Jump to content

Ang Pangako Na Madaling Tutuparin Ng Diyos


Recommended Posts

AngPANGAKO.jpg

 

MGA PANGAKO NA MADALING TUTUPARIN NG DIYOS

 

Mayroon bang anomang kasaysayan sa Biblia, kailan man, na madalas na masinsay di gaya ng kilalang-kilala na tungkol sa pagaalay ni Abraham kay Isaac? Sa mababang paaralan ito ay may halaga ng dahil sa kaniyang bahagi ng pananabik — tunay bang mamamatay si Isaac sa ganitoncj kakila-kilabot na paraan? — at dahil din sa kapuripuring moral tungkol sa pagsunod sa mga magulang. Sa iglesia, napakaraming mga sermon ang ipinangangaral tungkol doon, ang karamihan ay di maaasahang kamalian sa pagdidiin, sa pamamagitan ng kamangmangan o sa sinasadyang pagwawalang bahala sa nilalaman. Sa collegio at pamantasan ang kasaysayang ito tinatalakay sa mga clase ng Literaturang Ingles bilang isang ganap na pamantayan ng makapangyarihang bunga ng payak na pananalita kung ginagamit na wasto: "Kunin mo ngayon ang iyong anak — ang iyong bugtong na anak na si Isaac — na iyong minamahal — at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin". At sa mga manunuri ng Biblia laging mayroong isang palalong pagtataas ng kilay tungkol sa pagsubok ng Diyos kay Abraham at sa tila pagpapahintulot' ng kasaysayan sa paghahain ng tao.

 

Tanggapin karaka-raka — na ang kasaysayan ay may kahirapan. Ang maliit na aklat na ito ay isang panghamon sa inyo bilang isang matalinong mambabasa na pagaralang panibago ang pangyayaring ito ang pagaalay kay Isaac mula sa kaibang paraan. Ang kasaysayan ay may ilang bagay na itinuturo na maaaring hindi ninyo matatanggap na mangyayari. At ito'y hindi sa pagmamalabis na sabihin na ang mga pangwakas na katutunguhan ay tiyak na nakapapanabik.

 

Una, kung gayon, ay isang maigsing pagaaral ng "Pagsubok" ito ng Diyos kay Abraham. Ang isang payak na paglalarawan ay madaling mailalagay ito sa kaniyang wastong kaunawaan. Kung ang isang inhinyero ay nais sumubok ng metal, ay inilalagay niya ito sa isang makina na dudurog o babanat o pipilipt hanggang sa ito ay sumunod sa lakas. lyon ay isang uri ng "pagsubok". Subali't kung ang isang tao ay bibili ng isang gamit na sasakyan, hindi niya karaka-rakang gagamitin iyan. Ilalagay niya iyon sa mga pagsubok upang malaman niya ang kahusayan ng sasakyang ito na kaniyang gagamitin. lyan ay ibang uri ng "pagsubok".

 

Nang subukin ng Diyos si Abraham, anong uri ng pagsubok ang Kaniyang ginamit? Walang alinlangan, ang pangalawa. Ang maingat na pagbabasang muli ng Genesis 22 ay madaling makikitang malinaw ang katotohanang ito, at lalo na kung ang likuran ng pangyayaring ito ay pagaaralan.

 

Ang pangunahing mga katotohanan, na karaniwang iniiwanan sa paningin, ay ito. Ang Diyos ay gumawa ng tiyak na kahanga-hangang mga pangako kay Abraham. "Abraham, ikaw ay magiging ama ng isang lubhang karamihan" (tignan ang Genesis 15:1-6 at 17:15-19). Subali't si Abraham ay isang matandang lalaki, at ang kaniyang asawa ay lagpas na sa panganganak. Gayon pa man, hindi humina ang kaniyang paniniwala sa pangakao, at sa takdang panahon ay ipinanganak si Isaac. Datapuwa't ang ibang pangako ay: "Abraham, ang boong lupain ng Palestina na. inakay kita ay ukol sa iyo at sa iyong binhi ukol sa isang walang hanggang pagaari" (tignan ang Genesis 13:14-17 at 15:7). At upang gawing ganap na malinaw ang mga bagay ay idinagdag na sa pamamagitan ni Isaac at sa walang ibang anak na ipapanganak, ang mga pangakong ito ay matutupad: "Sapagka't kay Isaac tatawagin ang iyong lahi" (Genesis 21:12).

Link to comment
Share on other sites

Gayon na lamang ang sindak ni Abraham na siya ay pagutusan na ihain ang kaniyang bugtong na anak bilang isang alay. Kung si Isaac ay papatayin, papaanong matutupad ang kahanga-hangang mga pangakong ito na pinagsasalalayan? Ang banal na utos at ang banal na pangako ay tila nagsasalungatan sa' isa't-isa.

 

Gayon pa man, si Abraham ay nahahanda na lumakad sa pamamagitan ng pananampalataya sa napakahalagang pagsubok na ito. Ang lumiliwanag na puna ng Bagong Tipan ay: "Na inisip na maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Diyos: mula diyan din naman ay mulj siyang tinanggap sa isang halimbawa" (Hebreo 11:19).

 

Isang pagaaral sa pangako na "ang boong lupaing iyong natatanaw ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong binhi magpakailan man ... magtindig ka, lakarin mo ang lupain, ang hinabahaba at niluwangluwang niyon: sapagka't ibibigay ko sa iyo" (Genesis 13:15, 17), ay tiyak na pinaniniwalaan ni Abraham na ibabangon ng Diyos ang patay.

 

Sa kaniyang likas na buhay, hindi naipagkaloob kay Abraham ang anoman sa lupaing yaon. Ang lahat lamang ng kaniyang inari ay yaong kaniyang binili ukol sa paglilibingan ng kaniyang asawa: "Hindi siya pinamanahan ng anoman doon, kahit mayapakan ng kaniyang paa: at siya'y nangakong yao'y ibibigay na pinaka ari sa kaniya" (Gawa 7:5).

 

Sa mga talatang ito ay nangangatuwiran ang mga dakilang lalaki sa mga araw ng Bagong Tipan tungkol sa dakilang araw ng pagkabuhay na maguli, at sa wari dito sa batayang ito sumasalalay ang pananampalataya ni Abraham sa kaniyang paglalakbay kasama si Isaac sa Moria, "ang Bundok ng Pangitaln ng Diyos".

 

Sa napakahalagang sandali — gayon na lamang ang pagkakaalam ng bawa't isa sa bahanging ito ng kasaysayan! — pinigil ang kamay ni Abraham. Ang pananampalataya ay tinanggap ukol sa katotohanan, ang Tipan ukol sa patay. At gayon si Abraham, at ang bawa't tapat na lumalakad sa pananampalataya ni Abraham, ay tinuruan na walang hain na maiaalay na tunay na sasapat sa kaniya upang siya ay magiging katanggap-tanggap sa paningin ng Makapangyarihan: "ibibigay ko baga ... ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?" (Mikas 6:7).

 

Gayon pa man, sa halip na si Isaac, pinagutusan si Abraham na ialay ang "tupang lalaki na huli sa dawag". Ang kahulugan nito ay kapuri-puring ipinaliwanag ng isang ika 17 siglong mamamahayag na ganito: "Gayon ma'y ipinahihiwatig na habang ipinagpaliban ng Diyos ang pagaalay ng Isang Pinagpala (si Jesus) na magiging isang Anak ni Abraham (tignan ang Mateo 1:1), ay tatanggapin Niya sa halip noon ang pagaalay ng mga Baka at Tupang lalaki ukol sa kabayaran ng kasalanan: at samakatuwid siya ay nagalay ng hain na ito sa halip ay kinilala na ang pagaalay ng Pinagpalang Binhi ni Abraham ay ipagpapaliban pa".

 

Na ito ang tamang kuro-kuro ay makikita mula sa kahulugan ng pangalan na ibinigay ni Abrahanr) sa dambanang ito: "Ang Panginoon ay magkakaloob (ng isang alay)". Si Abraham ay tumitingin sa hinaharap. Ang pangalang "Jehovah-jireh" ay hindi nangangahulugang "Ang Panginoon ay nagkaloob", na kaugnay ang tupang lalaki na inalay.

 

Ang susunod na bahagi ng salaysay, na madalas na kaligtaan o isawalang saysay, ay ang tunay na pinakamahalaga sa lahat. Ang mga salita ay nararapat na basahin ng masusing pagiingat: "At tinawag ng anghel ng Panginoon si Abraham na ikalawa mula sa langit. At sinabi, Sa aking sarili ay sumumpa ako, anang Panginoon, sapagka't ginawa mo ito, at hindi mo itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak: na sa pagpapala ay pagpapalain ki'ta, at sa pagpaparami ay pararamihin ko 'ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat: at kakamtin ng iyong binhi ang pintuang bayan ng kaniyang mga kaaway: at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa: sapagka't' sinunod mo ang aking tinig". (Genesis 22:15-18).

 

Kung anoman ang kahulugan dito, walang ibang napakahalaga sa lahat ng Biblia, sapagka't nang ibigay ng Diyos ang pangakong ito, tunay na sumumpa Siya ng isang sumpa kaugnay nito. Kung ang mga tao ay gagawa ng isang pagkakataon na tanging kapita-pitagan, gaya ng isang sumpa sa Biblia sa hukuman, gaano pa kaya kahalaga kinakailangan ang sumpang ito ng Diyos! At "palibhasa'y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas" (Hebreo 6:13); sumumpa ang Diyos sa Kaniyang sariling pananatili. Kaya't ito ay tunay na napakahalaga.

Link to comment
Share on other sites

Sa pagaaral ng mga bahagi, makaluluwag na talakayin ang mga bagay sa kabaligtarang paraan.

 

"Sa iyong binhi ay pagpapalain ang mga bansa sa lupa". Sa dalawang dako ang Bagong Tipan ay bumabanggit at nagpapaliwanag ng ganitong pananalita.. Isa alangalang ang puna ni Pedro: "Kayo ang mga anak ng mga propeta, at ng tipang ginawa ng Diyos sa inyong mga magulang, na sinasabi kay Abraham, At sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng mga angkan sa lupa". At ngayon ang kahulugan ng mga pananalitang ito ay ibinigay: "Sa inyo una-una, nang maitindig na ng Diyos ang Kaniyang Lingkod (ang Binhi) ay, sinugo Niya upang kayo'y pagpalain, sa pagtalikod ng bawa't isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan" (Gawa 3:25, 26).

 

Kaya ayon kay Pedro, ang dakilang Pangako kay Abraham ay tungkol kay Jesus sa pagdadala ng kapatawaran ng mga kasalanan.

 

Kaya't gayon din si Apostol Pablo. Ang kaniyang puna ay kaiba, subali't ang kahulugan ay katulad: "At ipinakita na ng Kasulatan, na aariing ganap (ibibilang na matuwid at pinatawad) ang mga Gentil (mga bansa) sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinangaral na ng una ang ebanghelio kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa, ... Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi: hindi sinasabi ng Diyos, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami: Kundi gaya sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si Cristo" (Galacia 3:8, 16).

 

Balik sa Genesis 22 makikita nating kung bakit ipinakadiin ni Pablo na ang Binhi na sinasabi ay isa at hindi marami, sapagka't ang pangako ay sinasabi rin: "At ang iyong binhi ay kakamtan ang pintuang bayan ng kaniyang mga kaaway".

 

Ang kahulugan nitong karagdagang bahagi ay hindi karaka-rakang malinaw sa makabagong mambabasa, subali't ang kuro-kuro sa kabila noon ay madaling mauunawaan ni Abraham. Ipagpalagay na ang isang makalumang lungsod na napapaligiran ng pader na may isang pangunahing pintuang bayan. Ang sinomang hahawak ng pintuang bayan na iyon ay hahawakan ang lahat ng mabisang kapangyarihan sa lungsod, na may kakayahan na pamahalaan ang lahat ng pangunahing gawain at lalo na ang pagpapasiya kung sino ang papasok at kung sino ang lalabas.

 

Ang dakilang Kaaway ng sangkatauhan, at ang katapus-tapusan na lilipulin nang ang kaluwalhatian ng Diyos ay pupunuin ang lupa, ay ang Kamatayan. Si Jesus, sa pamamagitan ng kabanalan ng kaniyang sariling tagumpay laban sa kasalanan, ay may kakayahan ngayon hindi lamang sa pagpapatawad ng kasalanan ng iba kundi gayon din sa pagpipigil ng mga kapangyarihan ng dakilang kalaban na ito, ang Kamatayan: "Ako ang nabubuhay: at ako'y namatay, , at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa ak'n ang mga susi ng kamatayan at ng Hades" (Apocalipsis 1:18).

 

Si Jesus ngayon ay nagaari ng pintuang bayan ng kaniyang dakilang kalaban. Mayroon siyang kapamahalaang magpasiya, at sa Huling Araw siya ay magpapasiya, kung sino ang lalabas sa malagim na bayan na iyon ng mga patay, upang huwag nang bumalik doon, at kung sino ang papasok doon at mananatili magpakailan man!

 

Gayon na lamang kaangkop nang ang anak ni Abraham ay, sa larawan, ay namatay bilang isang alay at bumangong maguli, upang hataking pabalik ng Diyos ang sulok ng tabing upang ihayag sa lalaking ito ng pananampalataya ang kagila-gilalas na araw na ang ibang Anak ni Abraham ay tunay na mamamatay 'bilang isang alay at bumangong maguli mula sa patay, na nagdadala ng kapatawaran ng mga kasalanan at pagasa ng buhay na walang hanggan.

Link to comment
Share on other sites

Gaano kaangkop din, na dapat sabihin ng Diyos, kay Abraham: Nahahanda kang ipagkaloob ang iyong anak bilang isang alay, ang iyong bugtong na anak, na iyong iniibig: kaya't Ako — ang Makapangyarihan — ay taimtim na nangako na ipagkakaloob ko sa iyo ang Aking Anak, ang Aking bugtong na Anak, na aking iniibig, at aking ipagkakaloob siya bilang isang Alay!

 

Gaano makahulugan ngayon ang mga unang salita ng Bagong Tipan "Ang aklat ng lahi ni Jesucristo, ang anak ni David, ang 'anak ni Abraham'". Ang ebanghelio ay ipinangaral kay Abraham, at — gaano man kalabo at maulap na paraan — naunawaan ni Abraham na ito ay ang pinakamabuti sa lahat ng Mabubuting mga Balita, sapagka't nasabi ni Jesus sa kaniyang mga kalabang Judiyo: "Ang inyong amang si Abraham ay nagalak na makita ang aking araw: at kaniyang nakita ito, at nagalak".

 

Isang araw, nang si Jesus ay paparitong muli, ang Ama ng mga Tapat, na ngayon ay natutulog sa alabok sa loob ng mahabang mga daan taon, ay babangon mula sa patay — "Ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw ... at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli" (1 Tesalonica 4:16).

 

Kung gayo'y matutupad iyong ibang dakilang Pangako na hangga ngayon ay hindi pa nagkakaroon ng anomang uri ng katuparan: "Magtindig ka, lakarin mo ang lupain (ang lupain ng Palestina), ang hinabahaba at niluwangluwang niyon, sapagka't ibibigay ko sa iyo" (Genesis 13:17). Tiyak na pinaniwalaan ni Abraham ang pagkabuhay ng patay.

 

Subali't mayroon pang ibang mahalagang tapyas ng Pangako, sa Bundok ng Moria na isasa alang-alang pa: "Pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng mga buhangin sa baybayin ng dagat".

 

Dito ay hindi sapat na sabihin: Ang karamihang binhi ay ang bayan ng Israel, na nagmula kay Abraham, Isaac at Jacob. lyan ay kalahati lamang ng katotohanan. Muli ang Bagong Tipan ay nagbibigay ng di inaasahang liwanag sa mga salitang ito. Sa mga hanay ng malinaw subali't makapangyarihang mga pahayag sa Galacia 3, sinabi ni Pablo na itong Pangako kay Abraham ay nauukol din sa lahat (maging nagmula kay Abraham o hindi) na, sa pamamagitan ng pagbabahagi sa pananampalataya ni Abraham sa Pangako, ay ipinakikita ang kanilang sarili na ang tagapagmanang espiritual: "Talastasin nga ninyo na ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga anak (binhi) ni Abraham ... ang mga sa pananampalataya ay pinagpala kay Abraham na may pananampalataya ... upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus" (Galacia 3:7, 9, 14).

 

Ang kabanata ay nagtatayo dito sa maringal na tampok: "Sapagka't kayong lahat ay mga anak ng Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus. Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo, ay ibinihis si Cristo. Walang magiging Judiyo o Grego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalaki o babae man, sapagka't kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus. At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako".

Link to comment
Share on other sites

Pakibasang muli ang talatang iyon, sapagka't ipinaliliwanag kung papaano kayo babahagi sa maluwalhating kaganapan ng mga Pangako ng Diyos na ito.

 

Maaaring may tanging kahulugan sa dalawang paglalarawan ng karamihang binhi: "gaya ng mga bituin sa langit, at gaya ng buhangin sa baybayin ng dagat" — tila baga napagwari mula sa stmula na si Abraham ay magiging ama hindi lamang ng makalupang binhi, ang bayan ng Israel, kundi doon din sa maaaring tawaging isang binhing makalangit sapagka't sila ay ang kaniyang mga anak sa espiritu sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa mga Pangako.

 

Si Jesucristo ay ang susi sa lahat ng kahanga-hangang mga katotohanang ito. Ang bagay ay madalas uliting muli sa Bagong Tipan na walang sinoman na magkakamit ng buhay na walang hanggan mula sa Diyos sa pamamagitan ng mga mabubuting gawain na kaniyang ginawa. "Na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan ... walang matuwid, wala kahit isa .... ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos" (Roma 3:9, 10, 23). Subali't may ibang uri ng katuwiran na mabuti sa paningin ng Diyos liban sa "paggawa ng mabuti". Kung ang isang tao ay magpapakita ng pananampalataya, katulad ng kay Abraham, tinatanggap iyon ng Diyos bilang katuwiran. Mayroong isang mabuting paraan na kaluluguran Siya: Si Abraham ay "Sa pagtingin niya sa pangako ng Diyos, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pananampalataya, na niluluwalhati and Diyos ... Dahil dito'y ibinilang naman na katuwiran sa kaniya. Ngayo'y hindi lamang dahil sa kaniya isinulat, ... kundi dahil din naman sa atin, na ibinilang sa ating mga nagsisisampalataya sa Kaniya na bumuhay na maguli sa mga patay, kay Jesus na ating Panginoon" (Roma 4:20, 22-24).

 

Kaya ngayon, ito ay tumutungong lahat sa ilang payak datapuwa't napakahalagang mga diwa:

 

  1. Ipinangako ng Diyos kay Abraham
     
    (a) ang lupain ng Palestina, upang maging kaniya magpakailan man;
     
    (b) isang Binhi na lilipol sa kamatayan, at magdudulot ng kapatawaran ng mga kasalanan:
     
  2. Upang manahin ang Lupain, babangon si Abraham mula sa patay tungo sa walang hanggang buhay:
     
  3. Ang Binhi ay si Jesus:
     
  4. Ang lahat niyaong babahagi sa pananampalataya ni Abraham at yaong magiging kaniyang "binhi" sa pamamagitan ng pakikiisa ng kanilang sarili kay Jesus ay babahagi din ng mga pagpapala ng Pangako - kapatawaran, pagkabuhay mula sa patay, walang hanggang pagpapala sa ibabaw ng lupa:
     
  5. Pananampalataya kay Jesus at sa mga Pangako na ibinigay kay Abraham ay inilarawan sa pamamagitan ng bautismong Cristiano.

 

ANG MGA BAGAY BANG ITO AY

MAHALAGA SA INYO?

 

Isinalin mula sa aklat PROMISES GOD

NEVER KEPT ni H. A. Whittaker

 

http://www.acbm.org.au/

 

http://www.acbm.org....ion/philippines

 

AngPangakoNaMadaling.pdf

Link to comment
Share on other sites

Guest
This topic is now closed to further replies.
 Share

×
×
  • Create New...