Jump to content


Photo

Isang Biblia - Maraming Inglesia - Wala Bang Anoman?


  • This topic is locked This topic is locked
7 replies to this topic

#1 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 01 August 2012 - 05:25 AM

IsangBiblia.jpg

Isang Biblia - Maraming Inglesia - Wala Bang Anoman?

ISANG BIBLIA

Nang ang mga Protestanteng Tagapagbago (Reformers) ay lumaban at tuluyang humiwalay sa Iglesia ng Roma, ang kanilang sigaw-bayan ay “Ang Biblia, ang boong Biblia at walang iba kundi ang Biblia”. Sa ilalim ng sigaw na yaon ay may hinala na kung ang mga’ tao ay babasahin ang Biblia sa kanilang sariling wika, ay malalaman nila ang katotohanan tungkol sa Dios at sa Kaniyang panukala, at iiwasan ang kanilang dating kamalian at tuluyang magkakaisa sa pomamagitan ng iisang pananampalaya.

Ang isa sa malaking kasiphayuan ng Protestantismo ay ang kanilang hinala ay hindi nagkabisa. Sa halip na pagkakaisa, na kanilang inaasahan, ay nagdulot ng iba’t ibang palagay at pagdami ng bilang ng naglalaban-labang secta ng pananampalataya na lahat ay umaangkin ng bumabatay sa Biblia, tuloy nagdulot ng kaguluhan sa sangkacristianuhan ngayon. Ang kalayaang pangsarili, na mahalagang katangian ng layunin ng mga Protestante, ay siyang mga bagay na nagpahina dito. Ipinalalagay na bumabatay sa iisang Biblia, lalong dumami ang kanilang pagkakaiba sa hinabahaba ng panahon.

Ang hinala ba ay mali? Ang palagay ba na ang katuruan ng Biblia ay sapat at napakalinaw? Ang katunayan na hindi sapat ang kinalabasan ng pinakamimithi ay hindi nangangahulugan na ang hinala ay mali. Mayroong ibang dahilan na humadlang sa ipagkakaisa ng katotohanan sa religion. Ang angkin ng Biblia na ang katuruan na napapaloob doon ay sapat at tiyak.

“Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba’t ibang panahon at sa ibo’t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak ...” Hebreo 1:1,2


Ang sinalita ay natala sa mga dahon ng Biblia. Alisin ang Biblia at ang Dios ay tahimik. Ang ibang mga relihiosong tao ay uma-angkin na sila ay nakakakita ng mga pangitain at tumatanggap ng di’-pangkaraniwang kahayagan maliban sa Biblia, nguni’t sa mga nakararami ay hindi naniniwalang may tanda na mula sa langit ngayon.

Ang tinig ng langit ay maririnig lamang mula sa nakatitik na Salita ng Dios sa Biblia-at walang iba.

Isa alang-alang natin ang kasapatan ng patotoo ng Biblia. Ang ating Panginoon ay madalas magpahayag sa mga tao noong panahon ng kaniyang pangangaral, nguni’t hindi niya binalaan sila sa pagbabasa ng kasulatan, bagkus sinansala sila sa hindi pagsunod ayon sa kanilang binabasa. Sabi ni Jesus,

“Saliksikin ninyo ang kasulatan, ... at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin ... upang kayo’y magkaroon ng buhay” Juan 5:39,40


Tungkol sa mga palagay ng mga Saduceo ukol sa pagkabuhay na maguli, sinabi ni Jesus,

“Nagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ...” Mateo 22:29


“Datapua’t tungkol sa pagkabuhay na maguli ng mga patay, hindi baga ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Dios, na sinasabi. Ako ang Dios ni Abraham, at ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob? Ang Dios ay hindi Dios ng mga patay, Kundi ng mga buhay” talatang 31,32


Ang mga katagang ito’y sinulat ni Moses sa Matandang Tipan, Exodo 3:6, at sinabi ni Jesus na ang Dios ay nagsalita sa kanilang lahi ng mga araw na yaon, at sapagka’t tinalikdan nila, sila’y nangaligaw.

#2 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 25 August 2012 - 02:24 PM

Sinulat ni Apostol Pablo kay Timoteo, na anak ng isang Judio na taga Lystra, ang ganitong mga kataga:

“At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasutatan na makapag padunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” 2 Timoteo 3:15


Mula sa liham na ito kay Timoteo ay napagalaman natin kung papaano niyang tinanggap ang unang kaalaman sa kasulatan, mula sa kaniyang inang si Eunice at sa kaniyang lolang si Lois. Sa Gawa 17 ay may nakatala kung papaano nangaral si Pablo at si Silas sa mga Judio sa Berea at tinanggap nila ang Salita ng boong pagsisikap, nguni’t sinubukan ang katotohanan ng mga sinalita nina Pablo at Silas at,

“... at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito” Gawd 17:11


Nasa kanila ang kasulatan at ginawa nilang batayan sa pagsubok ng naririnig nilang katotohanan. Hindi sila sinansala ni Pablo sa kanilang ginawa kundi bagkus pinuri sila sa kanilang pagsisikap. Sa mga sumasampalataya sa Tesalonica ay kaniyang sinabi,

“Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti” 1 Tesalonica 5:21


Itong mga tanging talatang binanggit ay pinili sapagka’t nagbibigay diin sa katotohanan na ang Biblia ay kaya at sapat magturo ng katotohanan tungkol sa Dios na kinakailangan sa kaligtasan at upang ayunan ang karapatan at tungkulin ng mga tao na bumasa ng kasulatan para sa kanilang sarili.

Totoo rin naman na pinagbalaan ni Apostol Pedro ang mga mananampalataya laban sa pagbabaluktot ng kasulatan upang sumunod sa kanilang kalooban, nguni’t hindi sila pinagbalaan sa pagbasa ng kasulatan, sapagka’t kaniyang isinulat,

“Gaya ng mga sanggol ng bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas ... upang sa pamamagitan nito’y magsilago kayo sa ikaliligtas” 1 Pedro 2:2


Ang kanilang paglago ukol sa espiritu at karagdagan sa kaalaman ng Dios ay nasasalalay sa maingat na pagbabasa ng Salit ng Katotohanan. Wala man lamang pahiwatig na sila’y mapapahamak o mawawala sa pananampalataya kung magbabasa at susuri ng kasulatan bagkus ang kahalagahan nito ay ang mga talata ng kasulatan ay makapagtuturo sa tao ng katotohanan ukol sa kaligtasan at ang katotohanan ay naunawaan ng pangkaraniwang tao. Kaya’t ayon sa Biblia, ang hinala ng mga Tagapagbago (Reformers) ay tama, nguni’t sa ibang bagay ang pagkakamali.

#3 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 25 August 2012 - 02:27 PM

MARAMING IGLESIA

Sapagka’t ang hangarin ng Biblia ay maghayag at hindi magkubli, magtatag ng pagkakaisa at hindi kaguluhan, at sapagka’t ang Biblia ay makukuha sa lahat ng wika ng sumapit ang kalayaan ng pananampalataya, bakit ba ang sangkacristianuhan ay naging isang katakut-takut na dami ng nagkakaibang iglesia, tuloy nagdulot ng makabagong kaguluhan? Sa kapuspusan, nagdulot ng dalawang kalungkot-iungkot na pangyayari:

una—Upong maunawaang mabuti ang Biblkt, kinakailangan na lomapit sa Biblia na may bukas na pagiisip at handang maturuan at may kaloobang pailalim so katuruan. Subali’t ang karamihan ng tao ay lumalapit sa Biblia na may dati nang hinakang palagay, na humahanap ng pagpapatibay sa mga aral na kanilang hinaka, kinahiligan na ng mga tao na iayon ang Diot sa kanilang larawan, hubugin ang kani kanilang mga pagiisip tungkol sa Dios mula sa kanilang pagnanaso kaya’t lumikha sila ng isang Dios na naaayon sa kanilong pagnonasa at hindi ayon sa Biblia. Kaya’t sila’y lumalapit sa Biblia na humahanap ng patunay sa kanilang sariling linikhang Dios at isang daan ng buhay na ayon sa kanilang sariling hakahaka. Kung magkaminsan, nagkakaraon sila ng patotoo sa Biblia sa pamamagitan ng mababaw na pagbasa ng ilang talata ng kasulatan, at pabago-bagong pagpili ng mga bahagi ng mga bahagi ng Biblia na tila umaayon sa kanila at pagtanggi doon sa hindi aayon. Bukod tangi roon, arg mga aral ay pinatutunayan sa pamamagitan ng hiwa-hiwalay na talata na hindi naaayon sa kabuuang turo ng kasulatan. Kaya’t ang madalas na mangyari ay ang mga aral ay nagkakabukod-bukod at nagkakasalu-ngatan.


pangalawa—May mga iglesiang napapangibabawan ng mga natatanging aral na nagdudulot ng pagkukulang sa ibang mga mahahalagong aral. Ang kinalabasan ay ang linsad at hindi timbang na pagunawa sa katotohanan ng Biblia tuloy sa maling pasiya at walang ayos na pagkakaunawa ng kaligtasan.


Ito ang nangyari sa kasaysayan ng mga Nagbagong Iglesia (Reformed Churches). Bagama’t nagkakaisa sila sa ibang mga pangunahing aral ay hindi sila nagkakasundo sa iba. Ang ibang mga tagapagbago ay tinanggihan ang boong Biblia sa dahilang ang katuruan ay hindi umaayon sa kanilang pinakatanging aral, o kanilang binabawasan ang kapangyarihan ng mga aklat na hindi umaayon sa binalangkas nilang lathala ng pananampalataya (Articles of Faith). Kung hindi makita sa Biblia ang kinakailangang patotoo ay nagbabalik sa sali’t-saling sabi ng mga Katolico Romano. Kaya’t maging sa harap ng kinasihang Salita ng Dios sa Biblia, tumubo ang sari-sariling pangangatuwiran na wala so kasulatan. Ang pangyayari ay sinulat ni Plumer sa kaniyang aklat “Continental Reformation” pahina 189:

“Ang mga tao ay hindi pinasama ng turo ng mga Tagapagbago nguni’t hindi sila nagtagumpay upang mapagbuti ang tao. Dito nagkakahiwalay ang pagkaka-agapay ng turo ng mga Tagapagbago at ang unang pangangaral ng evanghelio”.


Ang kinalabasan ay mahirap mong matagpuan ang malinaw at nagkakaisang paliwanag sa mga bagay ukol sa Kaharian ng Dios, ang kapangyarihan at pagkasi ng Dios sa Biblia, ang Pangalawang Pagparito ni Jesus, ang kahalagaban ng Bautismo, ang kalikasan ng Iglesia, ang kahulugan ng Huling Hapunan, ang kalikasan ng Tao, ang Pagkabuhay na Maguli ni Jesus at Buhay sa kabila ng Kamatayan. Napagalaman ng mga iglesiang nagtuturo ng kaluluwang walang kamatayan (immortality of the soul), na ngayon ang kanilang mga manunulat ay umaamin na ang mga aral na yaon ay hindi galing sa Biblia kundi nagbuhat sa mga Pagano: na hindi nagbuhat sa Dios kundi kay Plato; na ang kaligtasan ng tao ay hindi sa paglalayag ng kaluluwa sa langit pagkamatay kundi sa pagkabuhay na maguli ng katawan sa pangalawang pagparito ni Jesus.

Ito ang tunay na kalikasan ng tao ayon sa Biblia, nguni’t bihira ang naniniwala. Ipinahahayag at pinakadidiin ng Biblia ang katiyakan na ang tao ay mortal nguni’t pinagaalinlanganan ng mga religion. Dito pa naman nakasalalay ang tamang pagkakaunawa ng maraming mga bagay. Ito ang nagpapatunay ng kaguluhan at katakut-takut na mga hakahaka na nagpapabalisa at nagpapawalang pagasa sa isang sumasaliksik ng katotohanan tuloy nagdudulot ng pagkawalang bahala at mga nagiging agnostico. Kung magkaminsan, yaong pagwawalang bahala ay inihahayag sa paniwala na walang anomang bagay kung anomang iglesia ang dadaluhan o paniniwalaan-sa dinami-dami ng mga iglesiang pagpipilian na ang isa ay gayundin kabuti gaya ng iba.

#4 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 25 August 2012 - 02:28 PM

WALA BANG ANOMAN?

Bilang unang hakbang, gamitin natin ang pagsubok sa pamamagitan ng sariling unawa (common sense). Ipalagay na mayroong naghihintay sa pagamutan upang magpatistis at napagalaman niya na ang mangagamot na titistis sa kaniya ay walang anomang bagay ang alituntunin ng pagtitistis—ang mahalagang bagay ay kunin ang kagamitan at magpasimula ng gawain. Makatitiyak kayong mawawala ang pasiente bago dumating ang mangagamot. Ipalagay na mayroong magiibang bayan sa pamamagitan ng himpapawid at samantalang naghihintay sa paliparan ay napagalaman niya na ang piloto ay may palagay na walang ano mang bagay ang mga alituntunin ng paglalayag sa himpapawid—ang mahalagang bagay ay paliparin ang sasakyan at bahala nang karkulahin ang direction. Makatitiyak kayo na pipiliin ng pasahero ang maglayag sa pamamagitan ng sasakyang dagat. Ang mga halimbawang ito’y mga haka lamang nguni’t nakapangingilabot. Walang mangagamot na titistis na hindi naniniwala sa tiyak na alituntunin ng pagtitistis at walang pilotong magpapaiipad na hindi naniniwalang mainam sa alituntunin ng nabigasyon. Ang gumawa ng kabaligtaran ay isang kahangalan at mapanganib sapagka’t buhay ang ipinagsasapalaran.

Nguni’t ukol sa religion, yaong ating pakikipagugnay sa Dios, ang halimbawa sa pagtitistis at nabigasyon na tiyak na mali at mapanganib ay tinatanggap na makatuwiran at walang anoman. Maraming tao na may palagay na walang anomang bagay kahit ano ang inyong paniniwala sa Diyos basta’t ikaw ay marangal at kina aalang-alanganan. Ito ba’y makatuwiran? May katiyakan na ba ang Diyos na lumikha ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng Kaniyang lubos na kapangyarihan ay ipagwalang bahala ang pagturing ng mga tao sa Kaniya at sa Kaniyang daigdig? Hindi ba makatuwiran na nagmalasakit ang Diyos doon sa tumitingin at nagsasa alang-alang ng kaniyang Salita? Ang katotohanan ay hindi iniwan ang mga tao sa kanilang sariling dandamin sa ganitong bagay. Ang Diyos ay nagsalita sa kanila sa pamamagitan ng Biblia. Dito inihayag Niya ang alituntunin ng tunay na religion, mga alituntunin na makalalapit sa Diyos upang sila ay maging karapatdapat at tanggapin ang Kaniyang kaligtasan.

Sa paglalarawan, samakatuwid, sa gayunding mapanganib at gayunding kamangmangan na pabayaan ang alituntunin ng tunay na religion gaya ng pagpapabaya sa alituntunin ng pagtitistis at nabigasyon. Ang kaibahan lamang ay ang bunga ng pagpapabaya sa religion ay hindi halata sa pasimula, subali’t sa wakas ay lalong palagian at walang pagbabago. Sa kalagayan ng religion, gayon din na mahalagang bagay ang ipinagsasapalaran.

Ang pagpapahintulot ng religion ay isang pagpapala kung nangangahulugan ng malayang pagsamba sa Dios na walang manghihimasok, nguni’t mawawalan ng bisa kung ang mga tao ay nabubulagan sa katotohanan. Noong unang araw, ang mga tao ay nahahandang magsalita ng may katapangan ukol sa kanilang paniniwala, nguni’t ngayon sa kapanahunan ng malawak na kaisipan at pagbibigayan, ang pakikipagtalo ukol sa religion ay hindi na uso—parang isang bagay na ikinahihiya— kahinabunan ang pangunahing salita at ang lahat ng mga bagay na magdudulot ng pagtatalo ay hindi pinahihintulutan.

Sa ibang dako, ang pinakamabuti ay hindi titiyak ng pasiya sa anomang bagay. Paguusapan at pagaaralan subali’t hindi magpapasiya. Ang ibang religion ay may kabutihan kaysa iba —datapua’t lahat ng religion ay mabuti. Piliin ang sisiya sa iyo na makabubuti na hindi maka sasama sa iba. Ang palagay na ito ay may hitsurang ka hinahunan at makatuwiran—datapua’t laban sa turo ng Biblia. Sa kalooban ng tunay na religion, na nahayag sa Biblia, ang mga palagay ng hindi pagpaparaya (intolerance) ay kamalian. Sa karamihan, ng palagay na ito, ay hindi kasiya-siya datapua’t doon sa may tapat na pagiisip ay makatuwiran. Ang turing ng iba dian ay panatico at dogmatico at sasabihin nila na ang katapatan ang siyang mahalagang bagay. Totoong mahalagang bagay ang katapatan subali’t maaaring may tapat na pagkakamali.

Tungkol sa paraan ng paglapit sa Dios, ang nakasulat sa Biblia ay mga katagang mahahalaga at walang pasubali.

“At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa Kaniya; sapagka’t ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at Siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa Kaniya’y nagsisihanap” Hebreo 11:16



#5 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 25 August 2012 - 02:29 PM

Punahin ang mga katagang ‘hindi maaari’ at ‘dapat’. Ang sumulat ay hindi nagpaligoy-ligoy ng pananalita at tiniyak na “hindi maaaring lumapit ng walang pananampalataya at hindi maaaring maging kalugod-lugod sa Kaniya; ...” Ang mga kataang yaon ay walang alinlangan. Ang sino mang lalapit sa Dios ay dapat sumampalataya at hindi nararapat lumapit kung walang pananampalataya. Ito ay lilikha ng katanungan, “Bakit ako hindi maaari sa aking sarili? Ano ang kamalian sa ganito kong kalagayan?” Ang Biblia ay naghahayag na ang Dios ay hindi tumatanggap ng sino man sa ilalim ng likas na kabutihan. Hindi katanggap-tanggap at hindi makatuwiran. Ang mga iba ay ipinanganak sa masamang pagkakataon at nabubuhay sa masamang kalagayan, kaya’t ang kalikasang kabutihan ay napakahirap; ang mga iba ay ipinanganak sa mabuting kalagayan at nabubuhay sa kalugod-lugod na paligid, kaya’t napakadaling maging mabuti. Hindi tumatanggap ang Dios sa ganitong hindi makatuwirang batayan.

Ang lahat ng mga tao ay makasalanan sa paningin ng Dios at ang kanilang kabutihan ay hindi sapat upang sila ay maging ganap sa harap ng Dios. Mayroon lamang iisang saligan ng katuwiran, kabanalan at katarungan, at iyon ay ang saligan ng Dios at hindi ipakikipagkasundo ng Dios ang saligang yaon sa pabago-bagong saligan ng tao. Ang kasalanan noong panahon ni Noe o ni Eba ay katulad din ng kasalanan ngayong makabagong panahon. Ang Dios ay hindi nagbabago sa pagtingin sa kasalanan. Ang kabutihan ng tao ay hindi maihahambing na saligan ng katuwiran ng Dios. Walang halaga at kabagay-bagay ang pagka kagalang-galang sa ngalan ng kaligtasan. Ang ating kakapiranggot na katuwiran ay hindi sasapat sa kabutihang loob ng Dios. Ang Biblia ay nagtuturo na ating talikdan ang ating sariling pagpapahalaga at aminin natin ang ating kakulangan sa saligan ng Dios. Ito ang tinatawag na Pagsisisi (Repentance).

At sapagka’t ang tao ay hindi tatanggapin sa pamamagitan ng kalikasang kabutihan, na hindi sapat at hind makatarungan, tatanggap ang Dios sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang: pananampalataya ng ipinakikita ng tao sa Kaniyang Salita ay ituturing ng Dios na katuwi ran. Ito ang dakilang aral na ipinagiging ganap sa pama magitan ng pananampalataya at ipinaliliwanag na kung bakit na hindi maaaring lumapit sa Dios kung walang pananampalataya, at kung bakit ang lahat ng lalapit ay kinakailangang sumampalataya. Ang pagkakabisa ng dakilang alituntunin ay ipinakita ni Pablo ang halimbawa sa kaniyang sulat sa Roma tungkol kay Abraham. Tumanggap si Abraham ng mga tiyak na pangako mula sa Dios na mahirap paniwalaan at hindi maaaring matupad sa makataong pananalita (humanly speaking). Subali’t naniwala si Abraham sa mga pangako sa kabila ng tila mahirap ang katuparan at itinuring ng Dios na katuwiran at si Abraham ay naging kaibigan ng Dios.

“Sa paglingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios, At iubos nanalig na ang Dios na nangako ay may kapangyarihang makagawa noon. Dahil dito’y ibinilang naman na katuwiran sa kaniya. Ngayo’y hindi lamang dahil sa kaniya isinulat, na sa kaniya’y ibinilang; Kundi dahil din naman sa atin, na ibibilang sa ating mga nagsisisampalataya sa kamya na bumuhay na maguli sa mga patay, kay Jesus na ating Panginoon, Na ibinigay dahil sa ating mga kasuwayan, at binuhay na maguii sa ikaaaring-ganap natin” Roma 4:20-25


Ipinipilit ni Poblo na ang olituntunin na nagkabisa kay Abraham ay totoo sa lahat ng mga tao na lalapit sa Dios sa kaligtasan.

Ang mahalagang katangian ng kaparaanan ay pananampalataya sa Salita ng Dios. Ito ang pasimula ng panibagong buhay, ang batayan ng tunay ng religion.

“Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitar ng Salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi” 1 Pedro 1:23


Kaya’t maraming bahagi sa Bagong Tipan na nagbibigay diin sa pangangailangan ng paniniwala at pananampalataya.

“Siya’y naparito sa sariling kaniya, at siya’y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya. Datapua’t ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya” Juan 1:11,12.


“At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugod-lugod sa kaniya; sapagka’t ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, ...” Hebreo 11:6.


“... Magsiyaon kayo sa boong sanlibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. Ang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; ...” Marcos 16:15,16


Lumalabas na ayon sa Biblia, yaong mga nagsasabing walang anomang bagay kahima’t ano ang iyong paniniwala, o nagwawalang bahala sa anomang katuruan ng tanging iglesia, ay nagiging mga hangal gaya ng doctor na nagsasabing walang anomang bagay tungkol sa paniniwala sa alituntunin ng pagtitistis o ng piloto na nagwawalang bahala sa alituntunin ng nabigasyong panghimpapawid.

#6 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 25 August 2012 - 02:30 PM

PANANAMPALATAYA O PAMAHIIN (SUPERSTITION)

At sapagka’t napakahalaga ng pananampalataya, kaya’t hindi kinakailangan ang paniniwala na nababatay sa kasinungalingan o sariling likha. Ang pananampala taya na ipinagigiitan ng Dios ay yaong paniniwala sa katotohanan, sapagka’t ang paninwala sa kasinungalingan ay tunay na pamahiin (superstition). Sinabi ng Biblia:

“Sapagka’t kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya;” Kawikaan 23:7


Sinasabi sa atin na, so wakas, ang kilos ng tao ay naaayos at naaayon sa kaniyang paniniwala, samakatuwid, ang maling paniniwala ay magdudulot ng maling takbo ng buhay. Ang mga manunulat ng Bagong Tipan ay nalalaman ito at palagiang pinapayo sa mga mananampalataya na manatiling matibay sa katotohanan. Pansinin ang mabibigat na pananalita na ginamit ni Pablo sa mga taga Galacia sa gayon ding paksa:

“Datapua’t kahima’t kami o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangaral sa inyo, ay matakuwil, Ayon sa aming sinabi ng una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na, ay matakuwil” Galacia 1:8,9.


Ito ang taimtim na pananalita ni Pablo. Siya ay magagawad ng dalawang ulit na sumpa sa mga nangangaral ng kasinungalingan. Ito’y isang halimbawa ng hindi pagpapaubaya na nabanggit at kaiba sa mga makabagong pakikitungo sa maluwag na pagpaubaya sa mga palapalagay tungkol sa Dios na tiyak na nagkakaiba at kung magkaminsan ay nakapipinsala. Pinipilit ni Pablo na ang evangelio na kaniyang ipinangaraj ay ang katotohanan at ang lahat na bagay na kasalurtgat ay kasinungalingan. Pinaninindigan niyang mayroong maliwanag na batayan ng katotohanan tungkol sa Dios at sa Kanilang panukala at ang mga hihiwalay doon ay nasa panganib. Laganap ngayon ang kasabihan na ang pananampalatayang Kristiano ay hindi maipapaliwanag sa pamamagitan ng mungkahi at malinaw na kataga. Ipinalalagay na totoong personal at mahiwaga. Itong palapalagay na ito ang nagpasigla sa marami na nagsasabi na walang anomang bagay kahit ano ang iyong paniwalaan o anomang iglesia ang iyong aniban. Nguni’t ang palagay na iyan ay hayagang mali bagay sa katuruan ng Bagong Tipan. Sa Bagong Tipan ang iglesia ay tinatawag na,

“... iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan” 1 Timoteo 3:15


at ang bawa’t mananampalataya ay may taimtim na tungkulin na tumiyak na ang kanilang pananampalataya at iglesia ay nababatay sa tunay na saligang yaon, sa pagkakahayag sa Biblia.

Nang si Jesus ay makipagusap sa babae sa balon ng Sychar tungkol sa religion, binanggit niya ang napakahalagang kataga:

“... dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananambai ang Ama sa espiritu at katotohanan; sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa Kaniya” Juan 4:23


Ayon kay Jesus, ang tunay na religion ay nababatay sa katotohanan at kinakailangan ay mula sa espiritu. Nabanggit na natin ang tiyak na pangangailangan ng katotohanan. Nang sabihin ni Jesus na ang tunay na religion ay mula sa espiritu, siya’y nagtuturo na hindi nababatay sa pagpapalabas at panglabas na ganapin, o sa pagtupad ng gawain ng pagpuri o pakumbaba, subali’t ang kabaligtaran, ang kalagayang pangloob, sa espiritu at hindi lamang sa titik ng sulat. Ito’y nagbibigay diin sa kahalagahan ng pamumuhay ayon sa daan na itinuturo ng Dios. Maaaring purihin ang Dios sa pamamagitan ng ating mga labi subali’t sa ating buhay ay isang kasiraang puri.

Maaari tayong umawit ng awit ng kababaang loob at yumukod ang ating mga ulo sa pakumbaba, subali’t ang mga puso ay mapagpaimbabaw. Ang religion ng iglesia o anomang bahay pagpupulong ay walang halaga hangga’t hindi naaayon sa kalooban ng Dios na nahayag sa Kaniyang Salita, at ang kalooban na yaon ay nahayag sa buhay masunurin at kabanalan sa buhay. Pinatutunayan namin ang katotohanan ng aming religion sa pamamagitan ng pagsunod sa aming buhay. Ang kinakgilangan ay hanapin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsaliksik sa Salita ng Dios; sagutin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagbuhay ng katotohanan sa pang araw-araw na buhay. Ito ang pagsamba sa espiritu at katotohanan.

Si Abraham ay pinaging ganap sa paningin ng Dios sapagka’t laban sa kahayagan, ay pinaniwalaan ang mga pangako sa kaniya ng Dios. Ang mahalagang bagay na dapat pansinin ay yaong mga pangako ay mga tunay na sinalita ng Dios. Ang gayon ding alituntunin ay nauukol ngayon nguni’t napakahalagang tiyakin na ang mga pangako na ating pinagtitiwaiaan ay sa katotohanan, at ipinahayag ng Dios. Mayroong nagtitiwala sa mga pangako na haka lamang ng mga tao subali’t hindi sinalita ng Dios. Mayroong mga palapalagay na ang hinaka ng tao ay hindi hinangad ng Dios, na ang salita na ipinalalagay na mula sa Kaniya ay hindi Niya sinalita. Pagtitiwala sa tunay na pangako ay isang tapat na pananalig subali’t pagtitiwala sa maa hakahaka ay pamahiin (superstition).

#7 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 25 August 2012 - 02:31 PM

MAHALAGANG RAGAY UKOl SA BUHAY AT KAMATAYAN

Ang paksa ay hindi isang pagaaral lamang o isang bagay na nauukol doon sa maibigin sa pagtatalo ukol sa religion kundi isang mahalagang bagay tungkol sa buhay ot kamatayan doon sa mga sumasaliksik ng kaligtasan. Ang katanungan na kung mahalaga ang pagsasaliksik ng katotohanon ay masasagot lamang sa pamamagitan ng saligan ng walang hanggang alituntunin na nahayag sa Biblia. Ang alituntunin na pinagsasaligan ng ating paglapit sa Dios ay walang hanggan.

Sa ika-sampong kabanata ng aklat ng Levitico ay may ulat tungkol sa dalawang tao na tinalikdan ang alituntunin at sila’y kapua napahamak. Si Nadab at si Abiu ay mga saserdote ng Panginoon sa panahon ni Moses at ang kanilang buhay ay nasa pamamahala ng kautusan ng Dios ayon sa Kaniyang pagsamba. Sabi ng ulatt:

“At si Nadab at si Abiu, na mga anak ni Aaron, ay kumuha ang bawa’t isa sa kanila ng kanikaniyang suuban, at sinidlan nila ng apoy, at pinatungan ng kamangyan, at sila’y naghandog sa harap ng Panginoon ng ibang apoy na hindi iniutos niya sa kanila. At sa harap ng Panginoon ay may lumabas na apoy, at sinupok sila; at namatay sila sa harap ng Panginoon. Nang magkagayo’y sinabi ni Moses kay Aaron, Ito ang sioalita ng Panginoon, na sinasabi, Ako’y babanalin ng mga lumalapit sa akin, at sa harap ng boong bayan ay luluwaihatiin ako” Levitico 10:1-3


Sa mga saserdoteng ito ay may karapatang magalay ng kamanyang sa harap ng Panginoon, subali’t sa tunay na paraan. Lumalabas sa kasaysayan na ang dalawang saserdote ay sinuway ang utos ng Dios na magalay ng banal na apoy na mula sa altar ng Panginoon.

Maaaring dahil sa pagpapabaya, o sa pagwawalang bahala o tuwirang pogsuway-subali’t tinanggihan ng Dios ang kanilang pagsamba snpagka’t mali. Ang ginawa nila’y may kabanalan subali’t hindi katanggap-tanggap sa Dios sapagka’t hindi Niya ipinagutos. Ang mga iba ay nagsasabi na ang maling paraan ay dapat pagpaumanhin kung ang nilalayon ay tama-yaong mga alinlangang paraan ay padadakiiain kung ang wakas ay mabuti. Nguni’t hindi totoo kung sa panig ng pagsamba sa Dios. Ang kasaysayan na ito ay inihayag at hinahatulan ang hinala na ang wakas ay binibigyan ng matuwid na paraan. Ipinakikita na ang Dios ay hindi ipagwawalang bahala ang mga kinathang paraan ng tao sa pagsamba sa Kaniyang harapan. Maaaring ikalugod ng ating sarili subali’t hindi kalugod-lugod sa Dios. Paulit-ulit na itinuturo ng Biblia na ang katotohanan ay hindi maisusulong sa pamamagitan ng maling kaparaanan o sasalig sa bulok na batayan. Hindi mo maaaring sambahin ang Dios sa pamamagitan ng pagsuway sa Kaniyang mga utos. Totoong malaya tayo sa kautusang yaon, na pinamahalaan ang mga gawain ng mga saserdoteng Judio, nguni’t mayroon din namang mga utos na nanatili at bumibigkis na ipinagkaloob sa atin tungkol sa pagharap sa Dios at sa pagsamba sa Kaniya. Hindi natin maluluwolhati ang Dios sa pamamagitan ng pagwawalang bahala sa Koniyang kalooban-gayon din si Nadab at Abiu.

Hindi kasiya-siya na lumapit sa Kaniya ngayon na may ibang apoy gayon din noon. Ang Dios ay hindi nagbabago sa kalikasan at panukala. Yaong tumatayo sa Kaniyang harapan sa pagsamba ay yaong nagmamalasakit na magsaliksik ng tungkol sa Kaniyang kalooban at yaong may pagnanasa na gumawa at sumunod sa Kaniyang selita. Ang matandang alituntunin na binanggit ni Moses kay Aaron ay nanatiling totoo;

“Ako’y babanalin ng mga lumalapit sa akin, at sa harap ng boong bayan ay luluwalhatiin ako”


Kung luluwalhatiin ang Dios, kinakailangan na Siya’y sundin. Kung anomang iglesia na magakay sa mga tao sa paniniwala na ang salita ng Dios ay hindi mapagkakatiwalaan o ang. Kaniyang mga utos ay iwawalang bahala, o yaon ay isang bag’ay ng pagpili ng paniniwalang mga pangunahing aral, ay tiyak na mali sapagka’t sa huling pagsusuri ay nagtuturo ng pagsuway sa mga salita ng Dios. Hindi makabubuting makiusap na tayo’y makayag sa mali ng ibang mga tao. Sa kataastaasang hukuman ng langit ito’y hindi katanggap-tanggap na pagtatanggol. Sinabi ni Jesus,

“... At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapua sila mangahuhulog sa hukay” Mateo 15:14


Hindi mabuting igiit yaong mga itinuro sa atin ng mga sanay at matatalinong tao kung ano ang ating dapat paniwalaan at kung ano ang dapat nating gawin. Ang pagsubok ay hindi sa katalinuhan kundi sa katotohanan na sukat sa salita ng Dios. Ang ginawang religion ng tao ay hindi kapalit ng religion ng Dios, gayon man katalino Pinaliwanag ito ni Jesus ng gamitin niya ang salita ng mga propeta at pinatibay ang kahulugan bilang babala laban sa religion gawa ng tao:

“Datapua’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao” Mateo 15:9


Hindi ito nawawala sa laganap na katuruan ngayon. May mga tao, iginagalang na tagapagturo sa sangkacristianuhan ngayon, na ikinakaila ang katuruan ng Biblia ukol sa Dios at sa Kaniyang panukala, na hindi itinuturo ang pagkabuhay na maguli ni Jesucristo, na pinag-aalinlanganan ang kapamahalaan ng salita ng Dios, at minamaliit ang Kaniyang kautusan. Ang aral dito ay ang hindi tayo dapat na maakit sa katalinuhan ng pala-aral. Dapat nating pasalamatan kung ng karunungan ay tapat sa salita ng Dios at makatutulong sa mabuting pangunawa, datapua’t hindi pinahihiwatig ng Biblia na ang katalinuhan ng tao ay katiyakan sa kaalamang pang Dios. Ang kabaligtaran ang sinabi sa atin na ang katotohanan ay nahahayag sa mapakumbaba at may pagsisising loob.

#8 Resource Manager

Resource Manager

    Forum Management

  • Administrators
  • 13,660 posts

Posted 25 August 2012 - 02:32 PM

HULING PAKSA

Mayroong mga ilan ang sumunod sa aral at tiningnang mainam ang kanilang religion at sinubok ito sa pamamagitan ng salita ng Dios—at sila’y namangha sa kanilang napagalaman na ang kanilang pinaniniwalaan sa buong buhay ay hindi totoo. Ito ang karanasan ng sumulat nito. Sa gayong kaparaanan ay nalantad ang maling aral ng walang hanggang buhay ng kaluluwa (immortality of the soul) at ang mga kaugnay na pala-palagay tungkol sa kahihinatnan ng kaluluwa pagkamatay. Ito’y nakapagpapalaya sa mga aral tungkol sa demonyo at sa diablo at ng walang katawang espiritu at sa halip ay nakapagbigay liwanag sa tunay na kahalagahan ng pagkabuhay na maguli na siyang paraan ng kaligtasan, sa pangalawang pagbabalik ni Jesus bilang hari sa buong iupa. Ito’y nagbibigay ng kaliwanagan at kaunawaan tungkol sa kaharian ng Dios-isang kaalaman na ito’y isang literal na kaharian na itatatag sa ibabaw ng lupa, sa lahat ng dako kung saan ang kaharian ng tao ay gumuguhu sa kabulukan. Ito’y nagbubukas ng pagasa ng buhay na walang hanggan, isang buhay na walang kamatayan na kahanga-hangang makakasama ni Cristo sa kaharian ng Dios. Nagbibigay diin ng isang pananalig na ang isa sa pinaka kapita-pitagang utos ng Panginoon ay hindi nasunod — ang bautismo. Sa kaunawaan ng aral tungkol sa bautismo ayon sa Biblia, lumilitaw na ang nakaraang bautismo na pagwiwisik ng tubig sa mga sanggol ay hindi ayon sa gawain at katuruan ng Biblia. Ang salita ng Dios ay pinaliliwanag na ang bautismo ay isang gawa ng pagsunod bilang bunga ng paniniwala at pananampalataya—isang kusang loob na paglilibing sa tubig bilang tanda ng kamatayan sa dating buhay sa pananampalataya at pagsunod. Kaya’t ang salita ng Dios ay nagdudulot ng kaliwanagan sa pagiisip, pagsisisi sa puso at sa wakas ay pinalalakas ang kalooban.

Sa mga unang araw ng iglesia, ang mga apostol at mga dicipulo ng Panginoon ay dumanas ng hirap at sakit upang maipangaral at mapanatili ang isang katangi-tanging pamamaraan ng katotohanan at isang katangi-tanging daan ng buhay. Ang iba sa kanila ay pinagbabato, ginulpi, ginutom at inilantad sa panganib at tuluyang pinagpapatay. Tiniis nilang lahat ito sapagka’t naniniwala sila na ang lahat ng kanilang ipinahayag ay napakahalaga. Sa mga kataga ni Pedra,

“... Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao.” Gawa 5:29


Kung walang bagay anoman ang ating paniniwalaan o sinoman ang ating sasambahin, samakatuwid ay nagkamali sila sa kanilang pagsusumigasig sa pangangaral ng katotohanan sa lahat ng paraan. Kung inalintana nilang mapagaan ang hamon ng evangelio, di’sinsana’y tiyak na maiiwasan nila ang poot ng mga maykapangyarihan—isang maginhawang evangelio na nangangailangan lamang ng pagiging kapitapitagan at tiyak na sila’y tatanggaping malugod na may pagdiriwang. Ang kanilang mahigpit na pagpapatibay sa payak na salita ng Dios at sa kadalisayan ng katotohanan ay isang walang hanggang hamon sa lahing ito at sa iba na ang pagwawalang bahala ay kaakit-akit kay sa paniniwala o matibay na pananalig.

Isang Biblia — maraming iglesia. Wala bang anomang bagay kahima’t alin? Sa huling pagsusuri, ang kasagutan ay batay sa hinaharap ng nagtatanong. Kung ang hanap ay isang pakikipagkaibigan, ang kapayapaan ng pagiisip dulot ng pagdalo sa sambahan o sa kaluguran ng paniniwala na dapat sumamba kahima’t saan — kung gayon ang kasagutan ay HINDI, maaaring walang anomang bagay. Ang kasagutan ay OO, kung ang hanap ay buhay na walang hanggan, at ang uri ng pagsamba ay katanggap-tanggap sa Dios. Kung naunawaang mabuti, ang tanong ay napakadali sapagka’t buhay ng iba ang ipinagsasapalaran.

WAKAS

Salin sa wikang Tagalog mula sa

ONE BIBLE - MANY CHURCHES – DOES IT MATTER?

by Dennis Gillett

http://www.acbm.org.au/

http://www.acbm.org....ion/philippines

Attached File  IsangBibliaMaramingIglesia.pdf   78.25KB   220 downloads




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users