Jump to content

Ang Panukala Ng Dios Sa Tao


Recommended Posts

AngPanukala.jpg

 

Ang Panukala Ng Dios Sa Tao

 

SA MGA MAMBABASA ...

 

Naniniwala kami na sa mga tiyak na pangunahing simulain na napapaloob sa Panukalang Kaligtasan ng Dios at maliwanag na nahayag sa Kaniyang Walang Pagkakamaling Salita— ang Biblia.

 

Kaya’t aming inihahabilm ang mga sumusunod na pahina sa inyong masikap na pansin, sa panihiwala na sa pagtalima “Ang Katotohanan ay magpapalaya sa inyo.” Juan 8:32

______________

 

ANG PANUKALA NG DIOS SA TAO

 

1. ISANG KAHIYA-HIYANG KATANUNGAN

 

“Ano, sa palagay ng Hurado, ang layunin ng pananatili ng tao?”

 

Ito ang katanungan sa isang lupon ng mga matatalino at matataas na tao. At sapagka’t ang katanungan ay napakahalaga at pangbatayan, inaasahan ang kasagutan ng lupon na may tiwala at matibay na paniniwala o inaasahan silang lahat na may isang kasagutan subali’t may pagkakaiba lamang sa pagpapahayag at pagbibigay diin. Subali’t hindi gayon ang nangyari, at ang karamihan ay nagtapat na ang katanungan ay nagdulot ng kahihiyan sa kanila. Maliwanag na hindi nila nauunawaan ang layunin ng buhay ng tao.

 

Bagama’t ang mga taong ito ay mga bantog at matatalino, hindi nila masagot ang napakahalagang katanungan, ang dahilan ng kanilang sariling pananatili.

 

Ito ang katotohanan ng karamihan ng mga tao. Hindi nila nalalaman sa pangkaraniwan kung ano ang kanilang ipalalagay na gagawin sa kanilang mga buhay.

 

Ang tao ay isang lubhang matalinong linikha. Siya ay gumawa ng maraming mahuhusay na mga imbensiyon gaya ng mga “computer, space capsule, radio telescope, helicopter, nuclear submarines”, at mga iba pa. Ang tao, na gumawa ng mga kahanga-hangang mga bagay ay lalong kahanga-hanga kay sa kaniyang mga imbensiyon na pinagsamasama. Ang mga bunga ng pagiisip ng tao ay may hangad na gumanap ng layunin - mga layunin na tiyakang inihahayag sa kanilang ginagawa at karaniwan ang mga layuning ito ay nagaganap. Subali’t ang tao sa kaniyang sarili, ang dalubhasa na lumikha ng mga kahanga-hangang mga imbensiyong ito, ay hindi nalalaman ang pakay na kaniyang hinahangad na gaganapin. Hindi niya nalalaman kung paano ang pagamit ng kaniyang sariling buhay. Gaya siya ng isang sasakyang dagat na walang timon at pinaghahampasan sa mabagyong dagat.

Link to comment
Share on other sites

  • 2 weeks later...

ISANG KAKATWANG PAGHAHALO

 

Sa ilang paraan ang tao ay halos katulad ng ibang mga hayop, at sa ibang paraan siya ay lubhang kakaiba. Gaya ng ibang mga hayop ang tao ay ipinanganganak, humihinga, kumakain, dumudumi, gumagalaw, natutulog, nanganganak, namamatay.

 

Subali’t sa lubos na kapangyarihan ng pagiisip siya ay nakatayong nagiisa. Ang utak na namamahala sa kaniyang gawain ay may kakayahan din na magdala sa kaniya sa buwan. Ang agwat ng kaniyang malasakit at mga gawain ay lubhang nakalilito. Ang utak na lumikha ng “silico chips” at “neutron bombs” ay may kakayahan ding maglibang sa sarili sa pamamagitan ng pagsulat ng tulain, gumuhit ng mga larawan, at gumawa ng mga awitin.

 

Anong pagkakatwa at anong pagkakalungkot, na sa kaniyang katalinuhan, ang tao ay isang walang kasiyahang linikha. Lubos na may kasiyahan pa ang mga hayop.

 

Subali’t ang tao sa kaniyang sarili ay matakaw, malupit, palalo at mapagmataas. Punong-puno ng pagpipigil at kagusutan, siya ay habang panahong nagsusumikap na magkamit ng sariling kaganapan na umiiwas sa kaniya. Wala siyang kapayapaan sa kaniyang sarili at sa kaniyang kapaligiran.

 

ANG ATUBILING MANLALABAN

 

Wala sa kapayapaan! Simula ng patayin ni Cain ang kaniyang kapatid na si Abel, ang mga tao ay laging nakikipagdigma sa kapwa. Ang pagsusumikap ng tao ng boong lakas at pagpupunyagi ay makikita sa paglipol ng kanilang kapwa.

 

Gayon ma’y ang tao ay paulit-ulit na nagpapahayag ng kanilang kapootan sa digmaan subali’t nakikipagdigma ng lubusan at walang pag-aatubi|i. Ang kanilang pagtutol ay hindi sila gagawa ng ano mang pangunguna at pagsalakay, ang kanilang tanging pananagutan ay sa pegtatanggol, pagtustus, magpalaya. Kakatwa na ang ganitong uri ng propaganda ay nagmumula sa magkabilang panig kung ang mga bansa ay nasa pakikipagdigma.

 

Tunay bang kinapopootan ng tao ang digmaan? Ang mga digmaan ay lubhang magastos: iyon ay gumagambala, gumugulo, at lumilipol: iyon ay nagdudulot ng pangungulila, kasalatan at pagkabagabag. Tunay na ang mga tao ay may katwiran na kapootan ang digmaan.

 

Ano ngayon ang kamalian? Ang mga tao ba ay baliw? Bagama’t sila ay tumututol na may maliwanag na katapatan, na napopoot sila sa digmaan, gayon ma’y patuloy sila ng pakikidigma sila-sila. Kung sila ay napopoot sa digmaan bakit hindi nila gawin ang huminto sa pakikipagdigma? Ang malungkot na katotohanan ay hindi sila makahinto sa pakikipaglaban. Tila may bahid ng kasamaan o kabaliwan sa kalikasan ng tao na nagtataboy sa kaniya ng walang hupa, gaya ng mga baboy sa Gadarene, sa kanilang pagkalipol.

 

Anong pagkabalintuna na ang mga maningning na imbensiyon ng tao ay magdudulot ng lubos na kalungkutan! Napakabisa na ginagamit niya ang mga imbensiyon sa kaniyang mga layunin sa pagpuksa na karaniwang gina-gawa ng kaniyang maigsi at walang katiyakang buhay na lalong maigsi at lalong walang katiyakan, gaya ng una. Salamat sa likas na kadalubhasaan ng tao sa mga imbeniyon na ang wakas ng makabagong kabihasnan ay nasa paningin. Binabalangkas ng tao ang kaniyang sariling pagkakapuksa. Bagama’t siya’y matalinong nilikha, ang tao’y kulang sa karunungan.

 

Dalawang katanungan ang nangangailangan ng madaliang kasagutan:

 

1. Ano ang layunin ng pananatili ng tao?

 

2. Ano ang naging kamalian ng tao?

Link to comment
Share on other sites

2. ANG LAYUNIN NG PANANATILI NG TAO

 

Sa pasimula ...

 

“Ng pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.”

(Genesis 1:1)

 

Angkop na angkop na ang unang talata sa Biblia ay maghayag ng unang katotohanan: Dios ang Manglalalang ng langit at lupa. Totoo, gaya ng sinasabi ng salaysay sa Genesis, na ang Dios din ang Manglalalang ng lahat ng mga bagay sa lupa, pati ng tao.

 

Kung ang Dios ay hindi ang Manglalalang. Siya ay hindi ang Dios, at ang iba pa sa Biblia ay walang kaugnayan. Subali’t sapagka’t ang Dios ay Manglalalang, ang iba pa sa Bibilia - ang mensahe ng Dios sa tao ay napakahalagang kahayagan. Sa pamamagitan ng Kasulatan ang Manglalalang ay nakikipagugnayan sa Kaniyang mga linikha.

 

Sapagka’t nilalang ng Dios ang lahat ng mga bagay, Siya ay nagaari ng lahat ng mga bagay. Ang Dios ay Panginoon ng Kaniyang nilikha: naroroon upang paglingkuran Siya at magkaloob sa Kaniya ng kaluguran. Sa mga kataga ng Kasulatan: “nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha”

(Apocalipsis 4:11)

 

Ang tao sa kaniyang sarili ay nilikha ng Dios: samakatuwid ang layunin ng pananatili ng tao ay upang maglingkod sa Dios. Nararapat kilalanin ng tao ang katuwiran ng munkahing ito sapagka’t siya sa kaniyang sarili ay gumagawa din sa gayong batayan. Bagama’t marami at iba-iba ang mga sariling likha ng tao, ginawa niyang lahat iyon sa layunin na paglingkuran ang kaniyang sarili.

 

ANG TADHANA NG TAO

 

Papaano ngayong paglilingkuran ng tao ang Dios? Ang panukala ng Dios ukol sa tao ay maliwanag na itinakda sa Genesis 1:26.

 

“Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa’t umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.”

 

Dalawang hangarin ang inihahayag dito:

 

1. Na ang tao ay nararapat sa ibang paraan ay tumulad sa Dios:

 

2. Na ang tao ay nararapat magkaroon ng pamamahala

 

sa ibabaw ng mga buhay na linikha. Ang tao ay nauukol na pamahalaan ang lupa ukol sa Dios.

 

Isa pang pahiwatig ang ibinigay sa Genesis 2:5. Dito sinasabi na bago lalangin ang tao “wala pang taong magbukid sa lupa.” Samakatuwid ang tao ay magiging magbubukid.

 

Kung pagsasamahin, ang mga kasulatang ito ay nagsasabi sa atin na ang tao, sa ibang mga paraan ay tutulad sa kaniyang Manglalalang; at siya’y magiging tagapagingat at tagapamahala ng lupang ito, titingin sa lahat ng ibang buhay na mga bagay - mga halaman at mga hayop - ukol sa Dios.

 

Malinaw na ang tagumpay ng tao at bunga ng kasayahan ay nababatay sa daan kung paano niyang gaganapin ang mga pananagutang ito.

Link to comment
Share on other sites

ANG PAMAMAHALA Nl ADAN

 

Tingnan kung papaano ito naganap sa Genesis 2. Una nilalang ng Dios ang tao (si Adan): sumunod nagtanim Siya ng isang halamanan: sumunod nilagay Niya ang tao sa loob ng halamanan upang gumanap ng isang layunin:

 

“At kinuha ng Panginoong Dios ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan” (tala -15)

 

Gaganapin ni Adan ang kaniyang tungkulin bilang magbubukid sa pamamagitan ng pagaalaga sa halamanan: at ang pagiingat ng halamanan ay nangangailangan ng pagamit ng kaniyang kapamahalaan sa ibabaw ng mga hayop sa parang. Kapakipakinabang na pansinin na iniharap ng Dios ang lahat ng mga hayop at mga ibon kay Adan upang bigyan siya ng pagkakataon na bigyan sila ng pangalan (Genesis 2:19, 20). Ito’y nagpapahiwatig ng kapamahalaan ng tao sa ibabaw ng ibang mga linalang.

 

Sa pagalaala na ang pangwakas na tadhana ng tao ay upang mamahala sa lupa, ang pamamahala ni Adan sa Eden ay nagpapahiwatig sa ngayon na isang ‘planong patnubayan’ (pilot plan).

 

ANG ATING TUNGKULIN

 

Ang pangwakas na panukala ng Dios - na ang Tao ay maging katulad ng Dios at may pananagutang tagapamahala ng lupang ito - ay saka pa lamang magaganap. Samantala, sa hindi pagpapahalaga sa Dios, sinunggaban ng tao ang pagka-panginoon ng lupa ukol sa kaniyang maka-sariling mga layunin, at sa pamamagitan ng kasakiman at kahangalan ay madaliang sinisira ito. Bagama’t ang mga kautusan ng Dios sa Kaniyang mga tagapanglingkod ngayon ay hindi kinakailangang katulad ng ibinigay kay Adan, isang bagay ang maliwanag: dapat nating tanggapin ang ating mga utos mula sa Dios. Ang ating layunin sa buhay ay sundin ang Kaniyang kalooban. Ito ang maliwanag na inihayag sa bansang Israel:

 

“At, ngayon, Israel, ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi matakot ka sa Panginoon mong Dios, lumakad ka sa lahat ng Kaniyang mga daan, at ibigin mo Siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo.” (Deuteronomio 10.12)

Link to comment
Share on other sites

3. ANO ANG NAGING PAGKAKAMALI?

 

Sl ADAN AT Sl EBA

 

Kung kayo’y isa doon sa mga tao na nagaakala na mga hangal lamang ang naniniwala sa salaysay ng Hardin ng Eden, ang mga kuro-kuro na sumusunod ay maaaring magkaroon ng kapakinabangan sa inyo.

 

Una, isang paalaala ng katotohanan na may kakilakilabot na kamalian sa tao. Sa ilang bagay inihahayag ng tao ang kaniyang sarili na matalino, at sa ilang mga bagay siya ay nagmimistulang tanga. Sa di wastong pagamit ng kaniyang utak siya ay madaliang sumisira sa kaniyang kapaligiran at sa kaniyang sarili.

 

Ang lubos na di makatuwirang asal ng tao ay nangangailangan ng paliwanag. Mayroon bang iyaalok ang mga agham? Kayo sa inyong sarili mayroon? Kungang paliwanag sa Genesis ay tatanggihan, kinakailangang magkaloob ng ilang mga pamimilian.

 

Ang pangalang Adan ay nangangahulugang “mula sa lupa” sapagka’t ang tao ay nilalang mula sa lupa. Hindi ba isang katotohanan na ang lahat ng mga sangkap ng| katawan ng tao ay makikita rin sa lupa? Hindi ba ang mga katagang “sapagka’t ikaw ay alabok, at sa alabok ka uuwi” isang katotohanang paglalarawan na mangyayari kung ang tao ay mamamatay?

 

At anong pinaka-angkop na pangalan kundi Eba (nangangahulugang buhay) sa babae na magiging “ina ng lahat ng nabubuhay?” Subali’t ang mga tao ay malakas na nahihikayat ng pahamak na pangungutya kay sa pamamaghtan ng mabisang pangangatuwiran.

 

Ito ay isang kakila-kilabot na paliwanag sa kasamaan ng tao na halos lahat ng tumatanggi sa salaysay ng Biblia tungkol sa pagkakasala ng tao ay walang kabatiran sa gayong salaysay. Ang kinakailangan lamang ay ang masusing pagbabasa ng Genesis kabanatang 2 at 3. Karamihan sa mga tao ay ayaw maabala, gayon pa ma’y wala silang nakikitang kamalian sa pagtanggi sa Kasulatan na hindi nila pinag-aralan. Tila hindi makaagham na batayan.

 

Karamihan doon sa nangangahas pumuna na hindi nalalaman ang mga katotohanan ay nagaakala na, ayon sa Biblia, ang pagkakasala ng ta’o ay bunga ng pagniniig nina Adan at Eba. Kung nabasa nila ang salaysay, malalaman nila na ito’y hindi ipinahahayag d pinababatid man.

 

Ano ngayon, ano ang sinasabi ng Biblia? Sinasabi ng Biblia na ang babae, si Eba, ay nadaya sa pagkakasala ng isang nilalang na tinatawag na “ang serpiente!” Ang gawa ng pagsuway ay ang pagkain ng bungang pinagbawal -hindi isang mansanas, kundi ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Nang sumuway si Eba sa utos ng Dios, tumuloy sa pagtukso sa kaniyang asawa sa gayon ding gawa ng pagsuway. Kaya’t naging makasalanan sina Adan at Eba at, ayon sa unang babala ng Dios, ay nahatulan ng kamatayan.

 

Isang salita dito tungkol sa serpiente. Napakaliit ang kaalaman na ipinagkaloob ng Genesis, at malimit na haka-haka ay mauuwi sa maling mga pagpapasiya. Ang serpiente ay kumakatawan sa isang matalinong linikha, na nagtataglay ng kapangyarihan ng pananalita. Walang bahid ng nakasusuklam na ahas. Ang serpiente ay hindi magmumukhang tulad ng ahas: ang katotohanang sinumpa ng Dios ang serpiente sa bandang huli na sinasabi, “sa iyong tiyan ikaw ay uusad” ay nagpapahiwatig na ang pagusad sa pamamagitan ng tiya na ugali ng mga ahas ay hindi isang katangian ng serpiente sa Eden sa panahon ng pagsubok kay Eba.

Ang nalalabi ng salaysay ay madaliang sinaysay. Ang gawa ng pagsuway ay nagbunga ng kapinsalaan. Sa ibang paraan binago ang ating unang mga magulang. Ito ay pinahihiwatig sa pamamagitan ng katotohanan na, noong sila ay hubad sila ay walang kahihiyan bago sumuway, sila ay nahiya sa kanilang kahubaran matapos sumalansang. (ihambing ang Genesis 2:25 sa Genesis 3:7) Maging matapos mabihisan ang kanilang sarili, naramdaman nila ang kanilang kahubaran sa harapan ng Dios, at nagtago.

 

Ilang uri ng pagbabago ang naganap sa kanilang pagkatao o sa kanilang kalikasan, at si Adan at si Eba ay kumilos na gaya ng mga taong may budhing makasalanan. At tinuringan sila ng Dios gaya ng mga manghihimagsik, at ipinagtabuyan sa Hardin at hinatulan ng kamatayan.

Link to comment
Share on other sites

“LAHAT SA ILALIM NG PAGKAKASALA”

 

Ang kauri ay nanganganak ng kauri. O sa pananalita ni Job, “Sinong makakakuha ng malinis na bagay sa marumi? wala.” Job 14:4) Si Adan at si Eba ay naging mga magulang ng isang lahi na sumunod sa kanila sa daan ng pagsuway, kasalanan at kamatayan. Sinabi ni Pablo ang buod ng pangyayari:

 

“Kaya kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanah: at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala.” (Roma 5:12)

 

Maaaring may kahalagahan sa katotohanan na, gaya ng kanilang mga unang magulang pagkatapos sumuway, ang sangkatauhan sa buong daigdig ay ikinahihiya ang kahubaran. Maliban sa pinakamalayong gubat sa daigdig, ating aminin ang kalakarang tuntuning ito. Ang katotohanan na, pangkaraniwan, ang mga tao ay ikinahihiya ang kanilang kahubaran ay nangangailangan ng paliwanag. Bakit ang mga tao, di gaya ng ilang nilikha, ay ikinahihiya ang kanilang katutubong kalagayan? Hindi ba ito ay isang pahiwatig na pagamin na may ilang bagay na kamalian sa kanilang likas na kalagayan? Maisa sa walang bahala ba natin ang malinaw na kahayagan na mayroong panahon na ang mga tao ay hindi ikinahihiya ang kahubaran? At iba pang pahayag na, matapos suwayin ang Dios ay nagpasimula ang kahihiyan? Sa paano pa man yaong gawa ng pagsuway ay pinababa ang kalikasan ng tao.

Mula sa una nating mga magulang ay namana natin ang isang kalikasan na malakas ang hilig sa pagkakasala. Ang tumupad sa kautusan ng Dios ay napakahirap, gaya ng umaakyat sa matarik na burol; at ang pagsuway ay napakadali, gaya ng nagpapadausdus pababa sa buroi. Yaong tunay na gumagawa ng pagsusumikap na sumunod sa Dios ay nalalaman kung gaano kahirap ito.

 

Ito ngayon ang paliwanag ng Biblia sa kakatwang kalagayan ng tao. Sa kabila ng kaniyang kahanga-hangang kakayahan - nilalang “sa larawan ng Dios” ayon sa paglalarawan ng Genesis - ang lahi ng tao ay naging isang lahi ng mga makasalanan sa pamamagitan ng pagsuway ng unang tao.

 

Sa Roma 3 ay may paglalarawan ng asal ng tao ayon sa paningin ng Dios:

 

“Judio at mga Grego ... na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan; Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa; Walang nakatatalastas. Walang humahanap sa Dios; Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa; Ang kanilang lalamu-nan ay isang libingang bukas; Nagsisigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila; Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga lahi; Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan; Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo; Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan; At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakikilala; Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng, kanilang mga mata.” (talatang 9-18)

 

Sa pananalitang malumanay, itong sukat ng asal ng tao ay hindi labis na pagpuri. Subali’t tayo ba’y makatututol dito na may katwiran? Ito ay isang paglalarawan ng mga linikha na laging nagsasamantala at pumapatay sa kapwa: na umaalipin sa kanilang kapwa ng dahil sa material na kapakiriabangan at sapagka’t nagbigay sa kanila ng damdamin ng kapangyarihan; na pumuksa sa marami pa; at paghamak ang kanilang pakikitungo sa kanilang Manglalalang.

Link to comment
Share on other sites

4. MAKABAGONG KAISIPAN AT HAKA-HAKA

 

ANG MAGANGKIN NA MAGING CRISTIANO

 

Karamihan sa mga taong tumatanggi sa Genesis ay sapagka’t sila’y nahimok na turingan iyon na hindi makaagham. Hindi nila sinaliksik sa kanilang sarili ni pinagaralan man ang salaysay ng Biblia. Gayon pa man, tila ito’y hindi nila ikinababalisa: sapagka’t na sa kanila na ang “makabagong kaisipan” ay tumanggi sa Genesis. Ang mga tao ay laging handa na pumanig sa pangkat ng makabagong kaisipan: tila hindi nila pinahahalagahan na ang mga kahangalang pilosopo noong unang panahon na tinatanggihan ngayon ay minsang makabago: Kaya nga, kung ang mga bagay ay sumusunod sa karaniwang huwaran, ang namumuno sa pagiisip sa kinabukasan ay kukutyain yaong tinuturing na marurunong ngayon.

 

Ang pinakahidwa sa lahat ay ang mga tao na sumasalungat sa Genesis subali’t nagaangkin na Cristiano. Dalawang talata mula sa Bagong Tipan ang sulat sa taga Roma - pansinin ninyo sa Bagong Tipan! - na nasipi na, na nagkakaloob ng isang matunog na pagayon sa salaysay ng Genesis. Ito bang naghahayag na mga Cristiano na tumatanggi sa Genesis ay tinatanggihan din ang mga salita mula sa Bagong Tipan?

 

At paano ang mga salita ng Tagapagtatag ng Cristianismo, ang Panginoong Jesucristo? Sa pakikipagusap sa mga Fariseo, sinabi niya:

 

“Hindi ba ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula ay nilalang niya na lalake at babae. At sinabi, Dahil dito’y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina; at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa’y magiging isang laman?” (Mateo 19:4,5)

 

Isang napakahalagang talata ito! Ang Panginoong Jesus ay sumisipi ng dalawang talata mula sa Gensis, hindi isa gaya ng akala ng iba. Ang mga salita tungkol sa paglikha ng lalake at babae ay mula sa Genesis 1:27, at yaong tungkol sa pagiwan ng ama at ina upang makisama sa asawa ay mula sa Genesis 2:24. Napakalinaw na pinaniniwalaan ng Panginoong Jesus ang Genesis 1 at 2. Napakalinaw din naman na iniisip niya na nalalaman ng nagtatanong sa kaniya ang may kapamahalaang turo ng mga kabanatang ito at isinaalangalang ito.

 

Ang pamagat na “Cristiano” ba ay tunay na nangangahulugan na tagasunod ni Cristo? Pinaniwalaan ni Jesucristo ang Genesis at tunay na kakatwa na mag-angking kaniyang tagasunod at gayon ma’y tanggihan ang kaniyang pinaniniwalaan at ipinalalagay na gayon din kahalaga.

 

Karaniwang pinagtatalunan na ang “Evolution” ay isang maka-agham na pangangatuwiran tungkol sa pinagmulan ng buhay na pinasisinungalingan ang salaysay ng paglikha sa Genesis. Maliban sa ibang mga hangganan, ang “Evolution ay walang paliwanag sa walang matuwid na asal ng pinakamataas at “pinakamatagumpay” na anyo ng buhay, na ayon sa haka-haka ay doon nagmula.

 

Oo, hindi dapat malimutan na, sa pagamin ng mga “evolutionists” sa kanilang sarili, ang “Evolution” ay isang haka-haka. Ang haka-haka ay isang bagay na hindi mapapatunayan. Yaong nagsasabi na ang Genesis ay hindi maka-agham sapagka’t naiiba sa isang haka-haka (bagama’t tinututulan ng ilan) ay sa kanilang sarili ay hindi maka-agham.

Link to comment
Share on other sites

HUMIWALAY SA DIOS

 

Magtapatan tayo. Ang “evolution” ay hindi makatigan sapagka’t tinutustusan ng dagsa-dagsang kapani-paniwalang katibayan - ang mga agham ay patuloy na naghahanap pa ng katibayan. Ang haka-haka ay kinakatigan sapagka’t nagbibigay sa tao ng dahilan na kanilang hinahanap upang makahiwalay sa Dios.

 

Natalakay na ang maliwanag na paksa na sapagka’t ang Dios ay Manglalalang, ang Kaniyang salita ay kautusan. Gaya ng tunay na mga anak ni Adan (na kanilang sinasabi ay walang pananatili) ang mga makabagong pilosopo ay nagnanasang makalaya sa pagpipigil sa hikayat ng Dios: upang malayang maglingkod sa sarili at kasalanan. Hindi nila pinahahalagahan na ang kalayaang mula sa Dios, na lumikha sa atin, ay nauunawaan tayo at nalalaman ang mabuti ukol sa atin, ay tiyak na daan sa pagkalito at pagkabigo; kalayaan mula sa Dios ng buhay ay tiyak na daan sa kamatayan.

 

Ang mga “evolutionists” ay ginagamit ang kanilang pagiisip na ipinagkaloob ng Dios upang iwaksi ang Dios sa Kaniyang sangsinukob. Nahikayat nila ang kanilang sarili na ang tao kasama ang kaniyang katalinuhan at ang lahat ng kaniyang ibang mga kakayahan ay nagmula, sa pamamagitan ng kilos ng bulag at mga kamangmangang lakas, mula sa isang bahid ng “protoplasmic jelly” na ang pinagmulan ay hiwaga.

 

Nakita ninyo kung paano nila binaligtad ang tunay na kasaysayan ng unang tao. Ang tao, sinasabi nila, ay nagmula - paakyat mula sa pinakamababang uri hanggang sa kaitaastaasang taluktok ng tagumpay. Sinasabi ng Kasulatan na kabaligtaran ang pangyayari. Sinasabi sa atin na ang tao ay nagsimula sa di karaniwang lakas na kaloob ng Dios upang magtagumpay, subali’t nabigo.

 

Ipinakikita ng asal ng tao na may kakilakilabot na kaliwanagan na tayo ay mula sa bigong lahi. Ang tao ay humiwalay sa Dios, at ang bunga ay ligalig at sariling pagkalipol.

Link to comment
Share on other sites

5. ISANG BAGONG LARAWAN AT ISANG BAGONG LALANG

 

“At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis.” (Genesis 1:26)

 

Hindi natin mapapasimulang unawain kung ano ang wangis ng Dios at ito’y isang walang pakinabang na pagsasanay kung ito’y pagsusumikapang tangkain. Ang Dios ay pinagbawalan ang mga Israelita sa pagawa ng mga larawan Niya, at tayo’y hindi nararapat na lumikha sa isipan ng larawan ng Dios. Ano mang larawan ng Dios na lilikhain ng tao ay tiyak na walang pagasang may kakapusan at hindi tumpak, maging ito’y gawa sa kahoy, bato o metal, o maging hinubog sa pagiisip. Ang gayong mga larawan ay walang alinglangang mga tugmang larawan ng mga litong pagiisip ng mga mangagawa ng larawan, subali’t iyon ay isang paghamak sa Manglalalang.

 

May ibang katuwiran kung bakit pinagbawalan ng Dios ang mga tao sa paggawa ng Iarawan Niya. Ito’y sapagka’t hinangad ng Dios sa Kaniyang sarili na lumikha ng Kaniyang sariling larawan - “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis.” Angkop na angkop, ang Buhay na Dios ay lalalang ng isang buhay na larawan ng Kaniyang sarili. At iyong magiging buhay na larawan ay ang tao!

 

Papaano ba ang tao upang maging larawan ng Dios? Malinaw na ang diin ay sa paguugali at sa katangian at hindi sa pangkatawang wangis. Laging hinahadlangan ng Dios ang mga tao upang mabahala sa kanilang sarili tungkol sa Kaniyang anyo. Sa paguugali ang tao ay magiging gaya ng Dios. Ang paguugali ay tumutubo at hindi dagliang ginagawa, at si Adan ay pinagkalooban ng pagkakataon upang palaguin ang kaniyang ugali sa ilalim ng pagkalinga ng Dios, at magiging ama ng isang bayan na maka-Dios at tulad ng Dios.

 

Gayon pa man, ng dahil sa pagsuway ni Adan, ang banal na larawan na kinakailangan niyang palaguin ay nasira at ang nilalang na tao ay gumuho.

Ang Dios sa ganitong pagkakataon, ay maaaring siraing madalian sina Adan at Eba at lumikha ng isang bagong masunuring lahi. Kung sa atin iiwan ang paggawa ng isang kapasiyahan sa kahambing na mga pangyayari, tiyak na magpapasiya tayo ng ganito. Gaano ang ating pagsisisi kung tayo’y pumapatay ng mga hayop na sumisira ng ating mga halaman?

 

Bagama’t hindi pinuksa ng Dios ang sangkatauhan sa isang hagod, sa kasabihan, tinupad Niya ang Kanyang babala at hinatulan si Adan ng kamatayan: Sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.” Subali’t ang hatol na kamatayan ay hindi pinatupad agad-agad. Mayroong panahon at pagkakataon upang magparami, at bagama’t ang unang tao ay mamamatay sa wakas, ang lahi ay patuloy. Sunod-sunod na lahi na sumunod kay Adan ay nagbalik sa alabok: gayon pa man ang lahi ay nananatili hanggang sa araw na ito.

 

Kaya nga, ang isang bagong larawan ng Dios ay kinakailangan upang maging batayan ng isang bagong linikha. Sa ganitong pagkakataon, sa karunungan at kahabagan, ang Dios ay gumawa ng isang paraan na Dios lamang ang makagagawa. Siya ay lumalang ng bagong linikha mula sa luma.

 

ANG BINHI NG BABAE

 

Sa gayon ding kabanata na nagsasabi ng kapahamakan ng tao, may sumisinag na isang mensahe ng pagasa. Sinabi ng Dios sa serpiente

 

“At papagalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog sa iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.”

(Genesis 3:15)

 

Mayroong mga malalalim na karunungan sa talatang ito na hindi natin tatalakayin sa ngayon. Gayon pa man, mabubuod natin ang mensahe bilang isang pangako at isang hula na ang tinatawag na binhi ng babae ay sa wakas lilipulin ang kapangyarihan ng kasalanan.

 

Ang isang katanungan na nangangailangan ng kasagutan ay: bakit ang binhi ng babae? Bakit hindi ang binhi ng lalake? o ang binhi ng lalake at babae? Mayroon bang pahiwatig sa pahayag na ito na ang babae ay lalong kailangan sa paglabas ng “binhing” ito kay sa lalake? O ilagay sa kabaligtaran, ipinahihiwatig ba na hindi gaano ang pagkakasangkot ng lalake?

Link to comment
Share on other sites

ANG BINHI Nl ABRAHAM AT DAVID

 

Mayroong ilang mga mahahalagang hula tungkol sa “Binhi” sa Lumang Tipan, at lahat ng iyon ay humuhula sa pagdating ng isang tao na sa ilang paraan, ay magiging isang bagong larawan ng Dios at ang pasimula ng isang bagong linikha.

 

Kay Abraham sinabi ng Dios:

 

“At pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng mga bansa sa lupa”.

(Genesis 22:18)

 

Hanggang sa kapanahunan ni Abraham, ang kasaysayan ng tao ay bantog sa mga sumpa - ang sumpa kay Adan, ang sumpa kay Cain, ang sumpa tungkol sa babae, ang sumpa kay Canaan, ang sumpa sa Babel. Narito, sa wakas, ang lunas. Ang binhi ni Abraham ay magdudulot ng pagpapala sa sangkatauhan.

 

Nangako ang Dios kay David:

 

“At mangyayari, pagka ang iyohg mga araw ay nalubos na ikaw ay nararapat yumaon na makakasama ng iyong mga magulang, na aking patatatagin ang iyong binhi pagkamatay mo, na magiging sa iyong mga anak; at aking itatatag ang kaniyang kaharian. Kaniyang ipagta-tayo ako ng isang bahay at aking itatatag ang kaniyang luklukan magpakailan man, Ako’y magiging kaniyang ama, at siya’y magiging aking anak ...

(1 Cronica 17:11-13)

 

Mayroong mga ilang mahahalagang palatandaah sa talatang ito. Bagama’t siya ay binhi ni Abraham, ang taong ito ay magiging isang supling ni David. Nakatakda rin siyang maging isang Dakilang hari, at - ang pinakamahalaga sa lahat - inangkin ng Dios sa ilang matatanging bagay Siya ay magiging kaniyang Ama.

 

Sa patuloy na pagdako natin sa lumang Tipan, makakatuklas tayo ng iba at iba pang mga hula tungkol sa pinangakong Binhi. Awit 72, Awit 89, Isaias 9, Isaias 11 ang talaan ay mahaba at sa pamamagitan ng pinakamalinaw na sagisag ang mga banggit ay umuukol lahat sa gayon ding dakilang tao.

 

ANG TAO

 

Ang kaunaunahang talata sa Bagong tipan ay tumutukoy sa Tao:

 

“Ang aklat ng lahi ni Jesucristo, na anak ni David, na anak ni Abraham.”

(Mateo 1:1)

 

Si Jesucristo - isang supling ni David at Abraham: Oo, iyon ang nagpapatunay! Ang Panginoong Jesus ay ipinakilala sa atin bilang Ang Binhi na nakatakdang gumanap ng mga tipan ng Dios sa mga magulang. Magdudulot siya ng pagpapala sa sinumpang sangkatauhan: siya’y magiging isang dakilang hari.

 

Subali’t ano yaong kakatwang pahayag na “binhi ng babae?” At ano yaong pangako ng Dios: “Ako’y Kaniyang magiging ama, at siya ay magiging aking anak?” Kung pagsasamahin ang dalawang pangakong ito ay naghahayag ng katotohanan tungkol sa kapanganakan ng Panginoong Jesucristo. Siya ay tinatawag na “binhi ng babae” sapagka’t wala siyang makataong ama: ang paglilihi ay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, tinatawag sa mga kasulatan na Espiritu Santo. Kaya ang Panginoong Jesus ay, sa bukod tanging unawa, ang Anak ng Dios.

 

Sinaysay na muli ni Lucas ang mga salita ng anghel kay Maria, ang ina ng Panginoong Jesus, kung papaano magaganap ang kapanganakan:

 

“At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak at tatawaging Anak ng Dios.”

(Lucas 1:35)

 

Punahin ang bisa ng katagang “kaya’t”! Sapagka’t sa pamamagitan ng kahima-himalang kapanganakan na nasangkot ang Dios (hindi ang tao), na si Jesus ay ang Anak ng Dios.

 

Samakatuwid si Jesus ay isang bagong nilalang. Subali’t siya’y nilikha mula sa lumang nilalang. Sa pamamagitan niya, ang panukala ng Dios sa tao ay unti-unti at tiyak na magaganap.

Link to comment
Share on other sites

6. Sl JESUCRISTO - ANG BUHAY NA LARAWAN NG DIOS

 

Sa kaniyang sulat sa taga Colosas, sinabi ni Apostol Pablo:

 

“(si Jesucristo) ang larawan ng Dios na di nakikita: ang panganay ng lahat ng mga nilalang.”

(1:15)

 

Isang kahanga-hangang talata ito! Ang Panginoong Jesucristo ay ang nararapat na maging kaganapan ni Adan. Si Adan ay nararapat na maging larawan ng Dios, at siya ang nararapat na pasimula ng paglikha ng tao na mawangis sa larawan ng Dios. Subali’t ng dahil sa pagsuway, ang larawan ay nasira at ang linikha ay gumuho. Gayon pa man, ng dahil sa kahima-himalang pamamagitan ng Dios, isang bagong larawan ng Dios ay nalalang mula sa lahi ni Adan; ang pasimula ng bagong nilalang. Anong kahalagahan na ang Panginoong Jesus ay maturingan sa mga katagang nararapat tumukoy kay Adan, kung hindi dahil sa kaniyang pagsuway. Tunay, si Jesus ay tinawag na “ang huling Adan” sa 1 Corinto 15:45.

 

Si Jesus ay tulad ni Adan sapagka’t sa taglay na kahanga-hangang kakayahan at sapagka’t siya ang una sa karamihan, ang pasimula ng isang paglalang. Subali’t sa ilang tiyak na mahahalagang bagay siya ay hindi tulad ni Adan - sa katotohanan, ang pinaka kabaligtaran. Hindi siya sumuko sa tukso: ang kaniyang pagsunod sa kalooban ng Ama ay lubos.

 

Ang Panginoong Jesus ay isang tunay na larawan ng kaniyang Ama. Ito ang ilan sa mga kahayagan sa Bagong Tipan ng mahahalagang katotohanang ito:

 

“Walang taong nakakitakailan man sa Dios: ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kaniya.”

(Juan 1:18)

 

“ ... ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama ... ”

Uuan 14:9)

 

“Palibhasa’y siyang (ang Anak ng Dios) sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios”

(Hebreo 1:3)

 

Sa pagmamasid sa buhay ng Panginoong Jesus, ang mga tao ay matututuhan kung ano ang katulad ng kaniyang Ama. Ang kaniyang pagibig sa katuwiran, ang kaniyang kapootan sa kasalarian, ang kaniyang pagkakasuklam sa pagkukunwan, ang kaniyang matinding pagkahabag, ang kaniyang pagibig sa balisang sangkatauhan, ang kaniyang kaloobang gumawa ng pagpapakasakit - ang mga katangiang ito ng Panginoong Jesus ay siya ring katangian ng Dios, na kaniyang Ama. Bagama’t Tao si Jesus, siya ang kinatawan ng Dios at inihayag ang Dios.

Link to comment
Share on other sites

TUMUTULAD SA LARAWAN

 

Ang Panginoong Jesus ay ang ulo ng bagong nilalang. Ang lahat ng tao ay nagsimula bilang mga anak ni Adan. Sa pagamit ng kahayagan ng kasulatan, sila ay “kay Adan”. Sumusunod sila kay Adan, na kanilang ama, sa daart ng pagsuway, kasalanan at kamatayan. Gayon pa man, sila’y inaanyayahan upang putulin ang kanilang kaugnayan kay Adan at sumunod sa Panginoong Jesucristo sa daan ng pagsunod, katuwiran at buhay. Sa paghahayag sa ibang paraan, sila ay inaanyayahan (Roma 8:29) na “maging katulad ng larawan” ng Kaniyang Anak. Yaong mga naging katulad ng Panginoong Jesus - bagama’t sa isang maliit na bagay - ay matutulad din gaya ng sarili ng Dios. Kaya ang pangwakas na panukala sa bagong nilalang ay naganap at ang tao ay nilalang sa larawan ng Dios.

 

Pagtulad sa larawan ng Anak ng Dios: ito’y nangangailangan ng isang madulang pagbabago. Hindi lamang ito isang bagay na sasabihin na siya ayisang Cristiano, bagama’t mahalaga ang katapatan sa isang namumuno. O ito’y isang pangkaraniwang bagay na nabautismuhan kav Cristo, bagama’t napakahalaga ang bautismo sa kaligtasan. Ang buong pamamahala ng buhay ng tao ay kinakailangang magbago. Ang kataga sa Biblia nito ay pagsisisi.

 

Sa Colosas 3 ay ipinakikita ni Pablo ang lubos na kaibahan ng sa pagitan niyaong nasa kay Adan at yaong nasa kay Cristo:

 

“Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya’y pagsamba sa dios-diosan ... Datapuwa’t ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito: galit, kapootan, paghihinala, panunungayaw, mga salitang kahalayhalay na mula sa inyong bibig. Huwag kayong mangagbulaan sa isa’t isa ... Mangagbihis nga kayo ... ng isang pusong mahabagin, ng kagandahang loob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod ...”

(talatang 5-12)

 

Hindi katakataka na sabihin ni Pablo sa mga taga Corinto “Kaya’t kung sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na: narito sila’y pawang naging mga bago. Datepuwa’t ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagsundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo.” (2 Corinto 5:17:18)

 

Ang tawag ni Cristo ay isang panukaw na paghamon.

Link to comment
Share on other sites

7. ANG PANUKALA NG DIOS SA KANIYANG BAYAN

 

Maging maliwanag tayo sa isang bagay: ang Dios lamang ang makapagliligtas sa atin. Kaya’t kinakailangan makipagtulungan tayo sa Dios. Nararapat nating kilalanin ang ating pagkaaba bilang mga anak ni Adan, at hangaan-ang kagandahang ugali ni Cristo. Kinakailangan tayo na kusang pailalim sa Dios sa pagawa Niya ng Kaniyang panukala sa ating mga buhay. Ang Panginoong Jesus ay hindi niya binangon ang kaniyang sarili mula sa patay - gawa iyon ng kaniyang Ama: at ito rin ang Dios na magbabangon sa mga mananampalataya sa isang panibagong buhay na inihahambing sa Kasulatan sa pagkabuhay ria maguli ng Panginopn:

 

“Ngayon ang Dios ng kapayapaan na muling nagdala mula sa mga patay sa dakilang pastor ng mga tupa sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga’y ang Panginoon nating Jesus. Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa bawa’t mabuting gawa upang gawin ang kaniyang kalooban, na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesucristo.”

(Hebreo 13:20, 21)

 

May dalawang bahagi sa pagbabago na ang mga anak ni Adan ay maging mga anak ng Dios. Una, na natalakay na natin, ang pagiisip at ugali ay nararapat na magbago. Yaong mga sumusunod kay Cristo ay nararapat magsimula sa pamamagitan ng pagiisip at mamuhay bilang mga bagong linikha kay Cristo. Sa pagiisip at malasakit ay nararapat na may kamatayan kay Adan, at pagkabuhay na maguli sa isang bagong buhay na tulad kay Cristo.

 

Kung ang pagbabago ng ugaling ito ay magaganap ngayon, isang pagbabago ng kalikasan ay magaganap sa susunod. Ang mga mananampalataya ay pagkakalooban ng isang kalikasan na akma sa kanilang maka-Cristong paguugali. Sa salita ng Kasulatan, sila’y magiging “tagabahagi ng kalikasang maka-Dios.” (2 Pedro 1:4)

Link to comment
Share on other sites

PAPAANO? KAILAN? SAAN?

 

Oo, ito’y magbubunga ng mga mahahalagang katanungan at ang Biblia ay magkakaloob ng lahat ng mga kasagutan.

 

Ang mga kasagutang ito ay mauunawaan lamang noong mga tumatanggap ng dakilang katotohanan ng hula ng Bagong Tipan - na ang Panginoong Jesus ay babalik sa lupa. Ito ay laging nauulit na paksa sa Bagohg Tipan. Ang kaunaunahang mensahe na ipinagkaloob doon sa sumaksi ng pagakyat sa langit ng Panginoon na siya ay babalik na muli. Yaong maliit na pulutong na mangingisda na taga Galilea at ang mga iba ay nakatingala pa sa langit nang kanilang mapakinggan ang ganitong patalastas:

 

“Kayong mga lalaking taga Galilea; bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? Itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay papahtong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.”

(Gawa 1:11)

 

Sa pagbabalik sa ating paksa: pagparito ng Panginoong Jesus sa lupa ay isasauli sa buhay yaong inaangkin niyang kaniya. Nakita ninyo kung paano pinagsama ni Pablo ang ibang mga bagay na ating tinatalakay at nauuwi sa matagumpay na pasiya na yaong mga namatay na tagsunod ng Panginoon ay ibabangon mula sa mga patay sa kaniyang pagbabalik:

 

“Datapuwa’t si Cristo nga’y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog; Sapagka’t yamang sa pamamagitan ng tao’y dumating ang kamatayan; sa pamamagitan din naman ng tao’y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay. Sapagka’t kung paanong kay Adan ang lahat ay nangamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin. Datapuwa’t ang bawa’t isa’y sa kaniyang sariling katayuan; Si Cristo ang pangunahing bunga: pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito.”

(1 Corinto 15:20-23)

 

Sa pagsasabi na ang mga tagasunod ng Panginoon ay isasauli sa buhay sa pagbabalik niya dito sa lupa ay isang bahagi lamang ng kasaysayan. Gaya ng kanilang Panginoon, gagawin silang walang kamatayan –

 

” ... itong may kamatayan ay magbibihis ng walang kamatayan.”

(1 Corinto 15:53)

 

Yaong gagawing walang kamatayan sa pangalawang pagparito ng Panginoon ay gagawa ng pangunahing bahagi sa pagpapatupad ng panukala ng Dios sa lupa. Subali’t may karagdagan pa sa ilang saglit!

Link to comment
Share on other sites

8. DUMATING NAWA ANG KAHARIAN MO

 

“Nguni’t tunay, na kung paanong ako’y buhay at kung paanong mapupuspus ng kaluwalhatian ng Panginoon ang buong lupa.”

(Bilang 14:21)

 

“Sapagka’t ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng kalangitan; na siyang Dios na naganyo sa lupa at gumawa niyaon; at kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha ng walang kabuluhan, na kaniyang inanyuan upang tahanamako ang Panginoon: at walang iba.”

(Isaias 45:18)

 

Yaong mga nagsasabi na ang planetang ito ay sisirain ay maliwanag na hindi bihasa sa mga katiyakang aralin ng Dios (gaya ng sinipi sa itaas) na mayroong dakilang hihaharap ukol sa lupang ito. Hindi lamang ito pananatilihin, kundi paninirahan din ito ng mga tao. Sa pamamagitan ng kaniyang kagandahan at sa pamamagitan ng pagkakasundo na mananatili sa lahat ng mga buhay na linikha, ang lupa ay ipamamalas ang kaluwalhatian ng Dios.

 

Ito ay matutulad sa mabungang halamanan - gaya ng unang halamanan bago nabigo ang tao. Tunay na may paglalarawan sa mga huling kabanata ng Apocalipsis ng isang matubig na halamanan na tumutubo ang puno ng buhay, at doon ang lahat ng nakakasama ay aalisin - isang maganda at bagay na paglalarawan ng isang daigdig sa kapayapaan sa Dios at sa kaniyang sarili. Eden na isinauli.

Link to comment
Share on other sites

ANG DARATING NA KAHARIAN NG DIOS

 

Ang ibang pangalan sa isinauling Eden ay ang Kaharian ng Dios. Ito ang kaharian na itinuro ng Panginoong Jesus sa kaniyang mga alagad na manalangin: “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.” (Mateo 6:10)

 

Sino ang magiging hari? Ang tanong na iyon ay nasagot na. Naalaala ba ninyo ang tipan na ipinakipagtipan ng Dios kay David? Siya’y pinangakuan na magkakaroon siya ng isang anak na magiging dakilang hari, at ang anak ha yaon ay ang Panginoong Jesucristo. Ang mga salita ng anghel kay Maria ay matutupad pa:

 

“Siya’y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaaasan: at sa kaniya’y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama: at siya’y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man: at hindi magwawakas ang kaniyang kaharian.”

(Lucas 1:32-33)

 

Si Jesus ay muling paririto sa lupa upang ganapin itong pangako at maging isang hari. Hindi lamang siya maghahari sa sarili niyang bansang Israel, gaya ng ipinakikita ng talata sa Lucas, kundi ang kaniyang kaharian sa pangwakas ay hahangga sa buong lupa.

 

“At ang Panginoo’y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao’y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa.”

(Zacarias 14:9)

 

Matagal nang tinatanggap na hindi magkakaroon ng walang hanggang kapayapaan hahgga’t ang mga bansa sa daigdig ay nagkakaisa sa ilalim ng isang mapagbigay na pamahalaan. Ito ay, sa katotohanan ang panukala ng Dios.

 

Kinakailangan pa bang sabihin na ang Panginoong Jesucristo ay kahanga-hangang may kakayahan na mamahala sa mga bansa? Siya ay isang taong subok ang kahalagahan. Napagaralan ang pagsupil sa pamamagitan ng mahigpit na pagsasanay sa kaniyang sarili, siya ay nasa kalagayang sumupil ng mga bansa. Ang pormula ukol sa matagumpay na pamahalaan ay lubos na kapangyarihan at ito’y lumalarawan sa Panginoong Jesucristo.

 

Sapagka’t ang Panginoong Jesucristo ay napaka angkop na mamamahala, ang daigdig ay uunlad sa ilalim ng kaniyang pamamahala. Eden na nasauli - naalala ninyo? Narito ang isang paglalarawan ng kapayapaan at kaunlaran na mananatili kung ang Kaharian ng Dios ay maitatag na sa lupa.

 

“Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan. Kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan. At pagwawaray warayin ang nangaapi. Sila’y mangatatakot sa iyo habang nananatili ang araw. At habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali’t saling lahi. Siya’y babagsak na parang ulan sa tuyong damo: Gaya ng ambon na dumidilig sa lupa. Sa kaniyang mga kaarawan ay giginhawa ang mga matuwid: At saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan. Siya naman ay magtataglay ng pagpapaka panginoon sa dagat at dagat. At mula sa ilog hanggang sa mgawakas ng lupa.”

(Awit 72:4-8)

 

NARITO ANG IBA:

 

“At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo’y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob, at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo’y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka’t mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem. At siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsud, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa. O mangangaral pa man ng pakikipagdigma.”

(Isaias 2:2-4)

Link to comment
Share on other sites

ANG MGA KATULONG NG PANGINOON

 

Yaong ikinarangal ang Panginoong Jesus sa kanilang buhay ay ikararangal din niya sa kaniyang pagbabalik sa lupa. Pagkatapos na pagkalooban ng biyaya ng walang kamatayan , sila’y aanyayahang tumulong sa kanilang Panginoon sa pamamahala sa lupa. Kaya ang awit ng mga tinubos ay:

 

“Sapagka’t ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa’t angkan, at wika, at bayan, at bansa. At sila’y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios; at sila’y nangaghahari sa ibabaw ng lupa.”

(Apocalipsis 5:9, 10)

 

Kahanay nito ay ang tugon ng Panginoon sa isang alagad na nagsabi: “Narito, iniwan namin ang lahat, at nagsisunod sa iyo: ano nga baga ang kakamtin namin?” Ang sagot ni Jesus ay:

 

“Kayong nagsisunod sa akin, sa pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, kayo nama’y magsisiupo sa labingdalawang luklukan, upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel.”

(Marco 19:27, 28)

 

At muli, ang mga salita “ng Panginoon” sa talinghaga ng mga talento:

 

“Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin: nagtapat ka sa kakaunting bagay, bamamahalain kita sa maraming bagay: pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.”

(Mateo 25:21)

Link to comment
Share on other sites

9. ANG PANGWAKAS NA PANUKALA NG DIOS

 

PAGBUBUOD

 

Isang dagliang buod ng pinakamahalagang mga pasiya na naabot:

 

  1. Ito’y hangarin ng Dios na ang tao’y bumuo ng isang maka-Dios na paguugali, na siya ay ang matalinong mamamahala ng lupang ito, mamamahala ng lahat hg ibang buhay - halaman at hayop.
     
  2. Ang unang tao ay sumuway sa Dios at inakay ang lahi ng tao sa kasalanan at kamatayan.
     
  3. Sa halip na lipulin ang sangkatauhan, ang Dios ay gumawa ng isang bagong nilalang mula sa luma. Sa isang himala, ay nilayon ng Dios na ipanganak ang Kaniyang Anak mula sa lahi ng tao. Sa pamamagitan ng kaniyang lubos na pagsunod at sa pamamagitan ng pagkakaganap ng kaniyang ugali, ang Panginoong Jesucristo ay naging larawan ng Dios at ang pasimula ng isang bagong linalang.
     
  4. Tayo ay inaanyayahan na putulin natin ang ating kaugnayan kay Adan, upang itatwa ang kasalanan at maging isang bahagi nitong bagong nilalang kay Cristo. Kung pahihintulutan nating baguhin ng Dios ang ating mga isipan ngayon, tayo’y magiging kabahagi ng “kalikasan ng Dios” sa susunod.
     
  5. Sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa lupa, kaniyang ibabangon sa buhay at walang kamatayan yaong mga sumusunod sa kaniya.
     
  6. Ang Panginoon ay magiging ang matuwid, makapangyarihang mamamahala sa lupa, at ang tunay niyang mga lingkod ay tutulong sa kaniya sa gawain ng pamahalaan. Ang darating na Kaharian ng Dios ay ang Eden na isinauli.

Link to comment
Share on other sites

PAPAANO YAONG IBANG MGA TAO?

 

Hindi mabilang na sangkatutak na mga tao ang nagmula kay Adan at Eba. Mula rita isang marammg bilang ang nangabuhay at nangamatay na walang kaalaman tungkol sa Dios. Gaya ng lahat ng supling ni Adan sila’y nangagkasala, subali’t sapagka’t hindi sila kusang mga maghihimagsik pinahintulutan sila ng Dios na mabuhay sa kanilang buong buhay at mamatay gaya ng lahat ng linalang. Sa kabila ng mga pagmamaktol ng mga laging humahanap ng pagkakataon na isumbong na ang Dios ay hindi makatarungan, siya ay labis na matuwid doon sa mga hangal na mapagsuway ng kautusan. Bagama’t sila’y walang karapatan at may likas na hilig sa paghihimagsik laban sa kapamahalaan ng Dios, pinahintulutan sila ng Dios na mabuhay. Sa wakas ay inabutan sila ng kamatayan ayon sa batayan:

 

“ang lahat ng ,nangagkasala ng walang kautusan ay mga papahamak din naman ng walang kautusan.”

(Roma 2:12)

 

Ang mga iba’y kusa ang pagkakasala. Kusa nilang tinanggihan ang Salita ng Dios na nagkakaloob ng mabiyayang pagkakataon upang gumanap ng pagsunod at magalak sa Kaniyang mga pagpapala. Yaong humamon sa kapamahalaan ng Dios ay nararapat ng kaparusahan.

 

Sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa lupa, una magkakaroon ng pagkabuhay na maguli at susunod isang paghatol. Ang lahat ng nagkaroon ng pagkakataon na kumilala sa Salita ng Dios ay hahatulan. Kung sila’y nangamatay, una sila’y isasauli sa buhay. Sinabi ni Pablo na ang Panginoong Jesucristo “na siyang huhukom sa mga buhay at mga patay, sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian.” (2 Timoteo 4:1)

 

Yaong napatunayang karapat-dapat ay gagawing walang kamatayan - ito’y natalakay na natin. Doon sa napatunayang hindi karapat-dapat, sila’y oaparusahan at hahatulan ng kamatayan (“ang pangalawang kamatayan”). Sa Daniel ang sumusunod na buod ng kahayagan ay nakasulat:

 

“At marami sa kanila na nangatutulog sa alabok ng lupa ay mangagigising, ang iba’y sa walang hanggang buhay at ang iba’y sa kahihiyah at sa walang hanggang pagkapahamak.” (12:2)

Link to comment
Share on other sites

ANG MGA NAMAMAHALA AT ANG MGA PAMAMAHALAAN

 

Nakita na natin na ang Panginoong Jesucristo at ang Kaniyang mga tapat na tagasunod ay mananagot ukol sa pamahalaan na darating na Kaharian ng Dios. Gaganapin nila ang tadhanang nauukol sa tao, na inihayag sa unang kabanata ng Genesis, at gagamit ng pamamahala sa ibabaw ng mga iba pang nilikhang bagay. At mamamahala din sila sa ibabaw ng mga bansa sa daigdig.

 

Sa nakaraang kabanata isang pagsipi ang ginawa mula sa ikalawang kabanata sa Isaias (talatang 2-4). Ang hulang ito ay mahalagang pagisipisipan. Sinabi ang panahon ng mga paglalakbay na gagawin sa Jerusalem ng maraming mga bansa. Ang mga mangalalakbay ay hindi ang mga walang kamatayang lingkod ni Cristo, kundi ang may kamatayan, sumusunod sa banal na utos at maglalakbay sa Jerusalem upang sambahin ang Dios. Ang bayan ay mapapa sa ilalim ng kautusan ng Dios sa loob ng Kaharian.

 

ANG TUNGKULIN NG ISRAEL

 

Ang talatang ito ay sinasabi rin sa atin na ang Jerusalem ay sasaklaw ng pangunahing kalagayan sa panahon ng Kaharian. Ang kautusang maka-Dios ay ipapamahagi sa lahat ng dako ng daigdig mula sa punong lungsod ng daigdig. lyong Taong nakatakdang maghari ang nagsabi: “Huwag ninyong ipanumpa kahit ang Jerusalem: Sapagka’t siyang luklukan ng Dios.” (Mateo 5:34, 35). Ang Jerusalem ay ang lungsod ng mga matatandang haring Judio - sina David at Solomon at ang kanilang kahalili. Ang Panginoong Jesus ay ang tunay na tagapagmana ng luklukan ni David, at siya’y maghahari mula sa Jerusalem.

 

Sa kabila ng kanilang kasaysayan ng paghihimagsik, ang bayan ng Israel - at yaong mananatili sa digmaan ng “mga huling araw” - ay makakakita ng kagandahang loob ng Panginoon. Ang bansa at ang lupain ay pagpapalain. Ito ang pangunahing centro sa Kaharian ng Dios.

Link to comment
Share on other sites

ANG DIOS - “ANG LAHAT SA LAHAT”

 

Kapag ang mga bansa sa daigdig ay napasuko na, sila ay aasahan na magkaloob ng pagsuhod. Kung papaanong si Adan ay nasa pagsubok sa Eden, at ang lumang Israel sa kanilang lupain; gaya din naman natin, kung tayo ay sumasangayon, papasa ilalim sa maka-Dios na pagpigil ngayon, - kaya, kung maitatag na ang Kaharian ng Dios, lahat ng sangkatauhan ay masusupil, subok at dinalisay ng Panginoong Jesucristo. Yaong sasangayon sa katuruan ng Dios ay sa wakas gagawing walang kamatayan. Yaong maglalaban ay malilipol.

 

Sa wakas ang lupang ito ay pananahanan ng mga walang kamatayan, lahat ay ginawa sa larawan ng Dios.

 

Isang dakilang talata sa 1 Corinto 15 na bumubuod ng ganito:

 

“Sapagka’t kung paano kay Adan ang lahat ay nangamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin. Datapuwa’t ang bawa’t isa’y sa kaniyang sariling katayuan: Si Cristo ang pangunahing bunga: pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito. Kung magkagayo’y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, samakatuwid baga’y sa Ama: pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan. Sapagka’t kinakailangang siya’y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway. Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan. Sapagka’t kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa ... At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo’y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.” (talatang 22-28)

 

ANG ATING PAGKAKATAON

 

Ang panahon ng ating pagsubok ay ngayon, at wala nang maraming panahon pang natitira. Ang mga tanda ay kasalukuyang nagaganap at ang pagbabalik ng Panginoon ay nalalapit.

 

Ngayon ay ang panahon ukol sa atin upang kilalanin na ang daan ni Adan ay ang daan ng kamatayan. Ngayon ay ang panahon upang talikuran si Adan at maging isang bahagi ng bagong nilalang ng Dios kay Cristo.

 

Ngayon ay ang panahon upang magsumikap na basahin ang Kasulatan; upang paniwalaan ang Salita ng Dios; upang magsisi; upang mabautismuhan. Ngayon ang panahon!

 

Kung tayo ay tiyak na tutugon ngayon at susukong walang pasubali sa kapamahalaan ni Cristo, ngayon kung si Cristo ay maghahari sa mga bansa, tayo ay makakasama niya, at kung ang Dios ay ang lahat sa lahat, tayo’y naroroon pa rin.

 

WAKAS

 

Isinalin sa Tagalog mula sa

“GOD’S PLAN FOR MAN”

ni Peter Watkins

 

Sumulat sa: CHRISTADELPHIAN BIBLE MISSION

 

http://www.acbm.org.au/

 

http://www.acbm.org....ion/philippines

 

AngPanukalaNgDiosSaTao.pdf

Link to comment
Share on other sites

Guest
This topic is now closed to further replies.
 Share

×
×
  • Create New...