreligion, ay bumabatay sa pagasang ito. Sa ganitong katuwiran, sa pagpipitagan sa Kasulatan, inilalagay namin ang aming sarili na hiwalay, na di maaaring makipagsapalaran sa gayong kurukuru, upang aming maiture ang aral ng pagkabuhay na maguli sa patay, na hindi mapapahiya sa mga nagtuturo ng laban dito.

Kami ngayon, bilang nasa pinakamaliit na pangkat ng mga mananampalataya ay nananatili sa pagkakahiwalay: kung ano ang pinatitibayan namin sa mga bagay na ito ay napakahalaga upang ibahagi sa mga lubusang kakaiba at doon sa umaasa sa buhay na hinaharap nguni’t wala sa Kasulatan.

#5 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 02 August 2012 - 11:32 AM

Tayo nama’y magpatuloy upang isipin kung papaano tayo ililigtas ng Dios sa ating mga kasalanan. Ang kapua katanungan ay hahangga tayo mula sa Eden patuloy sa Bagong Tipan, at ang magkabila ay nililiwanag ng maraming mahahalagang pangako na tumuturo sa daan. Gaya ng karamihan, nakita natin mula sa Salita ng Dios sa ahas na ang Binhi ng Babae ay “... dudurog ng iyong ulo .. .”, ang pangako ng darating na paglupig sa kasalanan ng ating Tagapagligtas (Genesis 3:15). Hindi gaya ng karamihan, pinahahalagahan namin ang mga pangako na ibinigay ng Dios kay Abraham tungkol sa Binhi na lulupig sa kaniyang mga kalaban (Genesis 22:17), pagmumulan ng pagpapala ng lahat ng mga bansa (Genesis 12:3), at dadami gaya ng mga bituin at buhangin sa dagat (Genesis 15:5). Ang bansang Israel ang maghahayag ng mahahalagang bahagi sa pananatili ng mga pangako ng Dios (Roma 3:1), pagtanggap ng kautusan, pagkakaloob ng ina ng Messiah; at bukod sa lahat ng kanilang mga kasamaan, umaasa tayo, ayon sa maraming hula sa Kasulatan na papatnubay sa atin, sa kanilang pagbabalik sa lupain ng Palestina. At ang panahong yaon ay makikita natin ang ipinangakong Hari sa sangbahayan ni David na maghahari sa lahat ng mga bansa (2 Samuel 7:13).

Nang matupad ang panahon na sinasabi sa mga pangako, ang Anak ng Dios ay nahayag. Ang mga nakatala sa Bagong Tipan ay tinitiyak sa atin na si Jesus ay tinawag na Anak ng Dios sapagka’t wala siyang ama liban sa Dios (Lucas 1:35), at matatag naming pinaniniwalaan ito. Nguni’t ang ibang paniniwala ay laganap sa ibang kapulungan. Ang “Unitarian Church” ay kinikilala na si Jesus ay ipinanganak sa pangkaraniwang paraan gaya ng ibang mga sanggol, at Anak ng Dios lamang sa unawang spiritual na walang kinaalaman sa paraan ng pagsilang sa kaniya. Totoong hindi maaari na kapua tanggapin ang akalang ito at paniwalaan ang unang kabanata ng Lucas, at ang makabagong “Unitarian” ay minabuti na tanggihan ang Evanghelio ni Lucas. Sa kabilang dako, ang aral na “Trinity”, na nakatala sa tinatawag na Credo ni Atanasio, ay umaangkin na si Jesus ay Anak ng Dios pagsilang sapagka’t dati na siyang Anak ng Dios bago isilang: ang kaniyang kapanganakan ay sanhi ng pagiging Anak ng Tao, nguni’t walang kinaalaman sa kaniyang kaugnayan sa Dios, na dati nang nananatili buhat pa sa walang hanggan.

Tinatanggihan namin ng may sindak ang paniniwala ng mga “Unitarian”, sapagka’t lisia sa lahat ng sinasabi ng Biblia tungkol sa banal na pinagmulan ni Jesus (Juan 1:14; Galacia 4:4), at sinusubukan ang tao na maging mga anak ng Dios sa unawang tulad niya, samantalang kapua talata na binabanggit ay malinaw na tayo’y magiging mga anak ng Dios lamang sa pamamagitan ng pananampalataya sa “bugtong na Anak”. Gayon man, ang paniniwala ng mga “Trinitarian” ay hindi katanggap-tanggap sa amin. Hindi lamang sa hindi naaayon sa talaan ng kapanganakan, kundi bagkus hindi pa natutugmang turingan na si Jesus ay fumanggap ng dakilang karangalan sa pamamagitan ng pagtatagumpay (Filipos 2:9): sapagka’t ayon sa paniniwala ng mga “Trinitarian”, si Jesus, matapos mamatay ay binalikang muli ang kapangyarihan na kaniyang dating iniwan. At ang lalong masagwa sa lahat, ay napakahirap nating isipin na hindi tunay ang pagsubok na kaniyang dinanas.

Ang katunayan ng pagkakatukso kay Jesus ay napakahalaga. “... Tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon may walang kasalanan” (Hebreo 4:15) siya’y “... natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis” (Hebreo 5:8). Tiyak na hindi ito ginawa ng walang hanggang Dios sa Kaniyang sarili? Siya na “... hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman Siya manunukso sa kanino man” (Santiago 1:13) ay sa pasimula ay hindi na maaaring bumahagi sa ating kahinaan. Nguni’t sa amin, ang kapua kahulugan ng pagtatagumpay ni Jesus at ang halaga ng kaniyang pagka sacerdote ay nababatay sa kaniyang pagtatagumpay laban sa kasalanan sa makatarungang pakikipagtungali. Kaya nga makikita natin ang Panginoon, na nagtagumpay bilang anak ng tao, sa pamamagitan ng lakas na nanggaling sa Salita ng Dios at sa kapangyarihan ng Dios sa pamamagitan ng panalangin. Nakita natin siyang nangangaral ng biyaya Anak ng Dios, na nagdudulot ng kaligtasan na hindi maaaring magmula sa kalooban ng tao. Sa lahat ng kaniyang buhay ay pinaglabanan ang mga tukso na dumating sa kaniya (gaya ng nakatala sa Mateo 4), sa kabila ng lubusang nakakaakit sa lahat ng pusa ng tao. At sa kaniyang pagsunod sa kamatayan, ay kaniyang nilupig magpakailan man ang kahinaan ng tao na kaniyang kabahagi sa ating lahat.

Sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan, napagalaman natin, “... ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, samakatuid ay ang diablo” (Hebreo 2:14) at sapagka’t napakalinaw sa atin kung papaano magwawakas ang kapangyarihan ng kasalanan sa laman sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan (isang kapangyarihan na lagi niyang nasusupil), mauunawaan natin kung papaano ito magiging totoo. Subali’t hindi natin mauuanawaan kung papaano malilipol ang diablong “supernatural” sa ganitong paraan, at ang gayong diablo ay hindi bahagi ng aming pananampalataya. Hindi kami bumabahagi sa paniniwala ng mga Katoliko, at sa karamihan ng mga, aliliit na kapulungan, at sa mga iba na nanghihikayat, na mayroong isang anghel na bumagsak na may kapangyarihan ng mga makasalanan. Ang pinagmulan ng gayong diablo ay wala sa Kasulatan (sapagka’t ang palagiang tinatalata sa Isaias 14 at Ezekiel 28 ay maliwanag na walang kinaalaman sa pangyayari); at sapagka’t ang napakalaganap na pakikipagsabwatan ng kasalanan ng tao ay higit na sapat upang ipaliwanag ang lahat ng maraming kalarawansa Kasulatan na ang “supernatural” na diablong ito ay tila lumilitaw, tumitingin kami sa diablo bilang kahayagan ng lahat ng kasamaan ng mga puso ng tao.

#6 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 02 August 2012 - 11:33 AM

Babalikan natin ang mensaje ng Kruz, subali’t tatalakay tayong muli sa daan ng buhay ng Anak ng Dios bago ito. Pagkatapos ng kaniyang kamatayan, ang Panginoon ay bumangon mula sa mga patay. Ito ay nauu nawaan naming letra por letra: ang kaniyang pinaglibingan ay walang laman; at ang katawan na nandoroon ay nabuhay, kahangahangang niluwalhati, nguni’t tinataglay ang mga tanda na nagpapakilala na siya din. Ang pagkabuhay na maguli ng Panginoon ay isang kinasasalalayan ng matibay na paniniwala ng mga Kristiano, gaya ng binanggit ni Pablo sa 1 Corinto 15:1-28, at wala kaming magiging kaugnayan sa anomang ibaibang pagpipilian na sinusunod ng mga ibang kapulungan. Nasa unang mga disipulo ang “... mararaming (di magkakamaling) katunayan” (Gawa 1:3) upang pagbatayan na si Jesus ay nabuhay at itong maraming di magkakamaling katunayang ito hindi namin maaaring itakwil, Kung si Jesus ay hindi bumangon, hindi namin mapaoaniwalaan na siya ay buhay.

Kaya, ang nabuhay na Panginoon ay nasa langit ngayon. Nandoroon siya kapua naghihintay at gumagawa: naghihintay sa muling pagbabalik, at gumagawa upang magkaloob ng tulong sa lahat ng pangangailangan ng kaniyang mga tapat na lingkod. Makalalapit sila sa luklukan ng biyaya sa pamamagitan niya, at magkamit ng kapatawaran ng kanilang mga di kaloobahg pagkakasala, at lakas laban sa kanilang mga karagdagang tukso (Hebreo 4:14-16). Ang anomang paniniwala na ang mga mananampalataya ay hindi na maaari pang magkasala ay hindi katanggap tanggap sa amin: nguni’t ang pagasa na walang masidhing pagkakasala na di mapaglalabanan kung ang Kristo ang magpapalakas sa atin ay napaka mahal sa aming ngangailangang mga puso.

Sa pagtalakay natin sa pangalawang pagbabalik ng Panginoon , makikita natin ang ating mga sarili sa kakayuwang kalagayan. Naniniwala kami, gaya ng karamihang salaysay ng mga credo, na siya ay babalik upang humatol sa mga buhay at mga patay. Subali’t kaming lahat ay naniniwala, at wala kaming pagnanasa na palitan ng iba. Sa karamihan ng mga kapulungan na aming binanggit, ito’y kabaligtaran: ang credo ay hindi tinatanggap ng boong puso bilang kahayagan ng katotohanan, at bagama’t maraming kasapi ng ibang kapulungan ang tunay na umaasa sa pagbabalik ng Panginoon mula sa langit bago nila makamtan ang gantingpala ng kanilang pagsusumikap, mayroon pa ring marami - maaaring higit pa - ang hindi naniniwala. Ang Pangalawang Pagbabalik ni Jesus ay isang bagay na sumasaklaw sa aming budhi upang sumampalataya; hindi maaaring pahintulutan sa amin ang tumanggi dito: at ito ang dahilan kung bakit, sa sanlibutan na ang mga hakahaka ay madalas lumaban sa Salita ng Dios, kami ay hiwalay sa pagpapatibay.

Kaya’t ang aming matatag na pananalig na ang Panginoon ay babalik na may maluwalhating katawan mula sa langit (Gawa 1:11). Naniniwala kami, na sa kaniyang pagnanalik, ay makikita niya ang sanlibutan na walang pagnanasa na tumanggap sa kaniya: subali’t tunay na may maghihimagsik laban sa kaniya (Awit 2; Apo. 19:19), at naniniwala kami na kaniyang sasakupin at pamamahalaan ang paghahari ng kaharian ng sanlibutang ito para sa kaniyang sarili (Daniel 2:44; Apo. 20:4). Naniniwala kami na ang bansang Israel, matapos maibalik sa Palestina mula sa mga ibang bansa, ay makikita siya sa kaniyang kaluwalhatian at aanyayahan silang magsipagsisi sa kanilang dating kasamaan sa pagkakapako sa kaniya (Zacarias 12:10). Naniniwala kami na ang pagbabalik ng Panginoon ay kaalinsabay ng pagbabangon sa mga patay (2 Timoteo 4:1), upang ang lahat ng nakakilala sa kaniya ay mahatulan sa harap niya ayon sa kanilang nagawa (Daniel 12:2; Juan 5:28, 29). Naniniwala kaming doon lamang ipagkakaloob ang katawang walang Juan 5:28, 29). Naniniwala kaming doon lamang ipagkakaloob ang katawang walang kamatayan sa lahat ng napatunayan ng Panginoon na karapatdapat, kaalinsabay ng walang hanggang mana sa pinagpalang lupa (2 Timoteo 4:8; Filipos 3:20, 21).

Doon sa mga tao na ang paniniwala ay sisirain ang lupa magpakailan man, at ililipat ang pangyayarihan ng pagpapala ng tao mula sa lupa tuloy sa langit; at gayon din doon sa mga nagpapahayat ng pananampalataya sa pagbabalik ng Panginoong Jesus at pinawawalang bisa ang kahalagahan ng pagasa sa kanilang nalalapit na pagasa sa langit - sa mga ito rin - kami’y dapat humiwalay sa pagpapatibay sa kalagayan ng tunay na katuruan ng Kasulatan.

#7 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 02 August 2012 - 11:33 AM

Tungkol sa mga ibang bahagi ng gawain ng Panginoon sa lupa ay hindi na kailangang isaisahin. Naniniwala kami na ang kaniyang gawain sa panahong yaon ay may kinalaman sa mga natitirang may buhay sa lupang kaniyang sasakupin, nguni’t ayon sa Kasulatan, na ang kalikasan ng tao ay hindi mapapalitan sa pamamagitan ng mabuting pamamah pamamahala, darating ang panahon na ang mga tao ay muling ihahayag ang kanilang paghihimagsik bagama’t sa kahuli hulihang pagkakataon (Apocalipsis 20:7-15).

Ito’y ang magiging tanda ng wakas ng kamatayan at paghihimagsik. Ang kapua wakas ay inilalarawan sa pamamagitan ng “dagat-dagatang apoy”. Ang lahat ng kalaban ng Dios (ang tinuturingang “diablo”, kamatayan at libingan, at ang lahat ng mga tinanggihan sa paghuhukom) at, sa paglalarawan, ibubulid doon. Ang Panginoon ay maghahari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat ng kaniyang mga kaaway (1 Corinto 15:25), at sa paglipol sa kahuli-hulihang kaaway. Isusuko niya sa Ama ang isang tapos na gawain, na ang lahat ng mga kasamaan ay pinawi (talatang 24-28), upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.

Nguni’t ang mga kaluwalhatiang ilo ay napakalinaw, may kahalagahan lamang doon sa mga babahagi. At sino sila? Hindi kami nangangahas bumanggit “Ang Christadelphian”, gaya ng maling pagaakala ng iba na aming iginigiit, sapagka’t ukol sa amin ang maglingkod at magsumikap, at hindi umangkin ng pagmamataas sa aming sarili o pangunahan ang paghatol ng Dios sa kanino man. Nguni’t sa katapatan ay aming ipinaliliwanag na mayroong mga pasubali at ito’y itinakda ng Dios.

Nalalaman namin na hindi lahat ay magmamana ng mga pagpapalang ito, sapagka’t mayroong tatanggihan sa araw ng paghatol, at mayroong hindi na babangon sa araw na yaon (Awit 49:20; Isaias 26:14). Nalalaman din namin na ang nagpapahayag bilang Kristiano ay maaaring manggihan (Mateo 7:21-23), at marami sa mga kalahi ng Panginoon ang nagbunton ng paghatol sa kanilang sarili (Juan 12:48; Mateo 8:12). Samakatuid, kailangang naming magpatibay sa simulain na hindi ipagkakaloob ng Panginoon ang mga pagpapala sa lahat. Nguni’t marami tayong napagalaman tungkol sa kapanahunan ng mga Kristiano. Kung papaano iwinaksi ng Panginoon ang lahat ng pagnanasa ng laman, gayondin ang kaniyang mga lingkod na “ipagkaila ang kanilang mga sarili”, na nangangahulugan na hindi dapat magtiwala sa kanilang sariling kapangyarihan ,o hangarin man (Mateo 16:24-26). Kung papaano ipinako ang Panginoon ay gayon din na dapat tanggapin ng kaniyang mga disipulo ang mga pagpapakasakit, na “... ipinako ... ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito” (Galacia 5:24). Dapat nating kilalanin, na ang nangyari sa Panginoon ay ang tunay na daan upang mapaglabanan ang kasalanan at nahahandang tanggapin ang daan na iyan bilang halim-bawa.

Yamang sinapit ang daang ito, mayroong tiyak na gawain ng pagtalima ang hinihingi sa atin. Ito’y tinatawag na bautismo, at inuugnay ito ni Pablo sa pagpapako (Roma 6:1-6). Ang binautismuhan ay kinikilala ang kahalagahan ng kamatayan ng Panginoon at nakiiisa sa kaniya. Ang binautismuhan ay tinatanggap na walang maaasahan sa lumang pagkatao at dapat na ipanganak na muli (Juan 3:3-5; Titus 3:3-5). Nguni’t ang lahat ng ito’y nangangailangan ng pagpili: matalino, maykabatiran at may pakumbabang pagpili. Halimbawa ang ginawa ng Panginoon ng siya ay tatlongpung taong gulang: “... Payagan mo ngayon: sapagka’t ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng boong katuwiran ...” (Mateo 3:13-17). “Atin” sabi ng Panginoon at pinakakahulugan niyang siya at ang mga makasalanang pinahihintulutan niyang makiisa sa kaniya. Napakahirap unawain kung bakit ang mga tao ay kumakatha ng dahilan upang matanggihan ala, ang gayong pagsusumamo.

Sa kaniyang halimbawa ay idagdag natin ang kaniyang mga utos. Ang mga disipulo ay tuturuan ang mga tao sa lahat ng mga bansa at bautismuhan sila (Mateo 28: 19-20; Marcos 16:15-16), at ito ang kanilang ginawa (Gawa 2:38-41; 8:12, 26-40; 9:18; 10:43-48; 16:33). Dalawang bagay ang hindi makakatakas sa ating pansin: ang mga taong binautismuhan ay naturuan, at nanampalataya at nagsisi bilang unang baytang; at tuloy binautismuhan, inilubog sa tubig upang matakpan. Hindi ito pangkaraniwang bautismo sa mga dakong nagpapahayag ng pagka Kristiano, at ang pagbabautismo ng mga sanggol sa ilalim ng pananagutan ng mga ninong at ninang, sa pamamagitan ng pagsaboy ng kaunting tubig sa kanila, ay hindi naaayon sa Biblia o sa una mang pinagkaugalian. Hindi namin isusuko sa kanino man ang aming pananagutan sa pagpapalaki ng aming mga anak sa daan ng matuwid, at nasa amin ang matinding kagalakan kung sila ay napapanahon sa pagunawa ng kanilang pangangailangan at mabautismuhan sa takdang paraan: nguni’t hindi namin matatanggap ang karapatan ng sino man na pangunahan ang pananampalataya ng iba, ni ang karapatan ng alin mang kapulungan ng pananampalataya na gumawang umiwas sa kautusan ng Dios.

Doon sa kakaunting bilang na nagiisip ng kakilakilabot na paniniwala na ang kanilang mga anak ay daranas ng walang hanggang pagdurusa kung mamatay na hindi nabautismuhan, ay maiaalok namin ng boong kaaliwan na ang Biblia ay hindi nagsasaad ng gayong pagbabanta. Doon sa napakalaking bilang na umaasa sa langit para sa mga sanggol na namatay na nabautismuhan, maidaragdag namin na walang ipinangangakong gayon ang Biblia. Ang kaligtasan ay isang mahalagang bagay na ipinagkaloob doon sa mataimtin na tumatanggap: paglipol ng mga sanggol (infanticide) ay isang maigsing daan sa kaligtasan ng ating mga anak kung sasangayunan ng Biblia ang walang batayang pagasang ito.

#8 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 02 August 2012 - 11:36 AM

Samakatuwid, sa itinakda ng Dios, ang pagbabautismo sa mga may gulang ay ang pampasinayang ritual na ang mga lalake, babae at ang lumalaking mga bata ay tatanggap ng pananampalataya na aming pinatitibayan. Doon lamang sa bumabahagi ng aming pananampalataya at sa tumanggap nito, ang aming inaanyayahang makibahagi sa tinapay at alak sa aming pagsamba. Ito lamang ang umaabuloy sa karaniwang gugul ng pangangalaga ng aming kapakanan at gawain. Maaaring tawaging katangitangi, at totoo nga. Nguni’t hindi ang katangian noong mga nagsasabing: “Kami ang mabuti at ang iba ay masama”, kundi doon sa nagsasabing “Tayong lahat ay masama. Ang masasamang tao ay dapat tanggapin ang inaalok na daan at di umaasa sa iba para sa kanilang sarili. Itinakda ng Dios ang kautusang ito at wala tayong karapatan na pakialaman ito”. Hindi sa dahilang nais naming humiwalay ng pagsamba sa mga hindi bautismado: kundi sapagka’t hindi namin nararapat pasiglahin ang sino man na pilitin ang mapanganib na daan ng pagsuway sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang loob na isipin na ang pagsunod ay hindi mahalaga.

Gayon man, maging sanbiting muli, ay hindi kami nagpapauna ng sarili naming katuwiran. Nalalaman namin na “kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay” (Hebreo 10:31), at nalalaman namin ang pangangailangan ng palagiang pagkalinga at panalangin sa ating kahinaan. Ang aming lingguhang pagsamba ay tumutulong sa pagalaala kung saan nanggagaling ang pagpapatawad at lakas (Hebreo 4: 11-16), at ang mga aralin na aming naririnig doon ay inilalayo kami sa pagnanasang pangsarili. Sa aming mga panalangin ay umaasa kami sa katapatan ng Dios sa paghatol, humihingi kami ng kapatawaran ng aming mga kasalanan, at ang lakas ng Kaniyang pananatili at ang biyaya ng Kaniyang Anak upang kami ay mapatuwid ng landas. Nalalaman namin ang lalim ng Kaniyang habag na aming inaasahan sa pangangailangan, at nagsusumikap kaming magpakumbaba sa aming sarili upang ipagkaloob ito. Ito’y sa panig ng utang. Kung sakaling iisipin naming humatol sa iba, aasahan naming alalahanin na “... Pagwariin ang ating sarili, baka tayo naman ay matukso” (Galacia 6:1).

Sa kabilang panig, nalalaman namin na kung anong kapangyarihan ang nakalaan doon sa nagtitiwala sa Kaniya. Nalalaman namin na ang Dios ay makapagiingat sa atin mula sa pagkakatisod (Judas 24), at ang paghingi sa Dios ng ayon sa Kaniyang kalooban upang pangyarihin sa atin ay tiyak na diringgin (1 Juan 5:14). Nalalaman namin na doon nagaaral na umibig sa nagiisang Dios at walang iba, ay hindi kailangang matakot, samakatuwid baga’y sa Kaniyang Paghatol (1 Juan 4:16-18). Ito ang kaganapan na aming pinagsusumikapan.

Samantala, habang nagpapatibay kaming lubos ng dahil sa pananampalataya, kami’y umaasa at nananalangin na lagi kaming nagpapatibay sa lakas ng Dios at hindi sa aming sarili. Ang aming kasalukuyang pananagutan ay ang pagpapakumbaba sa harap ng Dios upang ang pagkakawangis ng Kaniyang Anak ay mahugis sa amin. Sa harap ng tao ay hindi kami makahaharap bilang tagapagbago ng sanlibutan, ni lumaban man upang matamo ang aming mga pakay, o ang mga layunin ng pamahalaan ng tao. Karapatdapat din naman naming tanggihan na “makatarungan sa mga Kristiano na sa utos ng nakatataas na gumamit ng sandata at maglingkod sa digmaan”, at ang paglabok sa digmaan ay isa sa mga simulain ng aming kapulungan: “At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin” (2 Timoteo 2:24). Ang ating Panginoon ang nagatas ng mga tungkulin sa kaniyang mga lingkod sa kaniyang pagbabalik, at sapagka’t ang kaniyang kaharian ay hindi sa sanlibutang ito, ay hindi tayo ngayon .makikipaglaban (Juan 18:36). Sa daigdig na hindi sumasampalataya, ang mga lingkod ng Panginoon ay nabibilang na walang bayan, mga nangingibang bayan at nagsisipaglakbay (1 Pedro 2:11), walang palagiang bayan (Hebreo 13:14). Sa ganitong dahilan, hindi namin pinananagutan ang politika ng daigdig, at ang aming tungkulin lamang ay ang pagkamasunurin, yaong hindi lalaban sa aming budhi, sa mga may kapangyarihan na namamahala sa amin (Roma 13:1-7).

Ang aming salawikain sa pananahon ng aming paglalakbay ay maituturing na ito:

“Dahil dito magsikuha kayo ng boong kagayakan ng Dios, upang kayo’y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.


Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran,


At ang inyong mga paa ay may pangyakap na paghahanda ng evanghelio ng kapayapaan;


Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangangailangan na sulugi ng masama.


At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espirito, na siyang Salita ng Dios:


Na magsipanalangin nga kayo sa Espirito ng lahat ng panalangin at daing ...” (Efeso 6:13-18).


Dapat naming patibayan ang mga bagay na ito, sapagka’t naniniwala kaming ito’y totoo, at tapat. Nguni’t wala kaming pagnanasa na magpatibay na nagiisa doon sa mga nagpapatibay na kasama namin sa mga simulaing ito. Sa mga roon, lagi naming ikinagagalak na mapakinggan.

WAKAS

From: “THE THINGS WE STAND FOR”

By Alfred Norris

http://www.acbm.org.au/

http://www.acbm.org....ion/philippines

Attached File  AngBagayNaAmingPinatitibayan.pdf   54.23KB   283 downloads




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users