Jump to content

Sino ang mga Tunay na Saksi ng Diyos?


Recommended Posts

SingoAngMgaTunay.jpg

 

Sino ang mga Tunay na Saksi ng Diyos?

 

PAUNANG SALITA

 

Ang pamagat ng maliit na aklat n’a ito ay nagpapahiwatig na yaong umaangkin sa pangalan ng MGA SAKSI Nl JEHOVAH, ay hindi na gaya ng kanilang inaangkin. Ang may akda, kasama ang lahat ng mga Christadelphian, ay naniniwala na ang mga itinuturo ng mga Saksi ni.Jehovah ay halos ganap na hindi ayon sa Kasulatan. Naniniwala kami na sininsay nila ang mensahe na inihatid ng Diyos sa sangkatauhan sa Biblia at sa walang kaparaanan na kanilang ‘sinaksihan’ ang katoto-hanan na inihayag ng Kasulatan.

 

Ang maliiit na aklat na ito ay hindi isang kasagutan sa lahat ng kanilang itinuturo subali’t tumatalakay lamang sa isang tanging bahagi niyon. Ito ang paninindigan ng mga Saksi na ang panukala ng Diyos sa hinaharap ay hindi nauukol sa bansa ng Israel: na ang kasalukuyang pagbabalik ng mga Judiyo sa Israel ay hindi paksa ng hula: na ang hula sa isang pagbabalik ay naganap na literal noong ika anim na daang taon B.C. Banggitin ang kanilang sariling mga salita: —

 

“Ang Biblia sa kanilang sarili ay ipinakikita ang mga hula ng pagsasauli ay nagkaroon ng literal na kaganapah sa isang maliit na kalarawan sa bansang Israel noong ika anim na daang taon B.C. upang maging isang tiyak na tularan ng isang wakas na kaganapan ng gayon ding hula sa mga huling araw. Ang pagbabalik ng makalupang bansa ng Israel sa kagandahang loob ng Diyos ay hindi maaaring mangyari, samantalang sinalita ni Jesus ang hindi mababagong paghihiwalay na utos ni Jehovah laban sa makalupang bansa noong A.D. 33. Kaya’t ang mga
hula ng
pagsasauli ay kumakapit sa mga huling araw sa isang unawang espiritual at binabanggit sa ‘lsrael ng Diyos’ o ang bagong bansa na kapuwa mga Judiyo at mga Gentil na ipinanganak ng espiritu ng Diyos at samakatuwid ay mga espiritual na Israelita. Ang pagsa-sauli ng bansang ito ay bahagi ng kabuuang tanda na tumuturo sa pagsisimula ng paghahari ni Cristo at sa kawakasan ng pamamahala ni Satanas” (Make Sure of All Things - pp. 210-211)

 

Ito ay naniniwala kami na isang salungat sa kasulatan na nagtuturo ng isang pagtanggi sa maliwanag na mga pangako na ginawa ng Diyos bilang Kaniyang pangwakas na panukala sa bansang Judiyo, ang ‘likas na binhi’ ni Abraham. Si Jesus ay hindi nagsalita ng ‘hindi nagbabagong paghihiwalay na utos laban sa makalupang bansa; sa katunayan, sa gayon. ding talata na binanggit (Mateo 23:37-39), itinuro niya na magkakaroon ng isang pagsasauli ng Israel kapag kanilang kikilalanin siya bilang ang kanilang Messias, na, ipinakikita ng Kasulatan, na kanilang gagawin kapag si Jesus ay nasa lupang muli.

Link to comment
Share on other sites

  • 5 months later...

Sino, sa katunayan, ang magiging mga saksi sa katotohanan ng Diyos na nagsasabi ng gayong mga bagay na laban sa malinaw at payak na mga pangako ha nilalaman ng Biblia?

 

Gaya ng ipinakikita ng sumusunod na mga pahina, ang kasalukuyang pagbabalik ng mga Judiyo sa Israel ay isang katangi-tanging ‘tanda ng mga panahon’, isang palatandaan na ang pagdating ni Cristo ay nalalapit. Kaya’t bibigyan namin ng katanyagan ang paksa. Ang aming pananampalataya ay tiwala sa Salita ng Diyos ay tiyak kung aming pinupuna ang kaganapan ng hula sa lahat ng kasaysayan ng bansang Judiyo, maging sa pagkabihag, sa pangangalat o pagsasauli. Ang kanilang pagbabalik sa kasalukuyang mga panahon ay karagdagang pagpapatunay sa salita ng hula. Ito ay hindi isang karunungan matapos ang pangyayari. Pinauna na ng mga Christadelphian ang pagsasauli ng Israel sa kanilang mga babasahin sa loob ng isang daang taong nakalipas.

 

Ang mga Saksi ni Jehovah sa isang panahon ay pinaniniwalaan ang literal na pagbabalik ng bansang Judiyo sa lupain ng Israel. Ipinagtapat nila na sila noon ay nagkaroon ng “maling palagay” sa paksa (tignan ang Watch Tower, 15/8, 1949, p. 252). Isang katuwang bagay na ang mga tao na umaangkin na mga saksi sa katotohanan ng Diyos na makita na kailangan na magbago ng mga palagay sa isang napakahalagang paksa ng pagtuturo ng Biblia!

Link to comment
Share on other sites

1 ANG MGA SAKSI NG BIBLIA

 

May dalawang kahulugan ang katagang ‘saksi’. Ang isa ay, nakita ng tao ang bagay. Anuman ang ating nakita ay ating sinasaksihan. Ang ibang kahulugan ay kung ang isang tao ay nagpapatotoo sa kanilang nakita o sa kanilang nalalaman. Ang pakahulugang ito ay kumakapit doon sa humaharap sa hukuman bilang mga saksi sa isang kasalanan o isang sakuna. Nagbibigay sila ng patotoo o nagbibigay sila ng kanilang saksi.

 

Ngayon sa Biblia ay makikita natin ang kataga sa wikang Ingles na “saksi” na maraming ulit. Hindi kailangan na ikabahala natin ang unang paliwanag. Ang pangalawa ay higit na mahalaga sa ating hangarin. Sino sa Biblia, ang mga sinasabing bilang mga saksi ng Diyos? Sino yaong nagpapatotoo sa kung ano ang kanilang nakita o nalaman?

 

Una ay ang bansang Israel. “Kayo’y aking mga saksi” (Isaias 43:10), sinabi ng Diyos sa kanila. Sa Bagong Tipan ay nabasa natin tungkol kay Jesus bilang “ang saksing tapat at totoo” (Apocalipsis 3:15). Gayon din si Apostol Pablo na pinag-utusan upang maging “ministro at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin, at ng mga bagay na pagpapakitaan ko (si Jesus) sa iyo” (Gawa 26:16). Pagkatapos ay nabasa natin ng maraming ulit tungkol sa ibang mga Apostol na sila ay magiging mga saksi sa mga katotohanan na kanilang nalaman (Gawa 1:8; 2:32; 5:32 at iba pa). Ang mga banggit na Uo ay sapat ukol sa ating hangarin. Ipinakikita nila na ang ‘Diyos ay hindi nagiwan na walang saksi sa Kaniyang sarili sa katotohanan, gaya ng ulan na mula sa langit ay sumasaksi sa Kam’yang kabutihan sa iahat ng Kaniyang ipinagkakaloob sa sangkatauhan’ (Gawa 14:17).

 

Mula sa mga halimbawa ng “saksi” ay iminumungkahi namin na talakayin ang dalawa, o dalawang katawan ng mga saksi, upang makita kung ano ang kanilang pinatutunayan tungkol sa panukala ng Diyos sa lupa at sa tao. Ang una, sa Lumang Tipan, ay ang bansa ng Israel, at pangalawa, sa Bagong Tipan, ay ang mga apostol ni Jesucrito. Sinaksihan nila sa iba’t-ibang mga panahor. bagama’t sa gayon ding panukala at sa gayon ding Diyos. Sa pagtalakay sa una ay aming, ika nga, palalakihin ang lawak ng saksi. Matapos na tumingin sa mga kabanata sa Isaias na nauukol sa saksing Israel, tayo’y hahagap sa pamamagitan ng kanilang kasaysayan, gaya ng ipinahihiwatig sa hula ng Biblia, upang makita kung paano ang bansa sa pangangalat at pagsasauli ay naging isang buhay na saksi sa panukala ng Diyos. Pagkatapos ay ating makikita kung ano iyon na sinaksihan ng mga Apostol at ang mensahe ng saksing yaon ay inihahatid sa atin ngayon.

Link to comment
Share on other sites

2 “KAYO’Y AKING MGA SAKSI”

 

Ang mga banggit sa Isaias 43 at 44 sa bansa ng Israel bilang mga saksi ng Diyos ay, sa sukat, ay isang paghatol. Sapagka’t sila’y sumamba sa diyos-diyosan, at naging “bulag at bingi” sa salita ng Diyos (Isaias 43:8). Ang unang utos na ipinagkaloob sa kanila ay “Huwag kapg magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap ko” (Exodo 20:3); datapuwa’t sila ay madalas na nahihikayat mula sa pagsamba ng isang tunay na Diyos. Si Solomon ay nagsimula ng isang masamang halimbawa at ang sumunod na mga hari ay lalong nagdagdag sa pagpapakilala ng mga diyos sa mga paligid na mga bansa sa Israel. Sila ay sinisi sa pamamagitan ng mga propeta. Pinakatangi ay si Isaias na tinawag upang paalalahanan sila ng kanilang naunang kasaysayan, nang ang kapangyarihan ng Diyos ay ipinakita sa kanila sa kahayagan. “Ako’y nagpahayag at ako’y nagligtas, at ako’y nagpakilala, at walang ibang Diyos sa gitna ninyo: kaya’t kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Diyos” (Isaias 43:12).

 

Sa kabanatang ika 44 ay ipinakita ng propeta ang kahangalan ng pagsamba sa isang diyos-diyosan na kahoy nang, mula sa gayon ding puno, ang kahoy ay ginagamit upang gumawa ng apoy upang mainitan sila. Nakita ng bansa nguni’t hindi napansin: nadinig nguni’t hindi naunawaan. Sila ay hindi halimbawa ng katuwiran sa ibang mga bansa. Ang mga pagsusumamo ng Diyos sa Israel ay mababasa sa lahat ng mga propeta, samantalang ang mga kasaysayan ng Lumang Tipan ay itinala ang patuloy na pag-iwas mula sa tamang mga landas na hinihingi ng Diyos sa kanila. Kaya’t sa wakas ay dumating ang paghatol. Ang kalunos-lunos na paghihina at pagbagsak (kapuwa ng mga kaharian ng Hilaga at Timog) ay mababasa sa katapusang mga kabanata ng 2 Hari at sa 2 Cronicas. Laban sa mga angkan ng Hilaga ang Assiria ay lumusob, at itinapon ang maraming mga tao sa Silangan. Pagkatapos ang hukbo ng Babilonia ay kinubkob ang Jeru-salem, na sinira ang templo at nagwakas ang kaharian ng Juda. Sa ganitong paraan, mga anim na daan taon bago ipinanganak si Cristo, ang malayang pananahan sa lupain na ipinangako at ipinagkaloob ng Diyos sa mga supling ni Abraham 1,000 taon bago pa noon, ay natapos.

Link to comment
Share on other sites

3 — ANG SAKSI NG PAGHUHUKOM

 

Sa loob halos ng 2,500 taon ang bansa ng Israel, sa paghatol, pagkabihag at pangangalat, ay naging isang saksi sa panukala ng Diyos at sa katiyakan ng mga sulat ng hula. Sa lahat ng anyo noon, ang mahabang panahon ng kasaysayang ito ay nagtatanyag ng isang pangbihirang katuparan ng hula.

 

Nang tanggapin ng bansa ang kautusan, ang suliranin ng buhay o kamatayan, sa pangbansang unawa, ay iniharap sa kanila. Ipinabatid sa kanila sa pinakamaliwanag na mga kataga ang ibubunga mula sa pagtalima o di pagtalima. Ang mga patakarang ito ay hindi ginawa ng tao. Ang Manlalalang ang nakitungo sa bansa, upang ang pangunahing kaaiaman ay maging isang mahabang daan sa hinaharap. Dalawang kabanata sa Kasulatan na naglalaman na tinatawag nating kasunduan sa pananahan ukol sa bansa: ang mga patakaran upang sila ay manahan, o mapaalis mula sa lupain ng Israel. Ito ay ang mga kabanatang 26 ng Levitico at 28 ng Deuteronomio. Isang hango sa bawa’t isa ay sasapat, ngunr’t hindi tayo malalagay sa alaoganin batay sa kahulugan.

 

Tungkol sa paggawad ng paghatol ukol sa pagsuway, mababasa natin sa Levitico 26,

 

“At kung hindi ninyo ako pakikinggan ... Gagawin kong ilang ang lupain ... At kayo’y aking pangangalatin sa mga bansa ... ang inyong lupain ay magiging isang ilang, at ang inyong mga bayan ay magiging sira” (talatang 27 32, 33), pagkatapos mula sa Deuteronomio 28;

 

“Kung hindi ninyo didinggin ang tinig ng Panginoon mong Diyos ... at ikaw ay magiging isang kamanghaan, isang kawikaan, at isang kabiruan, sa lahat ng bayan ... Magdadala ang Panginoon ng isang bansang laban sa iyo mula sa malayo ... at kaniyang kukubkubin ka sa lahat ng iyong mataas at nakababakod na kuta ay malagpak ... at pangangalatin ka ng Panginoon sa lahat hg mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa ... at sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa ...” (talatang 15, 37, 49-52, 64, 65).

 

Nararapat na basahin ang buong mga kabanata upang ang lakas ng mga babala ng paghatol ay makikita sa kabuuan ng kanilang texto. Ang mga kataga ay sinalita sa pamamagitan ni Moses nuong una, maging, ang bansa ay dumating sa lupain ng Canaan. Dito, gayon man, ang Espiritu ng Diyos ay nagsasalita na may buong kaalaman ng kung ano ang mangyayari, bagama’t ito ay mga pangyayari na magaganap maraming mga daang taon pagkatapos.

 

Ang mga aklat ng kasaysayan ng Lumang Tipan at ang mga sulat ng hula, ay ang nangaudyukang puna sa mga naunang mga kataga mula kay Moses. Ipinakikita ang mahabang panahon ng pangbansang pagsuway, gayon din ang pagpapahinuhod ng Diyos. Sa wakas ang mga araw ng pagnatol ay dumating. Gaya ng nabanggit, ito ay dumating sa paglusob ng Assyria at Babilonia. Ito ay nangangahulugan hindi lamang ang wakas ng malayang pananatili ng Israel, kundi ang wakas din (pangsamantala) ng kaharian ng Diyos (pansinin ang banggit sa 1 Cronicas 28:5, “Ang kaharian ng Panginoon”).

Link to comment
Share on other sites

Si Zedikias ay ang kahuli-hulihan sa mga hari sa Judah at nang siya ay inalis sa pagkahari ay dumating ang salita ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Ezekiel:

 

“At ikaw, o masama na nasugatan ng ikamamatay, na prinsipe sa Israel, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinaka wakas; Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos, llapag mo ang tiara, at alisin mo ang putong; ito’y hindi na mangyayari pa uli; itaas mo ang mababa at ibaba mo ang mataas. Aking ititiwarik, ititiwarik, ititiwarik; ito rin nama’y hindi na mangyayari uli, hanggang sa dumating yaong may matuwid na kaniya; at aking ibibigay sa kaniya” (21:25-27).

 

Narito ang isang hula ng-kawakasan ng isang panahon at ang pangako ng isang bago. Kung ano ang mangyayari ay makikita natin pagkatapos.

 

Sa taong 586 B.C, ang paglulupig na gawain ng Babilonia ay natapos. Subali’t pagkaraan ng 50 taon ang kaharian ng Babilonia ay nalupig at sinundan iyon ng Persia, na namahala sa isang malawak na sakop na kasama ang lupain ng Israel. Si Ciro, isa sa mga naunang mga hari nitong bagong kaharian, na gumawa ng isang utos na nagpapahintulot sa mga Judiyo na magbalik sa kanilang sariling lupain. Marami sa mga bihag ang bumalik subali’t hindi lahat sa kanila at tila lumalabas na ang pagsasauli ay nalalaan lamang sa mga Judiyong angkan ni Judah. Ito ay maliwanag, gayon pa man, na ang mga nananahan sa bansa ay kinatawan ng buong bansa ng Israel (Ezra 3:1, 8.35 at. Nehemias 7:73, 9:1).

 

Ngayon bagama’t ang pagsasauli ay isang kaganapan ng hula (Jeremias 25:11, 29:10 at Daniel 9:2) iyon ay isang “araw ng maliliit na mga bagay” lamang (Zacarias 4:10). Hindi iyon isang pagsasauli ng kalayaan ng Israel o ng kaharian ng Diyos. Ito ay isang panukala sa paningin na magaganap pagkatapos ng ilang limang daan taon, nang napakita si Jesus ng Nazareth.

 

Si propeta Daniel ay napagsabihan nito sa hula sa “pitongpung sanglinggo”. Ipinaalam sa kaniya na magkakaroon ng isang pagsasauli na magtatapos hanggang sa lumitaw ang “Messias ang Prinsipe”. Pagkatapos ang espiritu ng Diyos ay paunang nakita na ang Messias ay tatanggihan at ang kaganapan ng paghatol ay darating sa Israel. Ang lungsod at ang sanctuario (ang Jerusalem) ay sisirain sa pamamagitan ng “ang bayan ng prinsipe” na darating at ang lupain ng Israel ay magiging isang kasiraan” (Daniel 9:26-27).

Link to comment
Share on other sites

Ang ilang bahagi ng pagbabalik ng mga Judiyo, matapos ang utos ni Ciro, ay natala sa mga aklat ni Ezra at Nehemias at sa gayon ding panahon nagsalita sina Hagai at Zacarias sa pangaral at hula doon sa nagsibalik. Ito ay hindi mahirap unawain, gayon pa man, na kung ano ang nangyari noon ay hindi ang kaganapan ng maraming mga hula ng isang pagbabalik ng bansa na sinalita nina Isaias, Jeremias, Ezekiel, at ang ilang mga propeta. Maraming mga banggit na isinulat nila sa mga panahon ng pagpapala at kasaganaan na hindi napagtanto sa pamamagitan ng pagbabalik nuong ika anim at ika limang daang taon B.C. Hindi, may ilang bagay na darating pa — isang higit na dakilang pagsasauli. Ito ay titignan natin pagkatapos at nang ilan sa may kaugnayang mga talata- ay nabanggit ay makikita natin kung ano ang isang kagila-gilalas na hinaharap na mayroon pa ukol sa lupain at sa bayan ng Israel.

 

Ngayon ay tatalakay tayo sa mga araw ng “Messias ang Prinsipe”. Wala nang kailangan na sumulat ukol sa naging pagtanggap kay Jesus. Gaya ng ipinahayag ni Apostol Juan, “Siya ay naparito sa sariling kaniya, at siya’y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya” (Juan 1:11). Sa bisa sinabi ng mga Judiyo, “Hindi namin nais na ang taong ito ay maghari sa amin”; at gaya sa talinghaga, ang hari ay “sinugo ang kaniyang mga hukbo, at pinuksa ang mga mamamatay-taong yaon, at sinunog ang kanilang bayan” (Mateo 22:7).

 

Sa paghatol na ito si Jesus ay nagsalita sa hula. Sinabi niya sa kaniyang mga alagad na walang matitira ni isa mang bato sa ibabaw ng mga bato ng templo na hindi ibabagsak.

 

Makikita nila ang lungsod na mapapaligiran ng mga hukbo nang “ang araw ng paghihiganti” ay tunay na darating. At pagkatapos ay sinabi niya sa mga Judiyo “at sila’y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil” (Lucas 21:5-24).

 

Hindi nagtagal pagkatapos, ang mga salita ni Jesus ay nagpasimulang matupad. Isa sa mga kalungkot-lungkot na mga digmaan sa kasaysayan ay sumunod, nang ang mga hukbo ng Romano ay dumating laban sa Juda. Si Josephus, ang Judiyong manunulat ng kasaysayan, ay itinala ang lahat ng kakila-kilabot na bahagi ng mga digmaan at ang pagkubkub ng Jerusalem, sa taong 70 A.D. Hindi lamang iyon ang lahat. Pagkatapos ng 60 taon, isa pang pag-aaklas ng mga Judiyo laban sa mga Romano na nagbunga ng ganap na paglupig sa mga Judiyo. Ang pangalan ng Jerusalem ay binago. Kakaunting mga Judiyo ang naiwan sa lupain ng Israel at doon nagpasimula ang isang mahabang panahon ng pangbansang pangangalat, nagaganap na husto ang mga hula na sinalita matagal na panahon bago pa sa pamamagitan ni Moses.

 

Ang mga kataga ni propeta Hosea ay sapat na binubuo ang kasaysayan ng Israel ukol sa susunod na 18 daang taon, “At sila’y magiging mga gala sa gitna ng mga bansa” (Oseas 9:17).

Link to comment
Share on other sites

4 ANG SAKSI NG PANGANGALAT

 

Sa loob halos ,ng 18 daang taon ang Palestina ay naging “isang lupaing walang mamamayan” at ang mga Judiyo ay “isang bayan na walang lupain”. Hindi naman, na ang lumang tahanan ng mga Judiyo ay walang nananahan. Ang ibig sabihin ay ang lupain na minsang ipinagkaloob ng Diyos sa bayang hirang ay hindi nila tinahanan, bilang isang bansa, sa loob ng 18 daang taon. Ito ay sinakop ng ibang mga bansa: ng mga Romano, Saracene at mga Turko. Ang mga Judiyo, sa loob ng mahabang panahong ito, ay makikita sa bawa’t bansa ng daigdig. Wala sa lahat ng ito na masasabi ng mga Judiyo na iyon ay pag-aari nila, o nawala man ang kanilang pagkakabukod bilang isang bayan.

 

Sa daan ng kanilang kasaysayan sila ay pinag-usig at pinagmalupitan at napilitang tumakas mula sa isang bansa hanggang sa iba. Pagkatapos, sa kahihiyan ng may kabihasnang daigdig, maging sa ika 20 daang taon ay dumating sa kanila ang pag-uusig at pagkabalisa na malamang na hindi mapapantayan sa lahat ng kanilang nakaraang kasaysayan. Ito ay, na masasabi kamunti man, ay pangbihira na maligtasan nila sa loob ng mga daang taon bilang isang bayang bukod. Subali t kanilang nagawa iyon at ito ay isang kaganapan ng hula ng Biblia na ito ay nangyari.

 

Nang magpasimuia ang pagkabihag ng Babiionia, nagsalita ang Diyos sa pamamagitan ng propeta Jeremias,

 

“Sapagka’t ako’y sumasaiyo sabi ng Panginoon upang iligtas kita; sapagka’t gagawa ako ng lubos na kawakasan sa lahat ng bansa na aking pinangalatan sa iyo, nguni’t hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa iyo; kundi sasawayin kita ng kahatulan, at walang pagsalang hindi kita iiwan na walang parusa” (Jeremias 30:11).

 

Muli isang libong taon bago nito, ang propeta Isaias ay nagsalita ng pagliligtas ng Israei sa “apoy at tubig” sa pagmamalupit at pag-uusig.

 

“Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako’y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon;
pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang aiab sa iyo” (Isaias 43:2).

 

Ang mga hulang ito ay sapat na naganap, kaya’t ang pangangalat ng bayan ng Israel at ang kanilang pagkawala mula sa kanilang sariling lupain ay naging kasaysayang saksi sa mga kasulatan at sa panukala ng Diyos.

 

Mayroon pa, kung sa bagay, marami pang mga nula sa gayon ding bunga subali’t ang dalawang binanggit ay malinaw at hindi na kailangan pang dagdagan.

Link to comment
Share on other sites

5 ANG SAKSI NG PAGSASAULI

 

Nuong Mayo 1948 Isang malayang Bansa ng Israel ay ipinahayag sa lupain na kung saan ang mga Judiyo ay napalayas ng mahigit sa 18 daang taon bago pa. Ang pagkakatatag ng Bansa ay ang hanggahan ng isang hanay ng mga pangyayari na pinasimulan ng kilusan ng Sionista sa kalahatan ng ika 19 na daang taon. Kung paano ang paninirahan ng ilang mga Judiyo ay humangga sa dakilang pangyayari ng 1948 ay isang kaakit-akit na kasaysayan: at kung saan ang kilos ng ibang mga bansa na kinauukulan ay doon nating makikita ang gawain ng kamay ng Diyos na gumagawa, na napapaibabawan ang kapakanan ng tao ukol sa pagtatagumpay ng kaniyang panukala.

 

Hindi tayo nararapat na magpatuloy ngayon upang tignan ang paraan kung paano naganap ang pagsasauli kundi upang makita kung paano kalinaw na natupad ang hula sa pagbabalik ng mga Judiyo. Mayroon pa, malamang, na higit na mga hula na may kaugnayan sa pangyayaring ito kaysa tungkol sa iba pa. Subali’t dito ay kmakaiiangan nating magpauna sa puna na pagtalunan ang kasalukuyang pagsasauii ng Israel ay ganap na isang bagay ng tao at hindi maaaring maganap ang mga hula na nagsasabi ng isang panahon ng Banal na pagpapala sa kapuwa lupain at bayan.

 

Totoo na ang kasalukuyang pagbabalik ay hindi buo at ganap na katuparan ng hula. Ito ay isang kamangmangan na isipin yaon. Ang Bansa ng Israel ay kabuuang pang politika at ang mga Judiyo ay kakaunti ang katapatan sa Diyos at wala kay Jesucristo, ang Tagapagligtas ng daigdig. Ang Israel ay nanumbalik sa di paniniwala, bagama’t marami ang nagawa ng mga Sionista sa katuparan ng isang Banal na panukala sa bansa.

 

Ang kahalagahan na kung ano ang nangyari at ang mangyayari na ito ay isang pasimula: ito ay isang patunay ng hula na naganap sa bahagi at ang bahaging yaon ay isang katiyakan ng higit na dakiiang mga bagay na darating. Ang pagbabalik ng Israel ay hindi nararapat na tignan bilang isang pangyayari sa kanilang sarili. Ito ay ang karagdagan sa kasaysayan ng bayan na itinataia ng Lumang Tipan. May isang kasunod sa kasalukuyang pagbabalik na magiging isang higit na dakilang pagsasauli, na magiging pangwakas na katuparan ng mga pangako na ginawa ng Diyos sa unang magulang ng Israel, si Abraham.

 

Kaya ang bansa ay isang makaapat na saksi sa panukala ng Diyos: —

 

1. Bilang kaniyang bayan mula sa panahon ni Abraham hanggang sa pagkabihag ng Babilonia.

2. Sa pagkabihag at pangangalat sa loob ng 2,000 taon.

3. Sa mga pasimula ng pagsasauli sa nakikita natin sa kasalukuyan,

4. Sa dakilang pagsasauii ng bayan, iupain at lungsod, na ang mga pinanukala ng Diyos sa pagtatatag ng Kaniyang Kaharian sa pangalawang pagparito ni Jesus — ang Messias ng Israei.

 

Nagsasalita ba ang hula sa pinakabahaging pagbabalik ng ating sariling kapanahunan, o sa pagtatatag ng malayang Bansa ng mga Judiyo? Hindi, na aming sasabihin, sa maraming mga kataga kundi ang pinakamalakas na pagsasangkot ng isang “bago dumating” na pagbabalik (bago bumalik si Cristo), ay makikita sa kabanatang 38 ng mga hula ni Ezekiel. Ang kabanatang ito, sa katunayan, ay ang batayan ng paniniwala sa bahagi ng marami, isang matagal na panahon ang lumipas, na magkakaroon ng isang pag-sasauli ng Israel sa bahagi bago bumalik ang Oisto. Si Dr. John Thomas, isang Christadelphian, ay isinulat ito sa kaniyang aklat ELPIS ISRAEL, nuong 1848 at sinabi:

 

“Kung gayon, ay mayroong isang bahagi at pangunahing pagsasauli ng mga Judiyo bago ang kahayagan na magagamit bilang batayan, ng hinaharap na gawain sa pagsasauli ng natitirang mga angkan matapos niyang
(si Jesus) magpakita sa Kaharian. Ang bago dumating na pananahan sa Palestina ay sa ganap na batayang pang politika at ang mga nananahang mga Judiyo ay babalik sa di paniniwaia ng pagka Messias ni Jesus, at sa katotohanan gaya ng nasa kaniya” (p. 441).

Link to comment
Share on other sites

Ang kalagayan na iniharap sa atin sa kabanatang ito ng Ezekiel ay ang pagtitipon ng Israel sa kanilang lupain, ang lupain na ibinalik na muli sa tabak ... “ang mga bundok ng Israel, na naging laging giba” (talatang 8). Ang nananahan sa lupain ay ang bayan na “napisan mula sa mga bansa” (talatang 12). Ang kabanata ay ipinakikita silang nananahang matiwasay “na walang kuta, at wala kahit mga halang o mga pintuang bayan man” (talatang 11), at laban sa kanila, sa isang tila tiwasay na kalagayan, ay darating ang manglulusob mula sa hilaga, “Gog, ang lupain ng Magog, ang punong prinsipe ng Meshek at Tubal”. Ang R.V. ay isinalin ito, “ang prinsipe ng Rosh, Meshek at Tubal” at ang iba-ibang mga palaaral ng Biblia, gayon din ang mga Christadelphian, ay nakita dito na isang banggit na hula sa isang pangkatapusang pagsalakay sa Israel sa pamamagitan ng lakas ng Russia.

 

Na hindi tayo nararapat na magpatuloy na talakayin ngayon, maliban na banggitin na ang paksa ay ganap na tinalakay ni Dr. John Thomas sa nabanggit na aklat.

 

Ang paksa sa kasalukuyan ay yaong magkakaroon. ng isang pagbabalik ng mga Judiyo bago dumating ang Messias at ito ay nakita natin sa kararaan lamang na mga taon at mananatiling makikita, sa bago at malusog na Bansa na itinatag sa Israel ito lamang nakaraang mga taon. Mayroong mga dalawang milyong mga Judiyo doon, malamang isang ika walo ng mga Judiyo sa buong daigdig. Hindi lahat ay nais na bumalik. Subali’t darating ang panahon nang ang lahat ng nasa ibang mga lupain, na nalalabi, ay babalik, sapagka’t ito ay gawain ng Messias na isauli sila at upang itatag hindi lamang ang kaharian ng Israel sa mga bundok ng Israel kundi doon din itatatag ang Kaharian ng Diyos.

 

Ngayon ay hayaan natin ang hula na magsalita sa kaniyang sarili at makikita natin kung ano ang maliwanag at payak na wika na inihayag ang panukala ng Diyos sa Kaniyang lupain at bayang hirang.

 

Una, mula sa mga hula ni Isaias:

 

“At mangyayari, sa araw na yaon, na ilalapag ng Pangi-noon uli ang Kaniyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalabi sa Kaniyang bayan na malalabi, mula sa Assyria, at mula sa Egypto, at mula sa Patros, at mula sa Cush at mula sa Elam, at mula sa Shinar, at mula sa Hamath, at mula sa mga pulo ng dagat. At Siya’y maglalagay ng pinaka watawat sa mga bansa, at titipuhin Niya ang mga Tapon ng Israel, at pipisanin ang mga nangaiat ng Judah mula sa apat na sulok ng lupa” (Isaias 11:11-12).

 

Gaano kadakilang pagsasauii ang sinasabi nito kaysa sa pagbabalik mula sa Babilonia? Ito ay hindi isang pagtitipong pang bayan, subali’t ang hula ay ipinakikita ang pangangailangan ng isang pang sanglibutang pagbabalik ng isang bayan na, sa katunayan, ay nakalat sa mga wakas ng lupa.

 

Muli, mula kay isaias: —

 

“Sapagka’t ang Panginoon ay maaawa sa Jacob, at Kaniyang pipiliin pa ang Israel, at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain ... (Isaias 14:1).

 

“At mangyayari sa araw na yaon, na ang malaking pakakak ay hihipan: at silang nangapahamak sa lupain ng Assyria ay magsisiparito, at silang mga tapon sa lupain ng Egypto; at siia’y magsisisamba sa Panginoon sa banal na bundok ng Jerusalem” (Isaias 27:13).

 

“Huwag kang matakot, sapagka’t ako’y sumasa iyo; aking dadalhin ang iyong iahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; aking sasabihin sa hilagaan,
Bsyaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalaki na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas rtg lupa” (Isaias 43:5-6)

Link to comment
Share on other sites

May marami pa mula sa gayon ding propeta na maaaring mabanggit at ang iahat ng ito ay tumuturo sa isang literal at ganap na pagbabalik ng nakalat na bayan ng Israel mula sa lahat ng bahagi ng daigdig. Ito ay hindi mangyayari sa kasalukuyang pamunuan: o magiging isang kilusan na nasa ilalim ng pamamahala ng tao. Ito ay isang dakilang gawain ng pagbabalik ng Messias ng Israel; ang tunay na pastol na tumitipon ng nangalat na kawan. Siya ang tinutukoy ni propeta Ezekiel na si David at walang aiinlangang nangangahulugan na siya na ‘anak ni David” sa mga araw ng kaniyang laman. Ngayon, sa araw ng paghahayag ng kaniyang kapangyarihan at kaluwalhatian, siya ay magiging “ang leon ng angkan ni Judah”

 

Ang mga bagay na ito ay ipinakita sa atin sa ika 34 na kabanata ni Ezekiel: doon ay mababasa natin: —

 

“At aking ilalabas sila sa mga bayan, at pipisanin
ko sila
mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain; at pakakanin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa tabi ng mga daan ng tubig, at sa lahat na tinatahanang dako sa iupain” (34:13).

 

Muli mula kay Ezekiel ay mayroon tayong isang pangbihirang hula na ipinakikita ang isang pagpapatuloy ng panahon sa pagsasauli ng kinalat na bayan.Sa kabanatang 37 ang propeta ay nakakita ng isang pangitain ng isang lambak na puno ng mga buto. Siya ay tinanong “mabubuhay ba ang mga buto na ito?” at sa kasagutan ay sinabi sa mga buto kung ano ang panukala ng Diyos sa kanila. Sila ay aanyuan ng mga katawan, mababalutan ng laman at balat at sa wakas ay makakahinga, kaya’t “sila’y nangabuhay, at nagsitayo sa kanilang mga paa, isang totoong malaking pulutong” (Ezekiel 37:10).

 

Ano ang kahulugan niyon? Ang propeta ay pinagsabihan, “ang mga butong ito ay ang buong sangbahayan ni Israel”. Tunay na isang akmang paglalarawan, ng isang bayan na patay na “pang bansa”; isang bayan na matagal na nawalan ng pagasa na masasauling. muli bilang isang malayang bansa. Subali’t ang mga “buto ay nagsama-sama”: mayroong pagkilos at sa wakas, na ipinakikita ng hula, may ganap na buhay at pagkakaisa, isang binuhay na bansa.

 

Wala sa hula ang isang dagliang pagsipot ng buhay na mga katawan. Ito ay isang patuloy ng paghubog at sa wakas, pinagkalooban ng buhay mula sa Diyos. Hindi ba ito kung paano nagaganap ang mga pangyayari sa Israel, na may isang wakas na nararapat na itakda ng Banal na pamamagitan? Ang mga pangyayari sa nakaraang 70 o.80 taon ay pagkilos ng buto sa buto, ng laman sa balat na lumilitaw. Subali’t ang hininga, upang magkaloob ng buhay sa kabuuan ng katawan o bansa, na kinakailangan sa panukala ng Diyos, ay nabibinbin pa. lyan ay gawain ng Messias: at kaniyang itatatag ang bansa bilang ang sinauling kaharian ng Diyos nang siya ay manunungkulan sa kaniyang kapangyarihan at kapamahalaan sa Sion (Tignan sa Lucas 1:32-33).

Link to comment
Share on other sites

Nang magsalita ang propeta, ang dalawang bahagi ng bansa ng Israel ay nasa pagkabihag. Ipinakita sa kaniya, gayon pa man, na kung magaganap ang pangwakas na pagsasauli ay hindi ito dalawang hiwalay na mga bahagi ng Israel subali’t na isang bayan. Kaya’t kaniyang sinabi:

 

“Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Narito, aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain; at gagawin ko silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa ...” (Ezekiel 37:21-22).

 

Bagama’t mararni pang mga hula na maaaring banggitin (lalo na sa Zacarias, na humula sa hinaharap ng Israel matapos ang pagbabalik mula sa pagkabihag sa Babilonia) ito ay sapat na upang ipakitang tiyak at malinaw kung ano ang mangyayari sa literal na bayan ng Israel sa literal na lupain ng Israel. Walang may katuwirang mambabasa ang maninindig na ang mga hula ay ganap ng natupad, o sinuman sa katuruan ay makikipagtalo na isang kahulugang “espiritual” ay tumutukoy doon. Nagsasalita sila ng mga bagay na ganap nating mauunawaan at mga kasangayon sa panukala ng Diyos na nahayag sa atin sa lahat ng mga bahagi ng Biblia.

 

Magkakaroon ba tayo ng kaunti mang alinlangan na ang mga Judiyo ay naging nakikitang saksi sa panukala at kapangyarihan ng Diyos, sa loob ng daang taon simula ng sirain ng mga Romano ang Jerusalem? Pag-aalinlanganan ba natin ang patotoo ng nakaraang mga taon at kasalukuyang panahon tungkol sa kapuwa lupain at bayan ng Israel, sa kaganapan ng “tiyak na salita ng hula?” Papaano nating pag-aalinlanganan ang katiyakan ng dakilang mga pangyayari na ipinakikita ng mga bagay na ito?

 

Gaano tayo nagpapasalamat na maaari nating makita ang gayong patibay ng banat na kamay sa mga bagay ng tao. Tunay na ang Diyos ay hindi nag-iwan sa Kaniyang sarili ng saksi at ang saksi ay nadoroon upang makita ng lahat na may paningin.

Link to comment
Share on other sites

6 ANG SAKSI NG PANGANGARAL NG APOSTOL

 

Matapos ang kaniyang pagkabuhay na maguli sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang ebanghelio” (Marcos 16:15). Pinasimulan nila ang gawaing ito matapos maipagkaloob sa kanila ang Espiritu Santo. Ang kanilang pagsaksi ay una sa mga Judiyo. Ipinapakita nila na si Jesus, na ipinako sa crus, na bumangon mula sa patay, ay ang pinangakong Messias sa kanilang mga hula at babalik sa lupa upang itatag ang kaharian ng Diyos at mamamahala sa buong sanglibutan sa katuwiran. Ang Gawa ng mga Apostol ay itinala ang gawaing ito ng mga kinasihang mangangaral. Nagpasimula Sila sa Jerusalem, at ipinagpatuloy ang kanilang paghahayag sa Judea at Samaria at pagkatapos, nang dahil sa maraming pagtanggi ng mga Judiyo, ay ipinangaral ang ebanghelio sa mga Gentil. Ito ba ay gayon ding ebanghelio? Tunay. Ang mga Apostol ay hindi binago ang mensahe. Nangangahulugan na ang mga Gentil ay pinagsabihan ng “dakila at mahalagang mga pangako” na ginawa ng Diyos sa Israel; at sa pamamagitan ng pananampalataya (at bautismo) ang mga Gentil ay magiging kasamang tagapagmana ng nananampalatayang mga Judiyo ng mabubuting mga bagay na ipinangako sa mga tipan na ginawa sa kanilang mga magulang sa bansa ng Israel.

 

Ang mga tipan at mga pangakong ito, na ipinakipagtipan kay Abraham, pinagtibay kay Isaac at Jacob at gayon din kay David, ay hindi nababago. “Hindi ako nagbabago”, sinabi ng dakilang Diyos na gumawa noon. Ang pagtalikod ng bansa ng Israel ay hindi nabago ang panukala ng Diyos na ganapin ang dating balak ng Kaniyang mga pangako. Kay Abraham sinabi ng Diyos, “At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa” (Genesis 22:18). Ito ay isang pangako ng pang daigdig na pagpapala na darating sa pamamagitan ni Jesucristo, na, ipinakitang maliwanag ng Apostol, na ang “binhing” ipinangako (Galacia 3:16). Sa isang paraan lamang matutupad ang pangako. Ito ay sa pagbabalik ni Jesus sa lupa. Sa pamamagitan ng kaniyang matuwid na pamamahala ang pagpapala ay darating sa sanglibutan. Ito ang tinuro at pinaniwalaan ng unang mga Cristiano, gaya ng ating natututuhan sa mga sulat sa kanila na isinulat ng mga Apostol. Sa. sulat sa mga taga Efeso na sinulat ni Pablo, tumutukoy sa panahon bago sila nabautismuhan kay Cristo.

 

“Na kayo nang
panahong yaon ay mga hiwalay kay
Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol
sa mga tipan ng pangako, na walang pag-asa at walang Diyos sa sanglibutan. Datapuwa’t ngayon kay
Cristo Jesus kayo na nuong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo” (Efeso 2:12-13).

 

Yaong kaniyang sinulatan ay mga mananampalatayang Gentil at sinabi ng Apostol na sila ay naging, “mga tagapagmana, at mga kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng ebanghelio” (Efeso 3:5-6). Ito ay pangbihirang mga pahayag na nararapat na pag-isipan ng lahat na itinuturing ang kanilang mga sarili bilang Cristiano. Ilan ang nakauunawa na sa pamamagitan ng pakikiisa sa kamatayan ni Cristo sa bautismo, sila ay magiging kaugnay sa “mga tipan ng pangako?” Sayang, na halos lahat ng umaangkin na mga Cristiano ay walang kinalaman kung ano ang tipang ito.

Link to comment
Share on other sites

Ang haka ng isang tahanan ukol sa mga kaluluwa sa langit sa kamatayan ay binago ang turo ng kasulatan. Ang mga tipan ng pangako ay walang sinasabi tungkol sa langit kundi tungkol sa lupa. lyon ang ipinangako: walang hanggang mana sa lupa at hindi, sa anomang panahon, sa ibang dako pa. Itinuro ni Pablo na ang pangako kay Abraham ay na siya ay “Tagapagmana ng sanglibutan”: at kung ating babasahin ang ‘mga pangako ay makikita nating ang literal na mga dako ang binabanggit. “Magtindig ka” sinabi kay Abraham “lakarin’ mo ang lupain,. ang hinabahaba at niluwang-luwang niyon, sapagka’t ibibigay ko sa iyo” (Genesis 13:17). Anong lupain iyon? Ito ay ang Canaan, ang tupain kung saan ay tinawag si Abraham, sinabi na magiging kaniya at aariin din ng “kaniyang binhi” magpakailan man. Hindi ito katha o makalangit na kaharian. Bakit kung gayon ay sinabi ng Apostol na si Abraham ay tagapagmana ng sanglibutan? Sapagka’t, sa pagdating ni Jesus, hindi lamang niya aariin ang dating lupain na ipinakipagtipan kay Abraham, kundi sa pamamahala mula sa Jerusalem, ay magiging tagapagari at mamamahala sa daigdig. Papaanong mamamana ni Abraham ang lupain, maitanong namin? Sa pamamagitan ng pagkabuhay, na maguli mula sa patay: at ito ang kaniyang inaasahan at pag-asa. Gayon din naman sa lahat ng may pananampalataya ni Abraham mula sa mga araw ng mga magulang patuloy. lyon ay kung ano ang makapagkakaloob sa atin ng walang hanggang buhay -pananampalataya ni Abraham - gaya ng pananampalatayang kaniyang ipinakita at pananampalataya sa gayon ding mga pangako.

 

Ngayon sa pamamagitan ng paghirang kay Abraham ng Diyos, ang kaalaman ng Kaniyang panukala ay hahangga sa kaanak at mga supling ni Abraham. Sa mga kataga ni Pablo, ang salita ng Diyos ay ipinangako sa mga Judiyo. Sa kanila ang mga tipan at ang mga pangako (Roma 3:1-2; 9:4), S’a pamamagitan ng paniniwala ng, at pananampalataya sa mga tipan, ang Judiyo ay isang tagapagmana ng buhay na walang hanggan, na matatamo sa araw ng pagkabuhay na maguli. Ang pagkabansa lamang ay hindi makapagkakaloob ng anumang mga katuwiran subali’t nagbibigay ng mga karapatan.

Matapos ang mahabang daang taon, ang ipinangakong Messias sa bansa ng Israel ay dumating. Siya ang “binhi” na sinabi kay Abraham. Subali’t hindi marami sa Israel ang tumanggap sa kaniya. Kaya, gaya ng aming ipinakita, ang mabuting mga balita ng Messias sa kamatayan, pagkabuhay na maguli at ang pangako ng pagbabalik, ay ipinangaral sa mga Gentil: subali’t iyon ay ang gayon ding ebanghelio gaya ng ipinangaral kay Abraham, gaya ng ipinakita ni Pablo sa ibang katangl-tanging talata ng Kasulatan. Sinulat niya, “ipinakita ng kasulatan, na aariing ganap ng Diyos ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinangaral na ng una ang ebanghelio kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa”. Kaya’t kaniyang idinagdag, “Sila sa pananampalataya ay pinagpala kay Abraham na may pananampalataya” (Galacia 3:8-9).

 

Nagpatuloy ang Apostol na sabihin sa atin na si Cristo ang tiyak na ‘binhi’ na ipinangako kay Abraham: datapuwa’t nagpatuloy na ipinakita na sa isa, isang karamihan ang inuunawa. Ang ibig sabihin niyon ay, na sa lahat ng susunod sa ebanghelio at nabautismuhan kay Cristo ay “kay Cristo”; at kung gayon, sinabi niya, “kayo nga’y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako”.

Link to comment
Share on other sites

Samakatuwid ay nalalaman natin na marami ang magmamana ng mga pagpapala na ipinangako kay Abrahm. Una si Abraham sa kaniyang sarili, pagkatapos ang lahat ng bansa ng Judiyo na may pananampalataya ni Abraham. Gayon ding kasama nila ang mga Judiyo at Gentil sa mga kaarawan ng mga apostol at patuloy, na naniniwala sa ‘ebanghelio at nabautismuhan kay Cristo. Ang pinakamalaking bilang ng lahat na nasa “isang katawang” ito ay “nangatutulog” at kaya’t naghihintay ng araw ng pagkabuhay na maguli sa pagbabalik ni Cristo.

 

Ang Kasulatan ay walang ginagawang pagtatangi sa pagitan niyaong mayroong katanggap-tanggap na pananampalataya bago sa unang pagpapakita ni Jesus at lahat, Judiyo man o Gentil, na sa huli ay sumunod sa tawag ng ebanghelio. Ito ay ipinakitang maliwanag ng Apostol sa sulat sa mga Hebreo. Sa kabanatang ika 11 ay itinala niya ang mga lalaki at mga babae ng pananampalataya: na iyon ay ang pananampalataya na katanggap-tanggap at nakalulugod sa Diyos. Ang lahat ng mga ito, sinulat niya, “nang sila’y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako”. Ang kamatayan ay dumating sa kanila at kaya’t ‘hindi nila matatanggap ang ipinangako, maliban sa pagkabuhay na maguli mula sa patay. Ngayon, idinagdag ng Apostol, na tumutukoy doon sa kaniyang sinulatan (at gayon din sa lahat na pagkatapos ay naniwala sa ebanghelio), “na ipinaghanda ng Diyos ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila’y huwag maging sakdal ng bukod sa atin” (Hebreo 11:39-40).

 

Isang mababaw na pagbabasa ay maaaring imungkahi na ang “atin” ay tatanggap ng higit na mabuti kaysa mga lalaki at mga babaing ito na may unang pananampalataya. Hindi sinasabi iyon ng Apostol. Ang “mabuting bagay” ay ukol sa kapuwa at sa gayon ding panahon. Ang kaniyang buong pakay ay na sila, sa nakaraan, ay hindi tinanggap ang ipinangakong pagpapala: ang panukala ng Diyos ay kinakailangan na sila ay maghintay, hanggang sa ang mga iba ay masasama sa kanila, upang ang lahat, samasama, ay matanggap ang pinangakong biyaya ng buhay na walang hanggan. Ito, na tinuturong maliwanag ng Kasulatan, ay ipagkakaloob ng Panginong Jesucristo sa kaniyang pagdating (2 Timoteo 4:8). lyon ang ibig sabihin ng “ginawang sakdal”. Ang mga kataga ay nauukol kay Jesus na binuhay na maguli at ukol sa kaniya ito ay nangangahulugan ng pagtataas sa Banal, walang kamatayang kalikasan: at sa gayon din, siya ay naging “ang may gawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng mga nagsisitalima sa kaniya” (Hebreo 5:9).

 

Ang mga nag-aari ng walang kamatayan ay magiging “tagapagmana ng kaharian” at sila, bilang “isang katawan”, ay magiging mga tagapag-ari ng kaharian ng Diyos bilang ang samasamang “binhi ni Abraham”. Kasama si Cristo bilang ang kanilang puno, dadalhin nila ang daigdig sa mga daan ng katuwiran at sa kaalaman ng Diyos. Sa pamamagitan ni Cristo at ng kaniyang walang kamatayang mga kapatid ang daigdig ay pagpapalain.

Link to comment
Share on other sites

7 — ANG HINAHARAP

 

Ngayon ay isang huling bahagi ng ating paksa ang kinakailangang talakayin. Ito ay ukol sa likas na mga supling ni Abraham, ang bayang Judiyo. Sa pamamagitan nila (o ang higit na bahagi nila) ay tinanggihan si Jesus. Ano ngayon ang kanilang kalagayan sa panukala ng Diyos sa ngayon at sa hinaharap, kung maitatag na ang kaharian ng Diyos?

 

Tinapos na ba ng Diyos ang tungkol sa mga Judiyo? Ang katunayan, ay hindi dapat na lumabas, kung ating iisipin ang maraming mga hula na nagsasalitang napakaliwanag ng pagsasauli ng Israel sa lupain ng kanilang mga magulang. Subali’t ano ang ibig sabihin ni -Jesus nang kaniyang sinabi sa mga Judiyo ng kaniyang kapanahunan, “Aalisin sa inyo ang kaharian ng Diyos, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga?” (Mateo 21:43).

 

Kaya sinabi ni Jesus ang tungkol sa paghatol na darating doon sa masamang lahi. Gaya ng ating nakita, dumating ang mga Romano upang “puksaing walang awa ang mga tampalasang yaon” (Mateo 21:41). Ito ay ang huling kilos upang “kunin ang kaharian” mula sa Israel, bagama’t sa katunayan ay natanggalan sila ng paghahari anim na daang taon bago pa. Ngayon maging ang lupain na kanilang tinatahanan ay mawawala.

 

Ano, kung gayon, ang ibig sabihin ni Jesus nang kaniyang sabihin na ang kaharian ay ipagkakaloob sa isang bansang nagkakabunga? Namumuno na ang mga Romano sa kanilang bansa kaya’t hindi na sila maaaring matukoy. Ni hindi rin maikakapit ang mga kataga sa alin mang bansang sumakop sa Palestina sa loob ng mga daang taon.

 

Kung itinuro ni Jesus na simula ngayon ang mga Judiyo ay wala ng bahagi o pangkat sa panukala ng Diyos, o hindi na magpakailan pa man magiging isang bansa muli, kung gayon ay nagsasabi siya ng kabaligtaran sa kung ano ang inihahayag ng Kasulatan at sasalungatin ang kaniyang sariling itinuro (Lucas 21:24, Mateo 19:28).

 

Ang kaniyang banggit ay sa isang balak na naganap na nang magpasimula ang gawain ng mga Apostol at madalas na ipahiwatig sa turo ni Cristo. Sinabi niya na ang mga iba ay magmumula “mula sa silangan at sa kalunuran” (Mateo 8:11). May “ibang tupa”, na hindi sa kawang yaon (Juan 10:16). Ito ay ang mga nananampalatayang Gentil ng ebanghelio, mga lalaki at mga babae ng lahat ng mga bansa at kaya, gaya ng binanggit sa kanila ni Apostol Pedro na, “isang banal na bansa”.

 

Sa kanila ang kaharian ay ipagkakaloob, buhay na walang hanggan bilang ang gantingpala ng mga bunga ng pananampalataya at katuwiran. Sa Kaharian ng Diyos sila ay ang “mga hari at mga saserdote” na maghaharing kasama si Cristo (Apocalipsis 5:9-10). Aariin nila ang kaharian na hahangga sa ibayo ng lupain ng Israel hanggang sa mga wakas ng lupa (Daniel 7:18, 27, Awit 72:8).

 

Gayon pa man, kinakailangan nating maging maliwanag, maging ang isang bahagi ay ulitin, na ang katawan ng mga walang kamatayang ito ay magiging mula sa “una sa Judiyo at gayon din sa Gentil”. Kay Cristo ay “walang magiging Judiyo o Gentil man” (Roma 2:10 at Galacia 3:28). Ang lahat sa kaniya ay magiging isa at babahagi sa mana na ipinakipagtipan kay Abraham at sa kaniyang binhi.

Link to comment
Share on other sites

Ang pagkakaloob ba ng kahariang ito ay hindi mapapasama o mababago ang pasiya ng Diyos na isauli ang bansa ng Israel sa lupain ng pangako? Hindi maaari. Ang dalawang panig ng panukala ng Diyos, ika nga, ay nagtatagpo sa kaharian ng Diyos. Sapagka’t sa lupain ng Israel ang minsang kinalat na bansa ay itatatag: at sa ibabaw nila ay mamamahala si Cristo at ang mga walang kamatayan. Kung gayon ang pangako kay Abraham ay matutupad.

 

Ngayon sa pagbabalik sa ating katanungan, natapos na ba ng Diyos ang tungkol sa mga Judiyo? Magagamit natin ang mga kataga ng kasulatan, at sabihing, Huwag nawang gawin ng Diyos! Maaaring ang tanong ay sa mga araw ng mga Apostol, sapagka’t mayroon tayo sa sulat sa Roma ng isang maliwanag at tiyak na pahayag ni Pablo tungkol sa nagpapatuloy na panukala ng Diyos sa bayan ng Judiyo.

 

Dito sa ika 11 kabanata ay dumating ang Apostol sa tampok ng kaniyang paliwanag. Tinanong niya “Itinakuwil baga ng Diyos ang kaniyang bayan?” Tiyak na hindi, sinabi niya, sapagka’t siya sa kaniyang sarili (ang apostol) ay bilang sa “hirang”. Mayroon gayon pa man, na ang labi ng bansa na hindi naniwala sa ebanghelio. Sila ay natisod sa “bato ng katitisuran”, na hindi naniwala kay Jesus na kanilang Messias. Kung gayo’y tinanong ng apostol “Nangatisod kaya sila upang mangahulog?” Ang unawa sa huling kataga ay “ganap na nahulog” (Roma 11:11). Hindi, hindi sila nahulog upang hindi na bumangong muli bilang isang bansa. Kundi sa pamamagitan ng kanilang pagkahulog ay dumating ang kaligtasan sa mga Gentil (talatang 11). Ngayon, sinabi ni Pablo, “Kung ang pagkahulog nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan, at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil, GAANO PA ANG KAPUNUAN NILA?” At muli, “Kung ang pagkatakuwil sa kanila ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan, ano kaya ANG PAGTANGGAP SA KANILA, kundi buhay mula sa mga patay?” (talatang 12-15). Ano nga kaya ang “kapunuan”, o ang “pagtanggap” ‘ng Israel kundi ang ganap na pagsalubong sa kanila ng kanilang Messias sa araw ng kanyang kaluwalhatian? Idinugtong ng Apostol ang panahon na ito sa “buhay mula sa patay”: ito ay sa panahon ng pagkabuhay na maguli. Ang lahat ng bumangon at natanggap ni Jesus (kasama yaong naniwala sa ebanghelio na buhay sa kaniyang pagparito) ay kung gayon ay papasok na kasama ang kanilang Panginoon at Maestro sa walang hanggang mana na ipinangako sa kanila. Magkasama silang mamamahala sa sanglibutan at kasama sa mga bansang mamamayan ay ang isa na gayun man na itinuring na bilang una sa lahat ng mga bansa — ang Israel.

 

Isa pang paliwanag ang dinagdag ng Apostol sa pagpapatibay ng kaniyang paksa. Sumulat siya tungkol sa mga sanga na nabali mula sa mabuting puno ng olibo at tungkol sa mga sanga mula sa isang olibong ligaw na isinugpong sa mabuting puno. Ipinaliwanag niya na ang mga Gentil ay “isinugpong” sa unawa na sila ay pinahintulutang yakapin ang Pag-asa ng Israel (punahin ang kataga sa Gawa 28:20), nang tanggihan ng mga likas na mga anak ni Abraham ang kanilang Messias. Mula sa panahong yaon ang isang Judiyo na hindi nanatili sa di paniniwala ay maisasanib na muli sa mabuting puno (Roma 11:23). Subali’t higit pa doon ang kahulugan ng Apostol. Ito ay ang kaniyang sagot sa isipan na ang mga Judiyo ay wakasang itinakuwil. Sila, ang bansa, ay isusugpong sa mabuting puno kung sila’y hihinto sa kanilang di paniniwala. At sila’y hihinto, kapag dumating ang araw na kikilalanin siya ha minsan nila tinusok, bilang ang kanilang Messias at Tagapagligtas (Zacarias 12:10 at Apocalipsis 1:7). Totoo na ito ay hindi isang halimbawa na ang lahat ay tatanggap ng walang hanggang buhay; iyon ay ang biyaya ng Diyos doon sa, Judiyo man o Gentil, na naniwala sa ebanghelio sa “araw ng kaligtasan”. Subali’t ang saligan ng bansa ng Israel sa kaniyang sariling lupain kasama si Cristo at ang kaniyang kasamang mga walang kamatayan na namamahala sa kanila, at ang lahat ng sanglibutan, ay kumakatawan sa ganap na katuparan ng mga pangako na ginawa kay Abraham, gina-ganap ang lahat na nilalayon, sa kapuwa “binhi ng pangako” at ang “likas na binhi”.

Link to comment
Share on other sites

Sa araw na yaon ang Diyos ay magpapakita ng “habag sa lahat” (Roma 11:32). Sa sanglibutan ang isinauling bansa ay magiging ang saksi ng Diyos ukol sa isang inalalayan at ginanap na panukala sa loob ng maraming daang taon; gaya ng sinulat ni Pablo, “Ang buong Israel ay maliligtas: gaya ng. nasusulat, Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas; siya’y maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan” (Roma 11:26).

 

Nilinis mula sa lahat ng nakaraang kasamaan at kinilala si Jesus bilang ang kanilang matuwid na h’ari, sila ay patatawarin sa kanilang mga kasalanan bilang isang bansa, sa ilalim ng bagong tipan (Roma 11:27 at Jeremias 31:31-34).

 

Ang biyaya ng pagtawag ng Diyos, sinabi ng Apostol, ay walang pagsisisi. Na ito ang Banal na katapatan na kailan man ay naalala ang mga tipan sa mga magulang ng Israel; at ang patibay ng habag, pag-ibig at katuwiran ng Diyos na mahahayag sa sanglibutan, kapag natupad ang mga salita ng hula.

 

“At mangyayari, na sa dakong pinagsabihan sa kanila, Kayo’y hindi ko bayan, ay diyan sila tatawaging mga anak ng Diyos na buhay” (Roma 9:26 banggit sa Hosea 1:10).

 

 

Isinalin sa Tagalog mula sa

 

WHO ARE GOD’S TRUE WITNESSES?

 

SinoAngMgaTunayNasaksiNgDiyos.pdf

Link to comment
Share on other sites

Guest
This topic is now closed to further replies.
 Share

×
×
  • Create New...