Resource Manager Posted July 23, 2012 Report Share Posted July 23, 2012 Ang Mga Christadelphian NAUUNAWAAN BA NINYO ANG BIBLIA? Ang Biblia ay isang tunay na Aklat, subali't hindi ito binabasa. Ang mga tao ay hindi mababasa ang alin mang hindi kawili-wili sa kaniya, at hindi magiging kawili-wili sa kanila ang alin mang hindi nila nauuna-waan. Kung ano ang pagnanasa ay, na isang tabi ang pinagkaugalian ng tao at bumalik sa Biblia, kung saan ay napag-alaman natin na ang religion ay hindi ang mahiwaga at mapanglaw na bagay na laging inaakala; at na ang kalagayan ng tao ay hindi pinagmamalupitan ng mga nakakatakot na suliranin na nagmumula sa dating daan ng pagiisip; na ang religion ay tungkol lahat sa lupa at tao at ang kaluwalhatian na pupuno sa daigdig sa pangalawang pagdating ni Jesucristo. Ang Diyos ay inaalok kayo ng kaligtasan, na ang Kaniyang plano ay na ang lupa ay pananahanan ng mga walang kamatayang mga tao na tapat na napagia-banan ang kasalukuyang masamang kalagayan at pai-lalim sa Kaniyang kalooban. Ang Biblia ay nagaalok ng pangsariling pagasa at aliw kung saan ang piloso-pia at agham ay ganap na bigo. Inilalapit ang Diyos, pinapagaling ang budhi sa kapatawaran, at pinagni-ningning ang buhay sa pagasa, kapuwa sa sarili at sa lahi. Mayroong "pangako sa buhay ngayon, at sa darating." Pinagliliwanag ang pagiisip at pinagagalak ang puso sa pamamagitan ng paghahayag ng tunay na panukala ng paglalang, at pinagkakaiooban kayo ng isang layunin sa buhay upang kayo ay makatingin sa hinaharap na may pagasa. Pagyamanin ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia. Link to comment Share on other sites More sharing options...
Resource Manager Posted July 25, 2012 Author Report Share Posted July 25, 2012 IPINAKIKILALA ... ANG MGA CHRISTADELPHIAN MAKABAGONG PAGSASAULI NG PANANAMPALATAYA NG MGA APOSTOL Sa panahong ito ng maramihang pangyayari, ang malala-king mga bahay kalakal ay pinasok ang sakop ng religion. Sa pamamagitan ng television, radio at palimbagan, ang madla ay binobomba ng propaganda na hinubog upang gawing kaakit-akit ang religion at kapanipaniwala sa daigdig. Ang maramihang pagtitipon ni Billy Graham, ang tagumpay na kasaysayan ni Herbert W. Armstrong, ang laganap na pagkalat ng "Watchtower Society" — ang lahat ay ginagamit upang makatawag pansin sa pamamagitan ng karamihan ng bilang. Totoo, ang Biblia ay binabanggit, at kung yaon ay nagiging dahilan na hanapin ng mga tao ang katotohanan, kung gayon mabuti ang naging bunga. Sa kabilang dako, kung ito ay nangangahulugan na ang mga tao ay napipilit sa pagsunod sa isang kilusan o isang secta sa pamamagitan ng husay sa propaganda, o pangakit sa damdamin lamang, at tuloy na naaakit na tanggapin ang mga hakang gawa ng tao na batay sa sininsay na Kasulatan, kung gayon ito ay sa kanilang kasiraan. Ito ay hindi pagpaparangal sa Diyos ni sa Kaniyang salita; ni hindi magkakaroon ng anomang kapakinabangan sa katagalan. Maliwanag na nagbabala ang Biblia: "Huwag kang susunod sa karamihan na gumagawa ng masama" (Exodo 23.2). Ito ay nangangailangan ng isang malaya, matalinong paguunawa ng mga Banal na batayan, at isang pagtanggap ng katuruan ng Biblia, bilang ang daan ng kaligtasan (Roma 1:16). Subali't sa kasamaang palad, marami ang naiharap sa madla bilang katotohanan ng Biblia na hindi ayon sa katuruan ng Biblia! Sa kabilang dako, ay naniniwala kami na maihaharap namin sa inyo na may isang susi na mabubuksan ang payak na mensahe ng Biblia, upang kayo sa inyong sarili, ay maging tagapagsalin ng kaniyang mensahe ng pagasa. Sino "kami?" Sumusulat kami bilang mga Christadelphian! At sino sila? Link to comment Share on other sites More sharing options...
Resource Manager Posted July 25, 2012 Author Report Share Posted July 25, 2012 ANG MGA CHRISTADELPHIAN Ang mga Christadelphian ay isang pulutong ng mga tao na nagsamasama sa pamamagitan ng isang pangkaraniwang paniniwala sa "mga bagay tungkol sa Kaharian ng Diyos at sa Pangalan ni Jesucristo" (Gawa 8:12). Inaangkin nila na sila ang makabagong pagsasauli ng Pananampalataya ng mga Apostol, at binabatay ang kanilang mga paniniwala na tangi lamang sa katuruan ng Biblia. Ang pangalang Christadelphian ay pinagsamang dalawang katagang Grego: Cristo at adelphos, at lumalarawan sa mga kapatid ni Cristo. Ito ay isang kataga na ginagamit sa Biblia upang ilarawan ang tunay na mga mananampalataya na gumagawa ng kalooban ng Diyos tingnan sa Mateo 12:50; 23:8; Hebreo 2:11-12). Sa paggamit nito ng pangalan na nasa Kasulatan, samakatuwid, ang kapatiran ay nasa harap niya ang mataas na mga mithiin na iniharap ni Cristo sa harap ng mga tao. Hindi inihahayag ng mga Christadelphian na sila ay tumanggap ng anumang bagong kahayagan, ni mayroon silang anumang tiyak na utos, subali't naninindigan na ang Biblia sa kapuwa Luma at Bagong Tipan ay makapagpapatnubay sa isang tao sa kaligtasan. Ibinabatay nila ang kanilang mga paniniwala at kilos sa katuruan niyon. ANG PINAGMULAN NG KILUSAN Ang Kilusan, sa kaniyang huling araw na kahayagan (sapagka't inaangkin ng mga Christadelphian na ang kanilang Kilusan ay mula sa mga Apostol), ay nanatili sa pamamagitan ng mga gawain ni John Thomas, isang manggagamot na nahila sa isang malayang pag-aaral ng Biblia. Ito ay nahayag sa kanila na ang Sangkakristianuhan ay ligaw mula sa Biblia, at pinasimulan niya ang isang takbo ng paghahayag ng tunay na mensahe niyon. Noong 1848, naglimbag siya ng isang aklat na may pamagat na "Elpis Israel" na kaniyang isinanib ang kaniyang natuklasan sa pamamagitan ng kaniyang sariling pag-aaral ng Salita. Si Dr. John Thomas ay hindi Danal na kinasihan upang ihayag ang isang bagong katuruan; ang mga aral na kaniyang itinuro ay naihayag na sa loob ng daang taon bago pa. Ang lahat ng kaniyang ginawa ay isauli ang Katotohanan mula sa naipon na maling aral na nagpalubog dito mula sa mga araw ng mga Apostol. Ang kaniyang mga pag-aaral ay nahikayat siya na ang buhay na walang hanggan ay isang biyaya ng Diyos na ipagkakaloob ng Panginoong Jesus sa kaniyang mga tagasunod sa kaniyang pangalawang pagdating, at ang pagtatatag ng Kaharian ng Diyos (Mateo 25:31-34; Daniel 2:44). Ang kahariang ito, na nakita niyang itinuro ng Biblia, ay itatatag sa ibabaw ng lupa sa pagbabalik ni Cristo; at ang gantimpala ng mga matuwid ay ang "saganang pagpasok sa kaharian" (2 Pedro 1:11), na sa panahong yaon ay sila ay "maghahari sa ibabaw ng lupa" na kasama ang Panginoon (Apocalipsis 5:9-10). Ang takda ng mga masasama, na kaniyang natutuhan, ay "walang hanggang kapahamakan" (2 Tesalonica 1:19), hindi sa walang hanggang paghihirap, at ang "infierno" ay ang libingan, ang tahanan ng mga patay, kung saan ang mga di matuwid ay mananatili magpakailan man. Nakita niya na itinuturo ng Biblia na ang kamatayan ay dumating sa sanglibu-tan sa pamamagitan ng kasalanan, at kung ang kasalanan ay inilalarawan sa laman, sangkatauhan, o sa mga pamahalaan, ito ay lumalaman sa diablo ng Biblia. Ang haka na ang diablo ay isang nahulog na anghel, gaya ng itinuturo ng karamihan ng mga religion, ay nakita niyang hindi ayon sa Kasulatan. Link to comment Share on other sites More sharing options...
Resource Manager Posted July 25, 2012 Author Report Share Posted July 25, 2012 ANG PALAGAY NG MGA IBA SA CHRISTADELPHIAN Simula ng malimbag ang "Eipis Israel" marami ang sumuri ng kaniyang katuruan sa liwanag ng Biblia. Nakita nila na ang mga pasiyang aralin ni Dr. Thomas ay matatag, at sa pagtanggap ng katuruan ng Biblia sa pamamagitan ng pasasailalim ng bautismo (Marcos 16:16), nagpasimula sila ng paglakad na ibubunga sa kanila ang pagtanggap ng walang hanggang buhay sa Panahong darating (Roma 2:6). Ang mga iba ay sinuri ang mga inaangkin ng mga Christadelphian mula sa isang panglipunang palagay, inuusisa upang malaman ang mga gawain ng Kilusan. Sila ay naakit ng tiyak na katotohanan na maliwanag na lumitaw. Halimbawa, sa "Sects ang Society," isa sa mga hanay ng mga aklat na nalimbag sa panglipunan ng Heinman and Co., ang may akda (hindi isang Christadelphian) ay nagpapatotoo sa masigasig na pagmamalasakit na ipinakikita ng mga Christadelphian sa Biblia, at ipinahayag na sa kanila ang aklat ng kapamahalaan na kanilang pinagbabatayan ng lahat ng kanilang katuruan. Ang namayapang si Bertrand Russell, isang bantog na pilosopo, ay sumulat din tungkol sa mga Christadelphian sa kaniyang gawa: "Power, A New Social Analysis." Itinala niya na ang Kilusan ay ang, pinaka mabuting kinatawan ng Cristianismo ng mga Apostol sa lupa ngayon, sa pahina 109 ay sinulat niya: "Ang Cristianismo ay, sa kaniyang pinaka unang araw, ay lubusang hindi namumulitika. Ang pinakamabuting kinatawan sa ating panahon ay ang mga Christadelphian." Ang angking ito ay kinatigan ng iba. Halimbawa, ang aklat na may pamagat "Through Turmoil to Peace," inilimbag ng mga Adventista noong 1932, ay binanggit ang mga ayon kay John Thomas sa "Elpis Israel" (lalo na yaong may kaugnayan sa pagbabalik ng Bansang Israel sa Lupang Banal bago dumating si Cristo), ay isang halimbawa ng kung gaano kalinaw ang hula ng Biblia ukol sa mga araw na darating kung ito'y tamang ipinapaliwanag. Sinulat ng may akda: "Hindi kinabuhayan ni Dr. Thomas na makita ang katuparan ng hula ni Ezekiel, sapagka't siya'y inilibing noong 1871. Subali't kung siya'y buhay ngayon, hindi na niya kailangang baguhin ang isa mang salita sa mga ibinanggit sa itaas. Gaano katotoo ang mga hula sa Biblia kung ito ay tamang ikinakapit" (p. 328).Ang ilan sa mga bagay na hinula sa Aklat "Elpis Israel" batayan sa hula ng Biblia ay ang mga sumusunod. Link to comment Share on other sites More sharing options...
Resource Manager Posted July 25, 2012 Author Report Share Posted July 25, 2012 SA LARANGAN NG POLITIKA: Ang pagbabalik ng mga Judiyo mula sa pangangalat (Ezekiel 37:21; Jeremias 31:10). Ang pagsasauli ng Israel bilang isang bansa (Ezekiel 37:22). Ang pagbangon ng Russia sa kapangyarihan sa Europa at Asia (Ezekiel 38). Ang panghihina ng Turkiya sa politikang pangdaigdig. Paglago ng Communismo at paglalaban ng mga simulain (Apocalipsis 16:12-16). Ang pagsulsol ng Russia sa labanang politika sa Gitnang Silangan. Ang paghahatihati ng mga bansa sa dalawang panig. SA LARANGAN NG MORAL: Ang paglaganap ng materialismo kasama ang pagtanggi sa mga batayan ng Diyos (2 Timoteo 3:1-5). Paglaganap ng karahasan, ng diborcio, at ang paghina ng mga batayang moral, kasama ang panghihina ng kaisahang kaanak (Lucas 17:26-30). Paglago ng kasamaang pangbata, pagtanggi sa religion, pagkawasak ng batayan ng pananalapi ng daigdig (2 Timoteo 3). Ang katuparan nito at ng ibang mga hula ay nagpapatotoo sa mga Christadelphian sa kanilang unawa ng Biblia, at walang pulutong ng mga tao na lalong nagdaramdam ng mga hayag na panghihina sa mga bagay ng sangkatauhan, sila ay nagagalak sa kaalaman na mayroong maliwanag na mga tanda na ipinahihiwatig ang madaling pagbabalik mula sa langit ni Jesucristo upang itatag dito sa lupa ang Kaharian ng Diyos. Ang mga hula ayon kay Dr. Thomas batay sa isang tamang paliwanag ng hula ng Biblia, ay pinatotohanan ng panahon, at nagpatunay ng katatagan ng kaniyang pangunahing katuruan. Hindi siya isang propeta, kundi isang masusing mag aaral ng hula ng Biblia. Dahil dito nagawa niyang mapangunahan ang mga pangyayari noon (1848) sa hinaharap, at marami doon ay naganap na. Link to comment Share on other sites More sharing options...
Resource Manager Posted July 25, 2012 Author Report Share Posted July 25, 2012 ANG PANGALAWANG PAGDATING NI CRISTO: ISANG PANGUNAHING ARAL NG MGA CHRISTADELPHIAN Ang isang pangunahing turo ng mga Christadelphian, ay ang aral ng pagdating ni Cristo. Ang katuruan ng Biblia tungkol dito ay maliwanag, payak, at madaling maunawaan. Ito ay inihayag sa mga Apostol sa sumusunod na mga kataga: "Itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit" (Gawa 1:11). Si Cristo ay babalik upang lipulin niya "ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan" (1 Corinto 15:24), at upang itatag dito sa lupa ang Kaharian ng Diyos (Daniel 2:44). Ito ay nangangailangan ng malaking pagbabago sa politika, religion, at panglipunan. Sa halip na pangbansang alitan gaya ngayon, magkakaroon ng isang pangdaigdigang pamamahala (Zacarias 14:9). Sa halip na ang sangkatauhan ay nahahati sa religion at paniniwala, at humahanap sa iba't-ibang dako ukol sa patnubay sa politika, ang turo at mga kautusan ni Cristo ay magmumula sa Jerusalem, ang kaniyang punong lungsod, upang mapalakas at mapagkaisa ang lahat ng mga bansa (Isaias 2:2-4). Ang magiging bunga, ay ang kasamaan at may kamatayan ay mababawasan, at mapapalitan ng kapayapaan ang karahasan at digmaan sa ngayon. Ang bunga ay isang ayos ng daigdig na isisinag ang "Kaluwalhatian ng Diyos sa Kataastaasan, at sa lupa, kapaya-paan sa mga taong may mabuting kalooban." Ang isang libong taong paghahari ni Cristo sa lupa (Apocalipsis 20:4) ay may malapit na kaugnayan sa pagkabuhay na maguli. Ang Biblia ay hindi nagtuturo ng walang kamatayang kaluluwa sa langit, kundi ang mga katawan na ibabangon mula sa libingan upang magmana ng walang hanggang buhay sa lupa. Ibabangon ni Cristo mula sa patay at gagantimpalaan ng buhay na walang hanggan yaong namuhay ayon sa kaniyang katuruan (Apocalipsis 22:12; 1 Corinto 15:20-23, 52-54). Mabibihisan ng walang kamatayan (Filipos 3:21), magtataglay ng kalikasang banal (2 Pedro 1:4), ang binuhay na maguli at niluwalhating mga tagasunod ng Panginoong Jesus ay magiging kaniyang mga katulong sa pamamahala ng mga bansa (Apocalipsis 2:26; 5:9-10). Sila ay kabilang sa walang kamatayang maharlika sa ilalim ng isang walang kamatayang hari (Mateo 19:28; Apocalipsis 20:6), na mamamahala sa may kamatayang mga tao ng daigdig sa loob ng isang panahon ng isang libong taon (Apocalipsis 20:4). Ito ay ang dating paniniwalang Cristiano na mula sa mga Apostol; ang batayang aral na ang unang mga pulutong ng tagasunod ni Cristo ay natatag. Ito ay natatag, hindi lamang sa pagtuturo at pangangaral ng mga Apostol gaya ng natala sa Biblia, kundi gayon din sa mga tala ng kasaysayan. Si Eduard Gibbon, ang mananalaysay, sa ika 15 kabanata ng kaniyang "Decline and Fall of the Roman Empire" ay maliwanag na sinaysay ito bilang isang katotohanan, at nagpatuloy na ipinakita kung paano na ang dating mga paniniwala ng mga Cristiano ay pinalitan at nahalinhan ng kamalian sa takbo ng panahon. Sinulat niya: "Ang makaluma at tanyag na aral ng Millenium ay kaugnay sa pangalawang pagdaing ni Cristo ... isang kagalakang Sabbath ng isang libong taon; nang si Cristo, kasama ang matagumpay na pulutong ng mga banal at ang mga hinirang na tumanan sa kamatayan, o yaong mga nasauli, ay maghahari sa lupa ... Ang katiyakan ng gayong isang Millenium ay maingat na inaral ng sunod-sunod na mga magulang mula kay Justin Martyr at Iranaeus, na nakausap ng mga dating mga alagad ng mga Apostol, hanggang kay Lactancius, na siyang Guro ng anak ni Constantino ... ." Subali't ang aral na ito ay unti-unting nabago at napalitan ng kamalian. Itinala ni Gibbon: "Ang aral ng paghahari ni Cristo sa lupa ay unang tinanggap bilang isang paglalarawan, ay tinalakay bilang isang alanganin at walang halagang palagay, at sa kabuuan ay tinanggihan bilang walang katotohanang haka ng hidwang paniniwala at bulag na tagasunod." Ang tagumpay ng kamaliang ito ay katuparan ng hula ng Biblia. Binalaan ni Pablo si Timoteo: "Darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; at ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at ibabaling sa mga katha" (2 Timoteo 4:3, 4). Humula si Pedro: "Magsisiparito ang mga manunuya, at magsisipagsabi, saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito?" (2 Pedro 3:3-4). Ang dating katuruan ng mga apostol sa 1,000 taong paghahari ni Cristo sa lupa, sa mga araw na ito, ay isinauli ng mga turo ng Christadelphian. Link to comment Share on other sites More sharing options...
Resource Manager Posted July 25, 2012 Author Report Share Posted July 25, 2012 KUNG PAANO NAGTAGUMPAY ANG KAMALIAN SA IBABAW NG KATOTOHANAN Hinula ng Biblia na darating ang panahon nang ang dating pananampalataya ng Ebanghelio ay lalabuin ng kamalian, at ito ay naganap noong ika apat na daang taon pagkatapos ni Cristo. Si Constantino, na emperador na Romano, ay nagpasiya na gamitin ang lumalaganap na pulutong ng palagay ng mga Cristiano bilang isang hakbang sa kapangyarihang pangdaigdig. Kaya't nagpasiya ang pamahalaang Romano na magkaloob ng pagkilala sa Iglesia. Ang Cristianismo ay tinangkilik ng pamahalaan. Hindi ito ang Cristianismo ng Biblia, gayon pa man, kundi isang pilipit na anyo ng dating pananampalataya. Mayroon pang kaunti na mahigpit na humahawak sa dating mga paniniwala, subali't ang kanilang patotoo ay humamon doon sa nasa kapangyarihan, sila ay walang habag na pinagusig, at ang bawa't kilos ay ginawa upang masugpo sila. Isang mahigpit na pagsusuri ang ipinatong sa lahat ng aral. Ang mga tao ay iisip ayon sa itunuturo ng maykapangyarihan. Ang mga sandata ng Roma ay ginamit, hindi lamang upang sirain an'g kalaban sa larangan, kundi upang supilin din ang mga tapat na mamamayan na ang kanilang pagkakamali lamang ay ang kanilang paghahangad na sambahin ang Diyos ayon sa kanilang budhi. Gayong nagpasimula ang isang mahabang kasaysayan ng pag-uusig, kung alin ang isang Iglesia na umaangkin na Cristiano, ay isinumpa at hinatulan ang libo-libo, na ang kanila lamang na kamalian ay ang kanilang pagnanasa na sundin si Cristo sa lahat ng paraan. Ang isang mapangapi at malupit na pamamaraan ay nagsikap na supilin sa kalupitan ang lahat ng pula o Paglaban. Ang mga tao ay nagtiis ng di masayod na paghihirap, na ang kamatayan sa kaniyang sarili ang pinaka ginhawa, sa halip na sumuko sa mga utos ng tinatawag na mga pari ni Cristo. Sila ang mga bayani ng Madilim na mga Panahon, na inihahambing ang kanilang pananampalataya at tapang laban sa mga pagbabanta at dahas ng Roma. At bagama't ang lahat ng pinag-uusig ng Roma, ay wala sa katotohanan, laging mayroong ilan (Lucas 12:32) mula sa mga araw ng mga Apostol hanggang sa kasalukuyang panahon, na dinadala ang liwanag ng katotohanan na maningning na sumisinag sa gitna ng nananatiling kadiliman ng kamangmangan. Ang palaaral ng kasaysayan ay makasuri nito ukol sa kaniyang sarili; sapagka't wala tayong puwang upang itala ang patotoo dito. Subali't ang mga pinagusig na secta ng nakaraan: ang mga Donatist ng ika apat na daang taon, ang mga Waldenses, Paulicians, Huguenot at iba pa ng sumunod na mga panahon, ay kakila-kilabot na dumanas mula sa Catolisisismo sa pamamagitan ng lnquisicion, ay mayroong mga maliliit na pulutong na may katulad na mga paniniwala sa mga Christadelphian sa ngayon. Ang bawa't maliliit na pulutong, sa hinaba-haba ng panahon, katulad ng mga ugnay sa kadena, ay idinudugtong ang patotoo ng mga Apostol sa katuruan ng mga Christadelphian ngayon, gaya ng pahayag ni Bertrand Russell na atin nang binanggit. MASAKLAP NA PAGLABAN SA KATOTOHANAN Maging ang Englatierra ay nilabanan ang katotohanan na may karahasan noong nakaraan. Si Bartolome Legate ay isinakdal sa harap ng maykapangyarihan ng dahil sa pagpapatotoo sa katotohanan tungkol kay Jesucristo, at pinabulaanan ang kamalian ng Tatluhang Diyos. Ang Obispo ng London ay minasama si Legate bilang "isang suwail, mapaghimagsik, at hindi mababagong hidwang paniniwala," at hinatulan siya sa kamatayan. Sinasabi ng tala: "Sa pagtanggi sa lahat ng habag, siya ay sinunog hanggang sa maging abo." (Fuller: Church History). Noong 1655, si Benjamin Keach, ng Wislow, sa Buckinghamshire, ay isinakdal ng dahil sa pagpapatotoo sa katotohanan ng Diyos. Naglimbag siya ng isang maliit na aklat na kaniyang pinanindigan na ang kaalaman ay dapat na mauna sa baustismo, na ang mga karaniwang tao ay puwedeng mangaral ng Ebanghelio, na si Cristo ay palagiang maghahari sa ibabaw ng lupa, at iba pa. Siya ay nahatulang mabilanggo, tumayo sa hukuman sa Aylesbury sa loob ng dalawang oras samantalang ang kaniyang aklat ay sinusunog sa harap niya, at magbayad ng multa ng halagang 20, at manatili sa bilangguan hangga't hindi siya tumalikod sa kaniyang aral at ipahayag sa madla ang kaniyang pagsuko. Si Keach ay hindi tumalikod (tingnan Penalty Upon Opinions). Ito ay dalawa lamang sa marami na humamon sa kapuwa kalayaan at buhay upang magpatotoo sa katotohanan na nakay Cristo Jesus. Sila ay mga kinatawan ng marami na bumahagi sa gayon ding mga paniniwala, subali't ang kaniyang mga buhay ay hindi natala, maliban sa "aklat ng buhay" (Apocalipsis 13:8). Link to comment Share on other sites More sharing options...
Resource Manager Posted July 25, 2012 Author Report Share Posted July 25, 2012 HULING ARAW NA PAGSASAULI NG KATOTOHANAN Sa unang mga 1800 ay nagpatotoo sa isang pagsasauli sa pagaaral ng Biblia. Ito ay pinasigla, noong 1804 sa pagtatatag ng "The British ang Foreign Bible Society" na nagbunga sa malawakang pagsusuri ng pagbabasa ng Biblia. Isang Kilusan ng pagsasauli na pinamunuan ni Alexander Campbell, ay umakit sa libo-libong mga tao. Sila ay nagtatag ng mga Iglesia sa ilalim ng pangalang "Campbellites," na pagkatapos ay napalitan sa "Mga Iglesia ni Cristo." Ang isa sa mga naakit ay isang manggagamot na Inglish, si Dr. John Thomas. Isang taong may malawak na kakayahan, siya ay inakit ni Campbell na humawak ng pangunahing bahagi sa kilusan. Dito ay napilitan si Dr. Thomas sa isang masusing, pan,gsariling pagaaral ng Biblia. Nagpasimula siyang hayagang mangaral ng kaniyang natuklasan doon, subali't ito ay nagdala sa kaniya ng hidwaan sa salita sa mga pinuno ng seeta. Nakita niya na handa silang maglingkod sa bukambibig lamang sa mga aral ng Biblia, subali't hindi tinatanggap ang tunay na kahulugan. Ang paglaban na tinanggap ni Dr. Thomas ay nagpilit sa kanya upang pagaralan ng higit at masusi ang Biblia, upang makatiyak na ang kaniyang turo ay matatag. Ito ay nagpalakas sa kaniyang paniniwala, sapagka't nakita niya ang matibay na pagsangayon sa kaniyang mga katuruan mula sa pahina ng Biblia. Ang mga hayagang pagtatalo ay ginawa itong lalong malinaw, at napilitan siya sa kaniyang paniniwala, hindi lamang na ang kasalukuyang Cristianismo ay hindi natatag sa tunay na katuruan ng Biblia, kundi ang katuruan ay sumira sa pagasa ng kaligtasan doon sa yumayakap noon. Sa ngayon, gayon pa man, yaong minsang humiling ng kaniyang tulong ay tumanggi na pahintulutan siyang mangaral. Gayon pa man, bagama't ang pintuan ng paghahayag ay nasara laban sa kaniya hanggang sa pananagutan ng mga Iglesia, si Dr. Thomas ay nagpatuloy na maghayag ng mga katotohanan ng Biblia sa pamamagitan ng panulat at tinig, at unti-unting umakit ng pulutong sa mga katuruang ito. Gayon pa man, ang Ebanghelio, ay isang pagsusumamo sa may unawa, at hindi lamang sa mga damdamin, kaya't ang bilang ng mga naakit ay maihahambing na kaunti. Gayon pa man ang Kilusan ay lumago, at patuloy na lumalago sa ngayon, ang mga pulutong — bagama't maiiit, subali't taimtim — ay makikita sa lahat ng bahagi ng daigdig. Si Dr. Thomas ay hindi kinasihan ng banal na espiritu upang maghayag ng isang bagong katuruan. Siya ay isang lalaking manggagamot, na ang pansin ay nahugot sa Biblia, at sa pamamagitan ng isang pamamaraan ng pagaaral niyon, ay nagkaroon ng sapat na kaalaman upang iharap sa mga tao ang maliwanag, at payak na batayan ng mga katuruan niyon. Ang mga aral na kaniyang itinuro ay malaon ng nahayag libo-libong mga taon bago pa siya. Ang lahat ng kaniyang ginawa ay buhaying muli ang katotohanan mula sa naiipong mga maling aral na lumubog niyon simula pa sa araw ng mga Apostol. Inilimbag niya ang kaniyang natuklasan sa isang aklat na pinamagatang "Elpis Israel," na isang Paglalahad ng Kaharian ng Diyos. Ang pagbabasa ng aklat na ito ay magpapatotoo sa lakas ng katayuan ng Christadelphian tungkol sa katuruan ng Biblia. Link to comment Share on other sites More sharing options...
Resource Manager Posted July 25, 2012 Author Report Share Posted July 25, 2012 ANG HULA NG BIBLIA AY KAPANSIN-PANSING NATUPAD Si Dr. Thomas ay hindi isang propeta, kundi isang masusing palaaral ng hula ng Biblia. Ito ang nagawa upang siya'y sumulat ng mga pangyayari na noon ay sa hinaharap at marami sa kaniyang mga hinula na simula noon ay kapansinpansing napanindigan. Narito ang ilang mga halimbawa n'a nagpapakita na ang mga hula ng Biblia ay maliwanag na naghahayag ng hinaharap kung tamang ipinaliliwanag. Tungkol sa mga Judiyo na noon ay nasa pangangalat: "Mayroon, kung gayon, ng isang bahagi at pangunahing pagsasauli ng mga Judiyo bago ang kahayagan (ang pangalawang pagdating ni Cristo) na magiging isang pasimula, o batayan, ng hinaharap na gawain sa pagsasauli ng natitirang mga angkan pagkatapos niyang magpakita sa Kaharian. Ang bago dumating na pananakop ng Palestina ay lubos na mga batayang politika; at ang mga Judiyong sinakop ay babalik na di naniniwala ng pagka Messiah ni Jesus, at ang katotohanan na nasa kaniya. Sila ay dadayo dito bilang mga magsasaka at mangangalakal, sa pagasa na katapusang itatatag ang kanilang malayang pamahalaan, subali't upang kaagad na kumamkam ng kayamanan sa pilak at ginto sa pamamagitan ng panganga-lakal sa Indiya, at sa baka at pagaari sa pamamagitan ng kanilang sipag sa kanilang bayan, sa ilalim ng sanay na pagtangkilik ng kapangyarihan ng Britania" (p. 441). Ang Britania ay pinagkalooban ng utos sa Palestina pagka-tapos ng Unang Digmaang Pangdaigdig, at madaliang tinangki-lik ang pagbabalik ng mga Judiyo. Simula noon ang bansa ng Israel ay nanatili. Ang hulang ito ay kapansin-pansing natupad. Tungkol sa Egypto: "Ang Diyos ay magdadala ng mga pinuno ng Britania upang makita ang kanaisnais ng Egypto, Ethiopia at Seba, na sila ay mahihikayat sa lakas ng mga pangyayari, at maaaring sakupin iyon. Sila, gayon pa man, bago ang digmaan ng Armageddon, ay mapipilitang unurong mula sa Egypto at Ethiopia ..." (p. 445). Noong 1882, ay sinakop ng Britania ang Egypto, at mula sa dakong ito ay itinaboy ang mga Turko mula sa Palestina sa paghahanda sa pagbabalik ng mga Judiyo. Noong nakaraang mga taon, gayon pa man, siya ay napilitang lumabas ng Egypto, at ang hula ng Biblia ay nagkatotoo. Tungkol sa Britania: "Hindi ko alam kung ang mga tao na sa kasalukuyan ay lumilikha ng panglabas na patakaran ng Britania, ay isina alang-alang ang, pagpasailalim sa pagkuha ng kapamahalaan ng Lupang Banal, at paunlarin ang pagsakop niyon ng mga Judiyo: ang kanilang pangkasaluyang mga hangarin, gayon pa man, ay walang halaga sa isa't-isa, sapagka't sila ay mapipilitan, sa pamamagitan ng mga pangyayari na madali ng magaganap, upang gawin kung ano, sa ilalim ng nananatiling mga pangyayari, ang langit at lupa magkasama ay hindi maikilos sila upang magtangkang ... Ang daliri ng Diyos ay nagtakda ng isang daan upang gawin ng Britania na hindi maiiwasan, at ang kaniyang mga tagapayo ay hindi lamang magnanais, kundi sabik, na sumunod kapag dumating ang pangangailangan sa kanila" (p. 442). Ang tanging kamalian na makikita sa paghahayag na ito ay na ang mga pangyayari ay hindi naganap ng madalian gaya ng" inaasahan, subali't liban doon, ang katotohanan ng pahayag ay hindi mapagaalinlanganan, at ang katapangan ng hula ay isang kasindak-sindak na patotoo sa katotohanan ng hula ng Biblia. Tungkol sa pagkalupig ng Alemania: "Ang emperio ng Austria at Alemania ay natakda sa pagkalipol sa pamamagitan ng apoy at sandata; kaya't kapag ito ay nasira, ang pamumuno ni Gog ay pangangatawanan ng Autocracia, o ang prinsipe ng Ros, Mosc, at toboli" ( o Russia) (p. 432). Ang pangkasalukuyang mga kalagayang politikal sa Europa ay nagpapatotoo sa pahayag. Ang pagkaiupig ng Alemania ni Hitler ay sinundan ng paghahari ng Silangang Europa at ang paglaganap ng Komyunismo ay lumalago. Tungkol sa Russia: "Ang tungkulin ng Russia ay upang paliitin ang lahat ng mga bansa ng lumang Daigdig, maliban sa Britania at ang kaniyang mga sakop sa isang makaharing pamamahala na kumakatawan sa Aklat ni Daniel bilang ang larawan ni Nabocodonosor. Ang walang pagpipigil na kahalayan ay muling lalagap ... ang labanan ay magwawakas sa pagkatalo ng Continente, at ang Russia, katulad ng isang makapangyarihang baha, ay lalagos sa mga bansa, at hahampas ang kaniyang mga alon sa kanilang mga baybayin, mula sa sakop ng Hollandia hanggang sa Dardanelles. Ang Britania ay magkakaroon ng matinding galit, at yuyugyugin ang daigdig ng kaniyang kulog; subalit, tulad noong mga araw ni Napoleon, ang kanyang pakipagisa ay makapanganib sa kanila na nagtitiwala sa kaniya at magiging dahilan ng kanilang pagkalupig. Hayaan na ang Russia, gayon pa man, ay mag-ingat, ang Europa at Turkia ay magiging kaniya; ang Persia, Ethiopia, Libya, at sa wakas, ang Egypto; subali't sa Palestina, ang kapangyarihan ng Russia ay masisira" (Pauna sa ika apat na paglimbag). Sa loob ng nakaraang 50 taon ang Russia ay unti-unting nagiit ng kaniyang kapangyarihan ng higit at higit sa Europa bilang pagpapauna sa itaas. Ang mga hulang ito ay nababatay sa hula ng Biblia. Ang mga pangyayari na kanilang hinula ay mga tanda na nagsasabi sa madaliang pangalawang pagparito ni Cristo upang itatag sa lupa ang kaniyang kapangyarihan (tingnan sa Gawa 1:11; Daniel 2:44). Link to comment Share on other sites More sharing options...
Resource Manager Posted July 25, 2012 Author Report Share Posted July 25, 2012 PAKIKIPAGLABAN UKOL SA PANANAMPALATAYA (Judas 3) Ang Kilusan ng Christadelphian ay napasa ilalim ng paghamon. Pagkatapos nitong matatag sa Australia ay napasa ilalim ng pagsalakay sa Adelaide, Timog Australia, sa pamamagitan ng isang tanyag na pari, na si Dr. Maughan. Sa isang sermon na ipinahayag sa "Methodist New Connexion Church" sa Franklin St., sa Adelaide, noong 11 ng Septiembre 1866, ay binanggit niya sa turo ni Dr. Thomas at lalong lalo na sa kaniyang inihayag na ang Russia ay mananaig sa Europa, at ang maliliit na mga kapangyarihang Europeo ay natadhanang magwawakas, na ang Britania ay magtatatag ng isang pulutong ng mga Judiyo sa Palestina, na ang Russia ay lulusob sa Jerusalem, na ang Britania, sa wakas, ay mananawagan ng tulong America. Tinuya niya ang palagay na ang mga hulang ito (na inihayag ni Dr. Thomas sa panahong yaon) ay hindi maaaring maganap. "Ito ngayon ay isang bagay na kasaysayan na lamang na ang tinatawag na digmaan ng Armageddon ay hindi pa nagaganap," kaniyang inihayag, at sa halong panunuya ay kaniyang tinapos: "Tayo samakatuwid ay pahintulutan, ng isa pang mahabang panahon, na humingang malaya, upang pasalamatan ang Diyos at magpakatapang" (Memoirs and Sermons of Rev. J. Maughan p. 25). Kung si Dr. Maughan ay buhay sa ngayon, siya ba ay magmumungkahi na ang mga hulang ito ay hindi magaganap? Uulitin ba niya ang kaniyang may pagtuyang palagay. Kaniya bang imumungkahi na ang maliliit na kapangyarihang Europeo ay hindi nahaharap sa paglipol? Na ang Russia ay hindi maghahamon sa pang daigdig na kapayapaan? Na ang Britania ay hindi nagtatag ng isang mananahang mga Judiyo sa Palestina? Na hindi siya sumamo sa America ukol sa tulong? Na ang Russia ay hindi sasalakay sa Jerusalem? Kaniya bang aakalain na ang daigdig ay hindi nahaharap sa Armageddon? 0 magpapahiwatig na ang gayong mga hula ay hindi makikita sa Biblia? Maaari, subali't ito ay kinakailangan sa harap ng mga katotohanan. Ang mga paliwanag ng mga Christadelphian sa hula ng Biblia ay napatotohanan ng panahon. Link to comment Share on other sites More sharing options...
Resource Manager Posted July 25, 2012 Author Report Share Posted July 25, 2012 SALAKAY NG ISANG BAPTISTA Si Dr. Maughan ay maraming manggagaya. Noong 1933, isang aklat ang ipinalimbag sa Adelaide ng isang ministrong Baptista, si H.E. Hughes, na naglalaman ng paunang salita ni Mr. F. Lade, isang naging Pangkalahatang Pangulo ng Iglesia Methodista sa Australia. Ito ay pinamagatang "The Second Advent of our Lord," at binabanggit ang Christadelphian sa pangalan, tinuya nito ang kanilang mga paniniwala. Katulad ni Dr. Maughan, ay isina isang tabi ang kuro-kuro na ang hula ng Biblia ay natupad sa mga pangyayaring politikal. Sa isang kabanata sa pagbabalik ng mga Judiyo sa Palestina, siya ay nangahas na humula na ang buong pagsasanay ay mapapatunayang isang kahabag-habag na pagkabigo. Sa panahon na nailimbag ang kaniyang aklat, ang kalahatang nananahan sa Palestina ay 850,000 lamang, at sa bilang na ito, ang mga Judiyo ay kumakatawan lamang sa 165,000. Inihula ni Mr. Hughes na ang mga Arabe sa wakas ay magtataboy sa mga Judiyo mula sa lupain. Ang mga Christadelphian ay inihula ang kabaligtaran. Hindi nila inalintana ang kahirapan na hinaharap sa mabigat na kaliitan ng bilang ng mga Judiyo, subali't mayroon silang lubos na tiwala na ang hula ng Biblia ay mapapatunayang totoo. Si Mr. Hughes, sa kabilang dako, ay naniniwala na ang mga kahirapan ay hindi mapaglalabanan. Sinulat niya: "Halimbawang may isang malaking himala ang gagawin — ang Diyos ay makagagawa ng himala — at ang mga Moslem at mga Cristiano ay mapipilitang lumikas mula sa Palestina, ang pagbabalik ba ng mga Judiyo ay isang payak na bagay? Ang kanila bang mahabang panahong panaginip kung gayon ay may madaling katuparan? Hindi" (p. 38). Siya ay nagpatuloy na nagpahayag na maging ang Diyos ay gagawa ng isang himala at alisin ang mga Arabe, ang mga Judiyo ay hindi pa rin babalik. Subali't, noong 1948, ang himala ay nangyari. Sa taong yaon ang bansa ng Israel ay ipinahayag, at ang mga hukbo ng Arabe ay tumipon sa hangganan ng Palestina. Sa napakaliit na bilang ng mga Judiyo, laban sa napakalaking kahigitan ng mga sandata ng mga Arabe doon sa Israel, na ang pinagsamang pamumuno ng Egypto-Arabe ay hayagang pinagyayabang na ang mga Judiyo ay maitataboy sa Mediterranean sa loob lamang ng ilang mga araw. Pinagsabihan nila ang lahat ng mga Moslem sa pook na pangsamantalang lumikas sa kanilang mga tahanan, at manahan sa hangganan ng Jordan, sa katiyakan na ang tagumpay ng mga Arabe ay madaling maisasagawa, sila kung gayon ay makababalik na mapayapa at katatagan sa kanilang mga tahanan. Bilang kinalabasan, ang ilang 700,000 mga Arabe ay kusang loob na iniwanan ang Palestina upang hintayin ang inaasahang tagumpay. Subali't ang mga Arabe ay hindi mapag-aalinlanganang natalo, at sa gayong isang kapansin-pansing paraan, na ang katagang "himala" ay palagiang ginagamit ng mga Judiyo upang ilarawan ang kanilang tagumpay. Muli noong 1967, matapos ang kapansin-pansing mga tagumpay, ang hanggahan ng Israel ay madulang pinalawak, kaya't sa ngayon ang Jerusalem ay nasa kamay na ng mga Judiyo matapos ang 2,000 mga taon ng pagkakatapon doon (Lucas 21:24).Simula noon, ang mga Judiyo ay maramihang bumalik sa lupain, at ang kasalukuyang mananahan ng Israel ay humihigit sa 3,000,000 katao. Ang paghahayag ng hula ng mga Christadelphian ay muling napatunayan ng mga pangyayari; ang Biblia ay muling napatotohanang totoo. Link to comment Share on other sites More sharing options...
Resource Manager Posted July 25, 2012 Author Report Share Posted July 25, 2012 PAGLAGO NG KILUSAN Ang Kilusang Christadelphian, sa kaniyang kahayagan sa mga huling araw, na nagpasimula sa America, at madaling lumaganap sa kabuuan ng daigdigang Ingles at sa iba't ibang ibayo. Ngayon, ang mga pulutong ng mga Christadelphian, na magkasama na nais nilang tawagin bilang Ecclesia (isang iningles na anyo ng katagang Grego na isinaling mga Iglesia sa A.V. datapuwa't sa katunayan ay naglalarawan ng isang bayan na tinawag sa pamamagitan ng banal na paanyaya — tingnan ang Gawa 15:14) ay makikita sa iba't-ibang panig ng daigdig. Gayon pa man, sa kabuuan ay kumakatawan sa maraming libo-libong mga tao, sila gayon pa man ay maliit ang bilang kung ihahambing sa ibang mga pangkat ng religion. Bakit ganoon? Sapagka't ayon sa katuruan ni Cristo, ang mga Christadelphian ay humihiling ng mga saligan ng paniniwala at gawa sa bahagi noong tumanggap kay Cristo. Magkakaroon sila ng marami pang higit na "mahihikayat" kung kanilang iwawalang kabuluhan ang mga malinaw na mga pangangailangan ni Cristo tungkol sa kaniyang mga tagasunod. Subali't inilahad na maliwanag ni Cristo ang mga pangangailang ng kaligtasan, at maaaring palitan ito ng mga tao sa ikapapahamak ng kaniyang walang hanggang kaligtasan. Mayroong tatlong hakbang ukol sa kaligtasan: Paniniwala, Bautismo, at Pagsunod (tingnan sa Marcos 16:15-16; Mateo 28:19-20; Gawa 2:38). Sa madaling sabi, ang tunay na pagsasauling espiritual ay nangangailangan ng isang matalinong kaunawaan ng kahayagan ng Diyos sa tao (Roma 1:16; 1 Corinto 15:1-2). Kung ang mga tao ay lubhang tamad na suriin ang patotoo, ay kanilang tinatanggihan ang tanging daan sa buhay na walang hanggan. Ang karamihan sa mga tao ay tinatanggihan na harapin ang paghamon na ito. Ipinagkakatiwala nila ang katuruan ng Biblia doon sa tinatawag nilang "may karapatang propesional na ipaliwanag iyon" sa madaling sabi, ang pari. Subali't sa kadalasan ang mga taong ito, na inaasa ang kaniiang pagkabuhay sa religion, ay tinatasahan ang kanilang turo sa kung ano ang nais ng mga tao na mapakinggan. Marami ang tumatanggi sa kuro-kuro na ang pangsariling kaligtasan ay nangangailangan ng sariling kaunawaan ng katuruan ng Biblia, at sa paggawa niyon, ay inilalagay ang kanilang sarili sa labas ng sakop ng kaligtasan. Itinuturong maliwanag ng Biblia: "Ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at siyang iyong sinugo, samakatuwid baga'y si Jesucristo" (Juan 17:3). "Na ang kadiliman ng kanilang pag-iisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Diyos, dahil sa KAHANGALANG nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso" (Efeso 4:18). Ang mga banggit na ito ay nagtuturo na isang pangunahing kaunawaan ng panukala ng Diyos sa sangkatauhan ay kinakai-langan sa kaligtasan. Pinapatibay nila ang utos na ibinigay ng Panginoon sa mga Apostol nang pag-utusan silang humayo at ipangaral ang Ebanghelio. Idinagdag niya: "Ang sumasampalataya at mabaustismuhan ay maliligtas" (Marcos 16:16). lyan ang dahilan kung bakit ang mga Christadelphian ay iginigiit na ang mga kaibigan na may hilig ay maunawaan ang panukala ng Diyos kay Cristo sa kaugnayan sa kanilang sarili at sa daigdig na pangkalahatan bago tanggapin sila bilang kasapi ng pulutong. ito ay katuwiran lamang na ang isa ay nararapat na maunawaan na kung saan siya tinawag. Ang Diyos ay naglayon na yaong lalapit sa Kaniya ay nararapat pailalim sa isang pagbabagong kaisipan, paguugali at pangangatawan. Ang una ay nagaganap sa pamamagitan ng isang kaunawaan ng kaniyang katotohanan upang makita nila ang buhay mula sa Kaniyang pinanukala; ang pangalawa ay susunod kung ang kaniyang mga pangangailangan ay inihahayag sa isang paraan ng buhay; ang pangatlo ay magaganap sa pagdating ng Panginoong Jesucristo kapag ang walang hanggang buhay ay ipagkakaloob sa lahat na namuhay ayon sa kaniyang mga panuntunan. Link to comment Share on other sites More sharing options...
Resource Manager Posted July 25, 2012 Author Report Share Posted July 25, 2012 ANO ANG KAHALAGAHAN NITO SA INYO Ang Biblia ay naghahayag na ang bawa't tao ay siyang tagapagpasiya ng kaniyang sariling kapalaran. Nagbukas ang Diyos ng isang daan ng kaligtasan, datapuwa't ito ay sariling pananagutan ng tao na suriin. Hindi pipilitin ng Diyos ang tao na maligtas, subali't inaanyayahan sila ng Diyos na pakinabangan ng kanilang sarili ang mga paraan na malaya Niyang inaalok sa gayong wakas (Isaias 55; Juan 3:16). Walang pinakamalaking gantimpala kundi yaong inilaan ng Diyos doo.n sa humahanap sa Kaniya sa katotohanan; walang pinakamalaking mana na maipagkakaloob ng isang magulang sa kaniyang anak kundi ang isang kaalaman ng mga katotohanang espiritual; walang malaking katiwasayan ukol sa kaniyang kaanak kundi ang isang kahayagan ng daan ng kaligtasan ng Diyos. Bakit hindi pansariling suriin ang mga katuruan na di nagbabago na inihaharap ng mga Christadelphian? Kami ay lubhang masisiyahan na tulungan kayo sa gayong wakas sa pamamagitan ng pagpapadala sa inyo ng walang bayad na babasahin na nagpapaliwanag sa katuruan at hula ng Biblia; o ipabatid sa inyo kung saan idaraos ang pagpapahayag ng mga Christadelphian. Isang malugod na pagbati ang naghihintay sa inyo sa dako ng pagpupulong. Makikita ninyo na ang pahayag ay ipagkakaloob ng isang pangkaraniwan (hindi tumatanggap ng bayad sa kanilang paglilingkod sapagka't walang bayarang ministro sa kapatiran) na may kinalaman sa kaniyang. paksa na natamo sa pamamagitan ng sariling pagsusuri; at inyong malalaman na walang bayad ang pagpasok, ni may abuluyan man. Minumungkahi namin na subukin ang katuruan ng mga Christadelphian sa pamamagitan ng pagpapadala ukol sa walang bayad na mga aklat na nakalathala sa likod ng aklat na ito. Ito ay ipapadala sa inyo na ganap na walang bayad, at walang pananagutan ano pa man. Bakit hindi lagdaan 'ang kupon at madaling ipadala sa pamamagitan ng koreo? Masisiyahan kaming makarinig mula sa inyo. Link to comment Share on other sites More sharing options...
Resource Manager Posted July 25, 2012 Author Report Share Posted July 25, 2012 ANO ANG PINANINIWALAAN NG MGA CHRISTADELPHIAN ANG BIBLIA ay ang kinasihan at walang pagkakamaling Salita ng Diyos, ang tanging pinanggagalingang kapamahalaan ukol sa nagliligtas na katotohanan ng Ebanghelio (2 Timoteo 3:15-17; Isaias 8:20). Mayroong ISANG DIYOS, ang Ama at Manglilikha ng lahat ng mga bagay, nananahang may katawan sa langit. Siya ay walang kamatayan, hindi nakikita at pinakamatalino, na pinupuno ang lahat ng kalawakan sa pamamagitan ng Kaniyang espiritu. Inahayag Niya ang Kaniyang banal na kalooban at panukala sa sangkatauhan at sa lupa sa loob ng Biblia (Deutoromio 6:4; 1 Timoteo 2:5; 1 Corinto 8:6; Awit 139:7-10; Jeremias 23:24; 1 Hari 8:27; Hebreo 1:1 ;2 Pedro 1:21). Si Jesus na taga Nazareth ay ANAK NG DIYOS at ANAK NG TAO. Siya ay banal na ipinanganak ng Diyos sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo na nanahan sa isang makataong ina, si Maria, isang birhen at isang angkan ng maharlikang sangbahayan ni David. Wala siyang katawan na nananatili bago sa kaniyang kapanganakan, at ginawa sa lahat ng mga bagay katulad ng kaniyang mga kapatid, na tao. Pinatay siya sa crus bilang isang alay sa kasalanan, at dahil sa kaniyang ganap na pagsunod, siya ay ibinangon mula sa patay ukol sa kapatawaran ng lahat ng naniniwala sa kaniya (Lucas 1:30-35; Isaias 53:1-12; Hebreo 4:15; Gawa 2:24; Roma 4:25; 8:3). Ang ESPIRITU SANTO ay ang Kapangyarihan ng Diyos, isang banal na lakas na sa pamamagitan noon ay pinupuno Niya ang lahat ng kalawakan at nagbibigay lakas sa lahat ng mga bagay (Lucas 1:35; Awit 51:11; Awit 104:30; 139:7-12). Ang himalang biyaya ng Espiritu, gaya ng inihayag ng mga mananampalataya noong unang sangdaang taon, ay ngayon ay inalis ayon sa 1 Corinto 13:8-10. Ang TAO ay isang linikhang may kamatayan na ang kaniyang kamalayan ay ganap na humihinto sa kamatayan, at, samakatuwid ang panibagong buhay ay tanging darating sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng katawan noon (Genesis 3:19; Ezekiel 8:4; Awit 6:5; Ecclesiasters 3:18-19; 9;5, 6; Isaias 38:18-1 Corinto 15:13-21; Juan 5:28, 29; Daniel 12:20. Ang LUPA ay mananatili magpakailan man, at sa wakas ay pupunuin ng isang angkan ng matuwid at walang kamatayang mga tao na maghahayag ng kaluwalhatian ng Diyos sa kanilang banal na kalikasan at lubos na kapangyarihan (Bilang 14:21; Awit 72:19; Gawa 15:14; Apocalipsis 3:12; 20:6; 21:3; 1 Corinto 15:20-28; Eccesiastes 1:4; Isaias 45:18). Ang EBANGHELIO ay ipinangaral kay Abraham nang ipangako sa kaniya ng Diyos ang Lupain ng Canaan (ang makabagong Israel) ukol sa isang walang hanggang pagaari: kay David nang nangako sa kaniya ang Diyos ng isang Anak na uupo sa kaniyang luklukan magpahanggang kailan man; sa mga Judiyo nang ipabatid sa kanila ang mga pangako ng Diyos kay Abraham at David, at pinagtibay nang ipahayag ni Cristo ang Ebanghelio ng Kaharian ng Diyos, at sa lahat ng sangkatauhan nang dalhin ng mga Apostol at ang kanilang mga katulong ang gayon ding pangaral "at ang pangatan ni Jesucristo sa lahat ng daigdig (Galacia 3:8; 2 Samuel 7:12-29; Lucas 1:31-33; Roma 15:8; Marcos 1:14-15; Gawa 8:12; Marcos 16:15-16; Mateo 28:19-20; Gawa 2:30-35). Ang mga TINUBOS na magmamana ng ipinangako ng pagpapala ay yaong mga pinili sa lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Ebanghelio, na nagkaloob ng pagsunod sa kaniyang alituntunin sa pamamagitan ng bautismo at isang paglakad sa pananampalataya. Ang mga pagpapalang ito ay ipagkakaloob sa pagbabalik ni Cristo mula sa kanang kamay ng Diyos upang ibangon ang mga mananampalatayang nangamatay, at kasabay ang mga buhay na mananam-palataya, upang dalhin sila sa luklukan ng hukuman, upang gantimpalaan ang mga matuwid ng walang hanggang buhay, at parusahan ang masama ng walang hanggang pagkalipol; at sa wakas ay itatatag ang kaniyang maluwalhating kaharian sa ibabaw ng lupa (Gawa 15:14; Roma 6:3-5; 2 Corinto 5:10; Roma 2:5-9; Lucas 14:14; 1 Corinto 15:51-57; 2 Timoteo 4:1, 8). ANG KAHARIAN NG DIYOS ay ang makalumang Kaharian ng Israel sa ilalim ni David. Ito ay muling itatatag sa lupa kasama ang Hari, ang Panginoong Jesucristo na maghahari mula sa Jerusalem. Sa wakas na iyon, si Cristo, sa kaniyang pagdating ay lulubusin ang pagsasauli ng mga Judiyo sa lupain, at itatatag ang kaniyang pamamahala sa ibabaw ng lahat ng lupa. Siya ay maghahari sa tulong ng kaniyang niluwalhating mga nananampalataya. Ang pamamahalang ito ay tatagal sa loob ng 1,000 taon, sa kawakasan niyon, ay panibagong paghatol ang magaganap, ng lahat ng nangabuhay sa loob ng millenium. Ang mga matuwid ay pagkakalooban ng walang hanggang buhay, ang di matuwid ay dadalhin sa kamatayan; at isang ginanap na lupa, na ang kamatayan ay maaalis, ay ipagkakaloob sa Diyos upang Siya ay "maging lahat sa lahat" (1 Cronica 28:4-5; 29:23; Jeremias 3:17; Isaias 11:11; 14:1; Jeremias 23:5-8; Zacarias 6:13; Isaias 2:1-4; 1 Corinto 15:24-28). Ang kasalukuyang pagsasauli ng mga Judiyo, at panunumbalik ng Israel, ay pauna dito sa maluwalhating kaganapan. Ang bayang Judiya ay mapapakumbaba, sinupil at inaralan sa katotohanan tungkol kay Cristo Jesus, at mapapasama bilang may kamatayang mga mamamayan sa Kaharian na kaniyang itatatag sa lupa, bilang isang pasimula ng isang malawak na daigdig ng pagbabalik loob ng lahat ng mga tao sa katulad na paraan (Ezekiel 36:22-24; 37:21-22; Zacarias 12:9-10; 13:8-9; Romas 11:25-28; Micas 4:7-8; Isaias 2:2-4). http://www.acbm.org.au/ http://www.acbm.org.au/region/philippines AngMgaChristadelphian.pdf Link to comment Share on other sites More sharing options...
Recommended Posts