Jump to content

Pahayag


Recommended Posts

At sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at pinapagaasawa: Datapuwa’t ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanglibutan yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin: Sapagka’t hindi na sila maaaring mangamatay pa: sapagka’t kahalintulad na sila ng mga anghel: at sila’y mga anak ng Dios, palibhasa’y mga anak ng pagkabuhay na maguli. Datapuwa’t tungkol sa pagbabangon ng mga patay, ay ipinakilala rin naman ni Moises sa mababang punong kahoy, nang tinawag niya ang Panginoon na Dios ni Abram, at Dios ni Isaac. At Dios ni Jacob. Siya nga’y hindi Dios ng mga patay, kundi ng mga buhay: sapagka’t nangabubuhay sa kaniya ang lahat. (Lucas 20:34-38).

 

At sinabi ko sa inyo, na marami ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kanlunuran, at magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, sa kahanan ng langit. (Mateo 8:11).

 

Kayo ang mga anak ng mga propeta, at ng tipang ginawa ng Dios, sa inyong mga magulang, na sinasabi kay Abraham, At sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng mga angkan sa lupa. (Gawa 3:25).

 

Ang salita na naalaman ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem. At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo’y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo’y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka’t mula sa Sion ay ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem. At siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma. (Isaias 2:1-4).

 

Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo’y mangagpakatapang, huwag kayong mangatakot: narito, ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti, may kagantihan ng Dios; siya’y paririto at ililigtas kayo. Kung magkagayo’y madidilat ang mga mata ng bulag, at ang mga pakinig ,ng bingi ay mabubuksan. Kung magkagayo’y lulukso ang pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit: sapagka’t sa ilang ay bubukal ang tubig, at magkakailog sa ilang ... At ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila’y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay mapaparam. (Isaias 35:4-6,10)

 

Magalak kang mainam, Oh anak ha babae ng Sion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: narito, ang iyong hari ay naparirito sa iyo; siya’y ganap at may pagliligtas; mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae. At aking ihihiwalay ang karo mula sa Ephraim, at ang kabayo’y mula sa Jerusalem; at ang mga busog na pangbaka ay mapuputol; at siya’y magsasalita ng kapayapaan sa mga bansa, at ang kaniyang kapangyarihan ay magiging sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa. (Zacarias 9:9,10).

 

At ang Panginoon’y magiging Hari sa boong lupa; sa araw na yao’y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa. (Zacarias 14:9).

 

Tignan sa Hebreo 11:8-16.

Link to comment
Share on other sites

(c.) Ang mga pangako ay inulit, kay Isaac at kay Jacob, na may kaugnayan kay Abraham sa kasulatan ng pangako At napakita ang Panginoon sa kaniya, at nagsabi, Huwag. kang bumaba sa Egipto; matira ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo: Matira ka sa lupaing ito,. at ako’y sasaiyo, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagka’t sa iyo at sa binhi ay ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham iyong ama. At aking pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito; at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa.. .. At naging dakila ang lalake, at lalo’t lalong naging dakila hanggang sa naging totoong dakila. At siya’y may tinatangkilik na mga kawari, at mga tinatangkilik ng mga bakahan, at malaking sangbahayan: at kinainggitan siya ng mga Filisteo. (Genesis 26:2-4,13,14)

 

Iyong isasagawa ang katotohanari kay Jacob, at ang kagandahang-loob kay Abraham, na iyong isinumpa sa aming mga magulang mula sa mga araw nang una. (Mikas 7.20).

 

(d.) Ang mga pangako ay tumanggap ng bahaging katurparan ng pasukin ng Israel ang Palestina (Nehemias 9:7,8) nguni’t ang tunay, sakdal, at ang wagas na katuparan, lalo na’t kung ihahambing kay Abraham at sa kanyang tapat na mga binhi ay nauugnay sa kaharian at kay Kristo.

 

At hindi siya pinamanahan ng anoman doon, kahit mayapakan ng kaniyang paa: at siya’y nangakong yao’y ibibigay na pinakaari sa kaniya, at sa kaniyang binhi pagkatapos niya, nang wala pa siyang anak. (Gawa 7:5).

 

Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni’t kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila’y pawang taga ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa”. At ang lahat ng mga ito, hang sila’y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako, na ipinaghanda ng Dios. ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila’y huwag maging sakdal ng bukod sa atin. (Hebreo 11:13,39,40).

 

Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel: Sapagka’t kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan, at nagtaas sa atin ng isang sungay ng kaligtasan sa bahay ni David na kaniyang alipin (Gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unang panahon). Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin; upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang, at alalahanin ang kaniyang banal na tipan; Ang sumpa na isinumpa niya kay Abraham na ating ama. (Lucas 1:68-73).

 

At sinabi ko sa inyo, na marami ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kanluran, at magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob sa kaharian ng langit (Mateo 8:11) .

 

Sapagka’t sinasabi ko na si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang, at upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan; gaya ng nasusulat, Kaya nga’t ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil. At aawit ako sa iyong pangalan. At muling sinasabi niya, Makigalak kayo, kayong mga Gentil, sa kaniyang bayan. At muli, Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Gentil; at purihin siya ng lahat ng mga bayan. At muli, sinasabi ni Isaias, Magkakaroon ng ugat kay Jesse, at siya’y lilitaw upang maghari sa mga Gentil; ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil. (Roma 15:8-12).

Link to comment
Share on other sites

(e.) Ng ang lahi ni Abraham ay matatag ng lubos bilang kaharian ng Dios sa lupaing Palestina at si David ay maghahari sa kanila, ipinahayag ng Dios ang Kanyang panukala ukol sa hinaharap ng sang-katauhan. Ang binhi ni David na siya ring Anak ng Dios ay maghahari sa maluwalhating luklukan ni David magpakailan man. Ang magmamana ng luklukan ni David ay si Jesucristo.

 

(Ang kahalagahan ng unang talata ng Bagong Tipan ay mapapansin na may kaugnayan sa pangako kay Abraham at kay David).

 

Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian. Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharlan magpakailan man. Ako’y magiging kaniyang Ama, at siya’y magiging aking anak: kung siya’y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao; Nguni’t ang aking kagandahang-loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na gaya nang aking pagkaalis niyan kay Saul, na aking inalis sa harap mo. At ang iyong sangbahayan at iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo: ang iyong luklukan ay matatatag magpakailan man. (2 Samuel 7:12-16).

 

Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan; Hindi niya babaligtarin: Ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan. (Awit 132:11).

 

At sinabi sa kanlya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka’t nakasumpong ka ng biyaya sa Dios. At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang Jesus. Siya’y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya’y ibibigay ng Panginoon Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama: At siya’y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian. (Lucas 1:30-33).

 

Palibhasa nga’y isang propeta, at sa pagkaalam na may panunumpang isinumpa ng Dios sa kaniya, na sa bunga ng kaniyang baywang ay iluklok niya ang isa sa kaniyang luklukan. (Gawa 2:30).

 

Ito nga ang mga huling salita ni David. Sinabi ni David na anak ni Isai, at Sinabi ng lalake na pinapangibabaw, na pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob, at kalugodlugod na mangaawit sa Israel: Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, at ang kaniyang salita ay suma aking dila. Sinabi ng Dios ng Israel, Ang malaking bato ng Israel, ay nagsalita sa akin: Ang naghahari sa mga tao na may katuwiran, na mamamahala sa katakutan sa Dios ... Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios; Gayon ma’y nakipagtipan siya sa akin ng isang tipan walang hanggan, maayos sa lahat ng mga bagay, at maasahan; Sapagka’t siyang aking boong kaligtasan, at boong nasa, bagaman hindi niya pinatubo. (2 Samuel 23:1-3,5).

 

Sapagka’t sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawagin Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan. Ang paglago ng kaniyang pamamahala at ng kapayapaan ay hindi magkaroon ng wakas, sa luklukan ni David, at sa kaniyang kaharian, upang itatag, at upang alalayan ng kahatulan at ng katuwiran mula ngayon hanggang sa magpakailanman. Isasagawa ito ng sikap ng Panginoon ng mga hukbo. (Isaias 9:6,7).

 

Tignan sa Isaias 11:1-10.

Link to comment
Share on other sites

(f.) Ang katangi-tanging kalagayan ng Kaharian ng Dios ay naihayag din sa pangangaral ng mga propeta. Ang salita na naalaman ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem. At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo’y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob, at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo’y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka’t mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem. At siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma. (Isaias 2:1-4).

 

At sa bundok na ito ay gagawa ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan, ng isang kapistahan ng mga matabang bagay, ng isang kapistahan ng mga alak na laon, ng mga matabang bagay na puno ng utak, ng mga alak na laon na totoong sala. At kaniyang aalisin sa bundok na ito ang takip na nalagay sa lahat ng mga bayan, at ang lambong na naladlad sa lahat na bansa. Sinakmal niya ang kamatayan magpakailan man; at papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa boong lupa: sapagka’t sinalita ng Panginoon. At sasabihin sa araw na yaon, Narito, ito’y ating Dios; hinintay siya, at ililigtas niya tayo; ito ang Panginoon, ating hinintay siya, tayo’y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas. (Isaias 25:6-9).

 

Kung magkagayo’y madidilat ang mga mata ng bulag,at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan. Kung magkagayo’y lulukso ang pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit: sapagka’t sa ilang ay bubukal ang tubig, at magkakailog sa ilang ... at magkakaroon doon ng isang lansangan, at ng isang daan, at tatawagin Ang Daan ng Kabanalan; ang marumi ay hindi daraan doon; kundi magiging sa kaniyang bayan; ang mga palalakad na tao, oo, maging ang mga mangmang ay hindi mangaliligaw roon ...

 

At ang pinagtutubos ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapasa kanilang mga ulo: sila’y mangagta-tamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay mapaparam. (Isaias 35:5,6). 8,10).

 

Sapagka’t yaong bansa at kaharian na hindi maglilingkod sa iyo ay mamamatay; oo ang mga bansang yaon ay malilipol na lubos ... Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain, ni ang kawasakan o kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan; kundi tatawagin mo ang iyong mga kuta ng kaligtasan, at ang iyong mga pintuang-bayan na Kapurihan ... Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na lahat; sila’y mangagmamana ng lupain magpakailan man, ang sanga ng aking pananim, ang gawa ng aking mga kamay, upang ako’y luwalhatiin. (Isaias 60:12,13,21).

Link to comment
Share on other sites

Sapagka’t narito, ako’y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man. Nguni’t kayo’y mangatuwa at mangalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagak’t narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem at kaligayahan ang kaniyang bayan. At ako’y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing. Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka’t ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain. (Isaias 65:17-20).

 

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon na aking isasagawa ang mabuting salita na aking sinalita tungkol sa sangbahayan ni Israel, at tungkol sa sangbahayan ni Juda. Sa mga araw na yaon, at sa panahon yaon, aking pasusuplingin kay David ang isang Sanga ng katuwiran; at siya’y magsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa lupain. Sa mga araw na yaon ay maliligtas ang Juda, at ang Jerusalem ay tatahang tiwasay; at ito ang pangalan na itatawag sa kaniya: Ang Panginoon ay ating katuwiran. (Jeremias 33:14-16).

 

At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na magsasabi, NaritO ang lalake na ang pangala’y Sanga: at siya’y sisibol sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon. Sa makatuwid baga’y kaniyang itatayo ang templo ng Panginoon; at siya’y magtataglay ng kaluwalhatian, at mauupo at magpupuno sa kaniyang luklukan: at siya’y magiging saserdote sa kaniyang luklukan at ang payo ng kapayapaan ay mapapasa pagitan nila kapuwa. (Zacarias 6:12,13).

 

At ang Panginoon’y magiging Hari sa boong lupa: sa araw na yao’y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa ... At mangyayari, na bawa’t maiwan sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay aahon taon-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin ang mga kapistahan ang mga balag ... Sa araw na yaon ay magkakaroon sa mga kampanilya ng mga kabayo, Kabanalan sa Panginoon; at ang mga palyok sa bahay ng Panginoon ay magiging gaya ng mga taza sa harap ng dambana. Oo, bawa’t palyok sa Jerusalem at sa Juda ay aaring banal sa Panginoon ng mga hukbo; at silang lahat na nangaghahain ay magsisiparoon at magsisikuha niyaon, at magpapakulo roon: at sa araw na yaon ay hindi na magkakaroon pa ng Cananeo sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo. (Zacarias 14:9,16,20,21).

 

Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya’y maghahanda ng daan sa harap ko; at ang Panginoon na iyong hinahanap ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya’y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Nguni’t sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya’y pakikita? Sapagka’t siya’y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi: At siya’y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila’y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran. Kung magkagayo’y ang handog ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kalugodlugod sa Panginoon, gaya ng mga taon nang una. (Malakias 3:1-4).

 

At upang kaniyang suguin ang Cristo na itinalaga sa inyo, na si Jesus; na siya’y kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay, na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta pa buhat nang una. (Gawa 3:20,21).

Link to comment
Share on other sites

ANG KAHARIAN NG ISRAEL.

 

(22). “Ang Kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio.”, sinabi ni Jesus. Ang Kaharian na itatatag ay nagmula sa pakikitungo ng Dios sa mga Judio noong panahong nakalipas na itinuturing na Kaharian ng Israel na muling ibinalik, pinalaki, at pinaging ganap.

 

(a.) Ang kaharian ng Israel, na inihandang maka-Dios sa Sinai at itinatag sa lupain ng Palestina ay ang Kaharian ng Dios.

 

At sa lahat ng aking mga anak (sapagka’t binigyan ako ng Panginoon ng maraming anak,) pinili niya ni Solomon na aking anak upang umupo sa luklukan ng Kaharian ng Panginoon sa Israel. (1 Cronica 28:5).

 

Nang magkagayo’y naupo si Salomon sa luklukan ng Panginoon na pinaka hari na kahalili ni David na kaniyang ama, at guminhawa; at ang boong Israel ay tumalima sa kaniya. (1 Cronica 29:23).

 

At ngayo’y inyong inaakalang daigin ang kaharian ng Panginoon sa kamay ng mga anak ni David ... (2 Cronica 13:8).

 

(b.) Dahil sa kasamaan ng mga namumuno at gayon din ang bayan, ibinagsak ng Dios ang nasabing Kaharian. Sapagka’t kaniyang inihiwalay ang Israel sa sangbahayan ni David, at kanilang ginawang hari si Jeroboam na anak ni Nabat: at pinahiwalay ni Jeroboam ang Israel sa pagsunod sa Panginoon at pinagpagkasala sila ng malaking kasalanan. At ang mga anak ni Israel ay nagsilakad sa lahat ng kasalanan ni Jeroboam na kaniyang ginawa; hindi nila hiniwalayan. Hanggang sa inihiwalay ng Panginoon ang Israel sa kaniyang paningin, gaya ng kaniyang sinalita sa pamamagitan ng lahat niyang lingkod na mga propeta. Gayon dinala ang Israel sa Asiria na mula sa kanilang sariling lupain, hanggang sa araw na ito. (2 Hari 17:21-23).

 

At ikaw, Oh masama na nasugatan ng ikamamatay, na prinsipe sa Israel, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusahan pinaka wakas: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ilapag mo ang Tiara, at alisin mo ang putong; ito’y hindi na mangyayari pa uli; itaas mo ang mababa at ibaba mo ang mataas. Aking ititiwarik, ititiwarik, ititiwarik: ito rin nama’y hindi na mangyayari uli, hanggang sa dumating yaong may matuwid na kaniya; at aking ibibigay sa kaniya. (Ezkiel 21:25-27).

 

Sapagka’t ang mga anak ni Israel ay magsisitahang maraming araw na walang hari, at walang prinsipe, at walang hain, at walang haligi, at walang efod o mga teraf (Oseas 3:4).

 

At sila’y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil. (Lucas 21:24).

 

Akin din namang sinugo sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na bumabangon akong maaga, at aking silang sinusugo, na aking sinasabi, Magsihiwalay kayo ngayon bawa’t isa sa kanikaniyang masamang lakad, at pabutihin ninyo ang inyong mga gawain, at huwag kayong magsisunod sa mga ibang dios na mangaglingkod sa kanila, at kayo’y magsisitahan sa lupain na ibinigay ko sa inyo, at sa inyong mga magulang: nguni’t hindi ninyo ikiniling ang inyong pakinig, o dininig man ninyo ako...

 

Kaya’t ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking dadalhin sa Juda at sa lahat na nananahan sa Jerusalem ang boong kasamaan na aking sinalita laban sa kanila; sapagka’t ako’y nagsa-lita sa kanila, nguni’t hindi sila nangakinig; at ako’y tu-mawag sa kanila, nguni’t hindi sila nagsisagot. (Jeremias 35:15,17).

Link to comment
Share on other sites

(c.) Na muling itatatag sa Kaluwalhatian.

 

Sa araw na yaon ay ibabangon ko ang tabernakulo ni David na buwal, at tatakpan ko ang mga sira niyaon; at ibabangon ko ang mga guho niyaon at aking itatayo na gaya ng mga araw ng una. (Amos 9:11).

 

Imulat mo ang iyong mata sa palibot, at ikaw ay tumingin: silang lahat ay nangagpipisan, sila’y nagsiparoon sa iyo: ang iyong mga anak na lalake ay mangagmumula sa malayo a,t ang iyong mga anak na babae ay kakalungin. (Isaias 60:4).

 

At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain at pipiliin pa ang Jerusalem. (Zacarias 2:12).

 

Nguni’t sa bundok ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pagaari ... At ang mga bihag sa hukbong ito ng mga anak ni Israel na nasa mga taga Canaan, ay magaari ng hanggang sa Sarefat; at ang mga bihag sa Jerusalem na nasa Sepharad ay magaari ng mga bayan ng Timugan. At ang mga tagapagligtas ay magsisisampa sa bundok ng Sion upang hatulan ang bundok ng Esau; at ang kaharian ay magiging sa Panginoon. (Obadias 17,20, 21).

 

Nguni’t sa mga huling araw ay mangyayari, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatag sa taluktok ng mga bundok, at matataas sa mga burol, at mga tao’y paroroon sa kaniya. At maraming bansa’y magsisiparoo’t mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo’y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya’y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo’y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka’t sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem. At siya’y hahatol sa gitna ng maraming bayan, at sasaway sa mga matibay na bansa na malayo: at kanilang papandayin ang kanilang mga tabak upang maging sudsod, at ang kanilang mga sibat upang maging karit; ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni magaaral pa man ng pakikipagdigma. Kundi sila’y uupo bawa’t isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang punong igos; at walang tatakot sa kanila: sapagka’t sinalita ng bibig ng Panginoon ng mga hukbo. Sapagka’t ang lahat na bayan ay magsisilakad bawa’t isa sa pangalan ng kanikaniyang dios: at tayo’y magsisilakad sa pangalan ng Panginoon nating Dios mag-pakailan kailan man. Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking pipisanin siya na napilay, at aking titlpunin siya na natapon, at siya na aking pinagdalamhati; at aking gagawin ang pilay na isang nalabi, at ang tatapon sa malayo na isang matibay na bansa: at ang Panginoon ay maghahari sa kanila sa bundok ng Sion mula ngayon hanggang sa walang hanggan. At ikaw, oh moog ng kawan, na burol ng anak na babae ng Sion, ito sa iyo’y darating, oo, ang dating kapangyarihan ay darating, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem. (Mikas 4:1-8).

 

Tinanong nga siya nila nang sila’y nangagkakatipon na nangagsasabi, Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito? At sinabi niya sa kanila, Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan. (Gawa 1:6,7).

Link to comment
Share on other sites

(23). Ang pagtatatag ng Kaharian ng Dios ay kaugnay ng pagpipisang muli ng mga Judio sa lupain ng Palestina na ibabalik sa dating kalinangan at gagawing kagilagilalas na maganda.

 

At mangyayari, sa araw na yaon, na ilalapag ng Panginoon uli ang kaniyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalabi sa kaniyang bayan na malalabi, mula sa Asiria, at mula sa Egipto, at mula sa Patros, at mula sa Cus, at mula sa Elam, at mula sa Sinar, at mula sa Amath, at mula sa mga pulo ng dagat. At siya’y maglalagay ng pinakawatawat sa mga bansa, at titipunin niya ang mga tapon ng Israel, at pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa. (Isaias 11:11,12).

 

Sapagka’t inaliw ng Panginoon ang Sion; kaniyang pinasaya ang lahat niyang sirang dako, at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang, at ang kaniyang lupang masukal ay parang halamanan ng Panginoon; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon, pagpapasalamat, at tinig na mainam. (Isaias 51:3).

 

Yamang ikaw ay napabayaan at ipinagtanim, na anopa’t walang tao na dumadaan sa iyo, gagawin kitang walang hanggang karilagan, na kagalakan ng maraming sali’t saling lahi. (Isaias 60:15).

 

Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga bansa, at inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo; at inybng sabihin, Ang nagpangalat sa Israel, siyang magpipisan sa kaniya, at magiingat sa kaniya, gaya ng ginagawa ng pastor sa kaniyang kawan ... Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na aking hahasikan ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ng binhi ng tao at ng binhi, ng:hayop, at mangyayari na kung paanong binantayan ko sila upang alisin, at upang ibuwal, at upang madaig at upang ipahamak, at upang pagdaiamhatiin, gayon babantayan ko sila upang itayo at upang itatag, sabi ng Panginoon. (Jeremias 31:10,27,28).

 

At tatawagin kayo ng lahat na bansa na mapalad: sapagka’t kayo’y magiging maligayang lupain, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (Malakias 3:12).

 

Kaya’t sabihin mo sa sangbahayan ni Israel, Ganito ang sabi ng Panginoong: Dios: Hindi ko ginawa ito dahil sa inyo, Oh sangbahayan ni Israel, kundi dahil sa aking banal na pangalan, na inyong nilapastangan sa mga bansa na inyong pinaroonan. At aking babanalin ang aking dakilang pangalan, na nalapastangan sa mga bansa, na inyong nilapastangan sa gitna nila; at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, sabi ng Panginoong Dios, pagka ako’y aariing banal sa inyo sa harap ng kanilang mga mata. Sapagka’t aking kukunin kayo sa mga bansa, at pipisanin ko kayo mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain. (Ezekiel 36:22-24).

 

At ang lupain na naging sira ay mabubukid, na naging sira sa paningin ng lahat na nangagdaraan. At kanilang sasabihin, Ang lupaing ito na naging sira ay naging gaya ng halamanan ng Eden; at ang sira at giba at wasak na mga bayan ay nakukutaan at tinatahanan. Kung magkagayo’y malalaman ng mga bansa na nalabi sa palibot ninyo na akong Panginoon ay nagtayo ng mga guhong dako, at tinamnan ko ang dakong sira: akong Panginoon ang nagsalita, at aking gagawin. (Ezekiel 36:34-36).

 

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain: At gagawin ko silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; at isang hari ang magiging hari sa kanilang lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa, o mahahati pa man sila sa dalawang kaharian. (Ezekiel 37:21,22)

 

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, narito, aking ililigtas ang aking bayan sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran; At aking dadalhin sila, at sila’y magsisitahan sa gitna ng Jerusalem; at sila’y magiging aking bayan, at ako’y magiging kanilang Dios, sa katotohanan at sa katuwiran. (Zacarias 8:7,8).

 

At tatawagin kayo ng lahat na bansa na mapalad: sapagka’t kayo’y magiging maligayang lupain, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. (Malakias 3:12).

Link to comment
Share on other sites

(24). Ang Jerusalem namuling ginawa at niluwalhati ay magiging capital ng Kaharian ng Dios na yayakap sa lahat ng mga bansa.

 

Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng boong lupa, Siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang hari. (Awit 48:2).

 

Kung Magkagayo’y malilito ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka’t ang Panginoon ng mga hukbo ay maghahari sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian. (Isaias 24:23).

 

Gumising ka, gumising ka, magsuot ka ng iyong kalakasan, Oh Sion; magsuot ka ng iyong mga magandang damit, Oh Jerusalem, na bayang banal: sapagka’t mula ngayo’y hindi na papasok pa sa iyo ang hindi tuli at ang marumi. (Isaias 52:1).

 

At ang mga anak nila na dumalamhati sa iyo ay magsisiparoong yuyuko sa iyo; at silang lahat na nagsisihamak sa iyo ay magpapatirapa sa mga talampakan ng iyong mga paa; at tatawagin ka nila Ang bayan ng Panginoon, Ang Sion ng Banal ng Israel. (Isaias 60:14).

 

Sa panahon yaon ay tatawagin nila ang Jerusalem na luklukan ng Panginoon, at lahat ng mga bansa ay mapipisan doon, sa pangalan ng Panginoon, sa Jerusalem: hindi na rin lalakad pa man sila ng ayon sa pamamatigas ng kanilang masamang kalooban. (Jeremias 3:17).

 

At maraming bansa’y magsisiparoo’t mangagsasabi, Magsiparito kayo, at tayo’y magsiahon sa bundok ng Panginoon, at sa bahay ng Dios ni Jacob; at siya’y magtuturo sa atin ng kaniyang mga daan, at tayo’y magsisilakad sa kaniyang mga landas. Sapagka’t sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem... At aking gagawin ang pilay na isang nalabi, at ang natapon sa malayo na isang matibay na bansa: at ang Panginoon ay maghahari sa kanila sa bundok ng Sion mula ngayon hanggang sa walang hanggan ... At ikaw, oh moog ng kawan, na burol ng anak na babae ng Sion, ito sa iyo’y darating, oo, ang dating kapangyarihan ay darating, ang kaharian ng anak na babae ng Jerusalem. (Mikas 4:2,7,8).

 

At mangyayari, na bawa’t maiwan sa lahat na bansa na naparoon laban sa Jerusalem ay aahon taon-taon upang sumamba sa Hari, sa Panginoon ng mga hukbo, at upang ipangilin ang mga kapistahan ng mga balag. (Zacarias 14:16).

 

Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka’t siyang luklukan ng Dios; kahit ang lupa, sapagka’t siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagka’t siyang bayan ng dakilang hari. (Mateo 5:34,35).

Link to comment
Share on other sites

(25). Ang kaharian ng Dios ay isang Kaharian na makikita, dimapaglabanan, at walang hanggang kapamahalaan na itatatag dito sa lupa kapalit ng lahat ng nanatiling kaharian upang sakupin, pagpalain, at gawing ganap ang sanglibutan.

 

At sa kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao’y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipuling niya ang lahat na kahariang ito, at yao’y lalagi magpakailan man. (Daniel 2:44)

 

... maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian ... sa English, “Shall the God of Heaven set up a kingdom”... “Ang Dios ng langit ay magtatatag ng isang Kaharian”. Kaya’t ang unawa sa Bibliang Tagalog na ang Dios ay magtatatag ng Kaharian sa langit ay hindi tugma sa Bibliang English, kundi ang Dios ng langit ay magtatatag ng Kaharian ... saan? Sa lupa. (Apocalipsis 5:9,10.).

 

Ako’y nakakita sa pangitain sa gabi, at, narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang gaya ng anak ng tao, at siya’y naparoon sa matanda sa mga araw, at inipit nila siya sa harap niya. At binigyan siya ng kapangyarihan, at kuwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba. ... At ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng boong langit, mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastaasan ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang lahat na kapangyarihan ay maglilingkod at tatalima sa kaniya. (Daniel 7:13,14,27).

 

At ang Panginoo’y magiging Hari sa boong lupa: sa araw na yao’y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa. (Zacarias 14:9).

 

Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay inyong pinakaari. Sila’y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; Iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok. (Awit 2:8,9).

 

At humihip ang ikapitong anghel, at hagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan kailan man. (Apocalipsis 11:15).

 

At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya’y humahatol at nakikipagbaka. At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming diadema; at siya’y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakaalam kundi siya rin. At siya’y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na ANG VERBO NG DIOS. At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay. At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito’y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat. At siya’y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI, AT PANGINOON NG MGA PANGINOON. (Apocalipsis 19:11-16).

Link to comment
Share on other sites

(26). Si Kristo at ang kanyang mga banal ay maghahari ng isang libong taon, hanggang sa lahat ng mga masama, kasama ang kamatayan, ay malipol at mawala.

 

At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. At sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon. At siya’y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya pa sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya’y pawalang kaunting panahon. At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila’y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila’y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon. Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay na maguli. Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito’y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan. Kundi sila’y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon. At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan, at lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, sa Gog at sa Magog, upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat ... At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at ang bayang iniibig: at bumaba ang apoy mula sa langit, at sila’y nasupok ... At nakita ko, ang mga patay, malalaki at maliliit na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na slyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. (Apocalipsis 20:1-9,12-15).

 

Hindi na magkakaroon mula ngayoh ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga karawan; sapagka’t ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain. (Isaias 65:20).

 

Kung magkagayo’y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga’y sa Ama: pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan. Sapagka’t kinakailangang siya’y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway. Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan. Sapagka’t kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa’t kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya. At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo’y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat (1 Corinto 15:24-28).

Link to comment
Share on other sites

(27). Ang Evangelio (mabuting balita) na ipinangaral ni Jesus at ng mga Apostoles ay ukol sa kaharian ng Dios.

 

At nilibot ni Jesus ang boong Galilea, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao. (Mateo 4:23).

 

Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Dios, at sinasabi, Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo’y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio. (Marcos 1:14,15).

 

At nangyari pagkatapos ng kaunting panahon, na siya’y naglalakad sa mga bayan at mga nayon, na ipinangangaral at dinadala ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios, at kasama niya ang labing dalawa. (Lucas 8:1).

 

Datapuwa’t nang magsipaniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at sa pangalan ni Jesucristo, ay nangabautismuhan ang mga lalake’t mga babae. (Gawa 8:12). At siya’y pumasok sa sinagoga, at nagsalitang may katapangan sa loob ng tatlong buwan, na nangtuwiran at nanghihikayat tungkol sa mga bagay na nauukol sa kaharian ng Dios. (Gawa 19:8).

 

At ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat, na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian, ay hindi na ninyo muling makikita pa ang aking mukha. (Gawa 20:25).

 

Na ipinangangaral ang kaharian ng Dios, at itinuturo ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo ng boong katapangan, wala sinomang nagbabawal sa kaniya. (Gawa 28:31).

 

Ang Dios sa pamamagitan ng Evangelio ay nagaanyaya ng mga tao upang mapasama sa Kaharian at makabahaging kasama ni Kristo sa kaluwalhatian.

 

Kung magkagayo’y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan. (Mateo 25:34) ...

 

Huwag kayong mangatakot, munting kawan; sapagka’t nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo’y ibigay ang kaharian. (Lucas 12:32).

 

Upang kayo’y magsilakad ng nararapat sa Dios, na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian. (1 Tesalonica 2:12).

 

Hindi baga pinili ng Dios ang mga dukha sa sanglibutang ito upang maging mayayaman sa pananampalataya, at mga tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagsisiibig sa kaniya? (Santiago 2:5).

 

Kaya, mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa pagkatawag at pagkahirang sa inyo: sapagka’t kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay hindi kayo mangatitisod kailan man. Sapagka’t sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo. (2 Pedro 1:10,11).

 

At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mgabansa:At sila’y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya haman ng tinang. gap ko sa aking Ama. (Apocalipsis 2:26,27).

 

Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian ... Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita. (2 Timoteo 4:1,8).

Link to comment
Share on other sites

(28). Ang daan sa Kaharian ng Dios at buhay na walang hanggan ay sa pamamagitan ng pagtanggap sa mabiyayang paanyaya ng Dios, pagsampalataya sa Kanyang salita at pagtupad sa Kanyang kalooban. Ito’y nasasaklaw ang:

 

(a.) Pananampalataya sa Kanyang Anak bilang tagapagligtas at Panginoon.

 

Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan ... Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni’t ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya. (John 3:16,36).

 

Sapagka’t ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa’t nakakakita sa Anak, at sa kaniya’y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw. (Juan 6:40). Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka’t ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma’y nagsisampalataya ... Nguni’t ang mga ito ay nangasulat, upang kayo’y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan. (Juan 20:29,31).

 

At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoon Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan. (Gawa 16:31).

 

Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka. (Roma 10:9).

 

(b.) Pagsisisi sa nakaraang kasalanan, kamalian o alinlangan.

 

Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit. (Mateo 4:17).

 

At sinasabi, Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo’y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio. (Marcos 1:15).

 

Nang panahon ding ngang yaon ay nangaroon ang ilan, na nagsipagsabi sa kaniya tungkol sa mga Galileo, na ang dugo ng mga ito’y inihalo ni Pilato sa mga hain nila. At siya’y sumagot at sinabi sa kanila, Inaakala baga ninyo na ang mga Galileong ito ay higit ang pagkamakasalanan kay sa lahat ng mga Galileo, dahil sa sila’y nangagbata ng mga bagay na ito? Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa’t malibang kayo’y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan. O yaong labingwalo, na nalag-lahat pakan na moog sa Siloe, at nangamatay, ay inaakala baga ninyo na sila’y lalong salarin kaysa lahat ng taong nangananahan sa Jerusalem? Sinasabi ko sa inyo, Hindi, datapuwa’t malibang kayo’y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan. (Lucas 13:1-5).

 

Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang iyong mga kasalanan, upang kung mangkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon. (Gawa 3:19).

 

Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios; datapuwa’t ngayo’y ipinaguutos niya sa mga tao na mangasisi silang lahat sa lahat ng dako. (Gawa 17:30).

 

Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. (2 Pedro 3:9).

Link to comment
Share on other sites

(c.) Bautismo sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

 

Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi hanggang sa katapusan ng sanglibutan. (Mateo 28:19,20).

 

Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan. (Marcos 16:16).

 

Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios. (Juan 3:5).

 

At sinabi sa kanila ni Pedro, Magagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan, at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. (Gawa 2:38).

 

Datapuwa’t nang magsipaniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at sa pangalan ni Jesucristo, ay nangabautismuhan ang mga lalake’t mga babae. At si Simon man ay naniwala rin: at nang mabautismuhan na, ay nanatili siyang kasama ni Felipe; at nang makakita ng mga tanda at ng mga dakilang himalang ginawa, ay napahanga siya ... At sa pagpapatuloy sa daan, ay nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng bating, Narito, ang tubig; ano ang nakahahadlang upang ako’y mabautismuhan? At sinabi ni Felipe: Kung nanampalataya ka ng boong puso ay mangyayari. At sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesucristo ay Anak ng Dios. At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila’y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya. At nang magsiahon sila sa tubig, ay inagaw si Felipe ng Espiritu ng Panginoon; at hindi na siya nakita ng bating, sapagka’t ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa. (Gawa 8:12,13,36-39).

 

At pagdaka’y nangalaglag mula sa kaniyang mga mata ang mga parang kaliskis, at tinanggap niya ang kaniyang paningin; at siya’y nagtindig at siya’y binautismuhan. (Gawa 9:18).

 

Sapagka’t nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo’y sumagot si Pedro, Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin? At inutusan niya sila na magsipagbautismo sa pangalan ni Jesucristo. Nang magkagayo’y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw. (Gawa 10:46-48).

 

At nang siya’y mabautismuhan na, at ang kaniyang mga kasangbahay, ay namanhik siya sa amin, na sinasabi, Kung inyong inaakalang ako’y tapat sa Panginoon, ay magsipasok kayo sa aking bahay, at kayo’y magsitira doon. At kami’y pinilit niya ... At sila’y kanilang kinuha nang oras din yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka’y binautismuhan, siya at ang boong sangbahayan niya. (Gawa 16:15,33).

 

Na ayon sa tunay na kahawig ngayo’y nagligtas, sa makatuwid baga’y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni JesuCristo. (1 Pedro 3:21).

Link to comment
Share on other sites

(d.) Itong bautismo bilang isang gawa ng pananampalataya ay nakikipagisa ang mananampalataya kay Jesucristo ang tagapagligtas. Sa pamamagitan ng Kalarawang paglilibing sa paglubog sa tubig, siya ay nauugnay sa kamatayan at pagkabuhay na muli ni Kristo. Ang bautismo ay nagwawakas sa dating walang pinag-uukulang buhay. Pinakikita ang kapatawaran ng dating mga kasalanan, ang pagbangon sa pagbabagong buhay kay Kristo, na may karapatan bilang anak na lalake o babae ng Dios: at nagtatakda bilang tagapagmana sa buhay na walang hanggan sa kaharian ng Panginoon sa Kanyang muling pagbabalik.

 

Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay. Sapagka’t kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli; Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo’y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; Sapagka’t ang namatay ay ligtas na sa kasalanan. Datapuwa’t kung tayo’y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya. (Roma 6:1-8).

 

At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni’t nangahugasan na kayo nguni’t binanal na kayo, nguni’t inaring-ganap na kayo’ sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios. (1 Corinto 6:11).

 

Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita. (Efeso 5:26).

 

Sumagot si Jesus, katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios. (Juan 3:5).

 

Sapagka’t kayong lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus. Sapagka’t ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo. Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka’t kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus At kung kayo’y kay Cristo, kayo nga’y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako. (Galacia 3:26-29).

 

Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas’ tayo sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo. (Tito 3:5).

Link to comment
Share on other sites

(e.) Ang pakikipagisa kay Kristo ay masasaklaw ang isang buhay na nauukol sa paglilingkod sa Dios sa pagibig sa Kanya at sa kapwa tao, na napagkikilala sa pagbabasa araw-araw sa Kanyang salita, panalangin sa Dios sa pamamagitan ni Jesus sa ika-pagpatawad, lakas at pagsubaybay: ang unang araw ng sanglingo bilang ala-ala sa kamatayan at pagkabuhay na muli sa pagputol-putol ng tinapay ng kapuwa may mahahalagang pananampalataya: ang pagpapasinag ng evangelio sa salita at gawa: ang pagtitiyagang paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon: ang pagtatakwil ng kasalanan, ang pakipaghiwalay sa lahat ng masasama sa sanglibutan, at ang pagawa na mabuti sa lahat, lalonglalo na sa sangbahayan ng kapanampalataya.

 

At sinabi (ni Jesus) sa kaniya Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng boong puso mo, at ng boong kaluluwa mo, at ng boong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito’y nauuwi ang boong kautusan, at ang mga propeta. (Mateo 22:37-40).

 

Kung sinasabi nating tayo’y may pakikisama sa kaniya at nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan: Nguni’t kung tayo’y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa’t isa, at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan. Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohahan ay wala sa atin. Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa atlng mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan. (1 Juan 1:6-9).

 

Datapuwa’t manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan, yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan. At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti. (2 Timoteo 3:14-17).

 

At nangyari, nang siya’y nananalangin sa isang dako, nang siya’y matapos, ay sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Panginoon, turuan mo kaming manalangin, na gaya naman ni Juan na nagturo sa kaniyang mga alagad; At sinabi niya sa kanila, Pagka kayo’y nagsisipanalangin, inyong sabihin, Ama, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Ibigay mo sa amin araw-araw ang pangarawaraw na kakanin, at ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan, sapagka’t aming pinatawad naman ang bawa’t may utang sa amin. At huwag mo kaming ihatid sa tukso. (Lucas 11:1-4).

 

Nguni’t tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama. Kayo’y mangagingat, mangagpuyat at magsipanalangin: sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung kailan kaya ang panahon. Gaya ng isang tao na nanirahan sa ibang lupain, na pagkaiwan ng kaniyang bahay, at pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang mga alipin, sa bawa’t isa’y ang kaniyang gawain, ay nagutos din naman sa bantay-pinto na magpuyat. Mangagpuyat nga kayo: sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay, kung sa hapon, o sa hantinggabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga; baka kung biglang pumarito ay kayo’y mangaratnang nangatutulog. At ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat, Mangagpuyat kayo. (Marcos 13:32-37).

 

At samantalang sila’y nagsisikain, ay dumampot siya ng tinapay, at nang kaniyang mapagpala, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, at sinabi, Inyong kunin: ito ang aking katawan. At siya’y dumampot ng isang saro, at nang siya’y makapagpasalamat, ay ibinigay niya sa kanila: at doo’y nagsiinom silang lahat. At sinabi niya sa kanila. Ito’y ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi na ako iinom ng bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago sa kaharain ng Dios. (Marcos 14:22-25).

Link to comment
Share on other sites

At siya’y dumampot ng tinapay, at nang siya’y makapagpasalamat ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito’y aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito’y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo. (Lucas 22:19,20).

 

Sapagka’t tinanggap ko sa Panginoon ay ibinibigay ko naman sa inyo; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay; At nang siya’y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito’y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin. At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi; Ang sarong ito’y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo’y magsisiinom sa pagaalaala sa akin. Sapagka’t sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya. Kaya’t ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. Datapuw’t siyasatin ng tao ang kanyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro. (1 Corinto 11:23-28).

 

Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa’t isa; at lalo na kung inyong namamalas na lalapit na ang araw. (Hebreo 10:25).

 

Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di-kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may boong pagpapahinuhod at pagtuturo. (2 Timoteo 4:2).

 

Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwi-ran: sapagka’t sila’y bubusugin. Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka’t sila’y kahahabagan. (Mateo 5:6.7).

 

At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit, na kaniyang ibinangon sa mga patay, si Jesus nga na nagligtas sa atin mula sa galit na darating. (1 Tesalonica 1:10).

 

Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan, Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama. Sapagka’t ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan. At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa’t ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man. (1 Juan 2:15-17).

 

Kaya nga mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba. At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios. (Roma 12:1,2).

 

Kaya nga, samantalang tayo’y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya. (Galacia 6:10).

 

Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus. Katapustapusan mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang’bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito. (Filipos 4:6-8).

 

Tignan sa Awit 119, Colosas 3, Efeso 4:17-32, at napakaraming iba pa.

 

http://www.acbm.org.au/

 

http://www.acbm.org....ion/philippines

 

IsangPahayag.pdf

Link to comment
Share on other sites

Guest
This topic is now closed to further replies.
 Share

×
×
  • Create New...