Jump to content

Ang Diyos ay Isa, Hindi Tatlo


Recommended Posts

AngDiyosOneNotThree.jpg

 

ANG DIYOS AY ISA,

 

HINDI

TATLO

 

PANGMUKHANG LARAWAN

 

Ito ay isang larawan ng isang diyos-diyosan na nakita sa pulo ng Elephanta, sa Bombay, naglalarawan ng anyong pagano ng "Trinity" na ipinahihiwatig sa alamat ng Hinduismo. Ang tatlong mga diyos, na sina Bhairava (Paglipol), Brahma (Manlalalang), at si Vishnu (Mangaalaga) ay itinuturing na bilang isa.

 

Ang kasaysayan ng Iglesia ay ipinakikita kung paano na ang aral ng "Trinity" ay unti-unting ipinaibabaw sa Katotohanan hanggang sa ganap na nilabo ito, sa kaganapan ng babala ni Pablo (2 Timoteo 4:1-3).

 

Pagaralan ang unti-unting paghilig ng unang Iglesia:

 

A.D.

120 - Sinasabi ng Credo ng mga Apostol, "Naniniwala ako sa Diyos Amang Makapangyarihan."

150 - Pinasimulang pasamain ang Cristianismo sa pamamagitan ng pilosopia ng mga Grego.

170 - Ang katagang "Trias" ay unang lumitaw sa kasulatang Cristiano.

200 - Ang katagang "Trinitas" ay unang ginagamit ni Tertuallian.

260 - Tinuro ni Sabellius - Ama, Anak at Espiritu Santo ay tatlong pangalan ukol sa gayon ding Diyos.

300 - Wala pang mga anyo ng "Trinitarian" na panalangin na nalalaman ang Iglesia.

310 - Sinulat ni Lactanius (Makalumang guro): "Hindi tinatawag ni Cristo ang kaniyang sarili na Diyos."

325 - Sumangayon ang Concilio ng Nicea na tawagin si Cristo, "Diyos ng Diyos, ang Diyos ng tunay na Diyos."

350 - Malawak na paglalaban sa Iglesia tungkol sa aral ng "Trinity."

370 - Ang Awitin, "Kaluwalhatian sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo". ay kinatha at idinaing na bilang isang bagong bagay.

381 - Ang Concilio ng Constantinople ay nagbigay ng huling ayos sa aral ng "tatlong persona sa isang Diyos."

383 - Tinakot ni Emperador Teodosio na parusahan ang lahat na hindi maniniwala at sasamba sa "Trinity."

519 - Ang Awitin ay iniutos na aawitin sa lahat ng mga Iglesia.

669 - Ang mga pari ay inutusan na isaulo ang Credo ni Atanasio na dinagdag sa aral ng "Trinity."

826 - Nagutos ang Obispo Basil na sasambitin ng mga Pari ang credong ito tuwing Linggo.

 

Gayon nga na ang mali ng "Trinity" ay nagpalabo sa Katotohanan. Ito ay pananagutan ng bawa't isa na nais maglingkod sa Diyos "sa katotohanan" na hanapin ang katotohanan. "Subukin ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti" (1 Tesalonica 5:21). Isinasamo namin na ang mambabasa ay maglaan ng maingat, masinsing pagaaral ng aklat na nasa harap niya ngayon. Ang buhay na walang hanggan ay napapaloob sa kaniyang pagsusumikap.

Link to comment
Share on other sites

ANG DIYOS AY ISA HINDI TATLO

 

"Sasambahin ng tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa Kaniya" - Juan 4:23.

 

Ang mga salita ni Cristo, na binabanggit sa itaas, ay may panghamon. Ipihahahayag na ang Diyos ay nakakakit'a lamang ng kaluguran sa pagsamba niyaong lumalapit sa Kaniya "sa espiritu at sa katotohanan." Ipinahihiwatig na ang tunay na mananamba ay itinakda doon sa nahahanda na hanapin ang katotohanan tungkol sa Diyos, at gawin iyong pinakabatayan ng kanilang buhay espiritual.

 

Marami ang tatanggap sa karapatan ng Diyos na magutos ng mga tadhana ng pagsamba. Maging ang mga kapamahalaan ng tao ay ginagawa iyon sa kanilang sarili. Walang isa man na isaisip na lumapit sa makalupang namamahala na hindi susunod sa kinakailangang mga patakaran at kung hindi niya alam iyon, ay gagawa siya ng paraan upang malaman kung ano iyon.

 

Nararapat ba sa Diyos, na higit na mataas sa kangino mang makalupang namamahala, na pakitunguhan ng kulang sa paggalang?

 

Sa anumang paraan ay hindi! At ang mga salita ni Cristo sa itaas, ay naghahayag na ninasa Niya na ang mga tunay na mananamba ay lumapit sa isang tumpak na kaalaman tungkol sa Kaniya bilang isang batayan ukol sa katanggap-tanggap na pagsamba. Ito ay nagtatakda ng isang taimtim na pananagutan sa lahat ng nagnanasa na kaluguran Siya, upang hanaping maingat ang Kaniyang kahayagan ng Kaniyang sarili (ang Biblia), kung sila ay lalapit na malaman Siya.

 

Subali't kung ang ating mga layunin ay tama, may halaga ba ang mga tadhana ng aral? Karamihan ay sasagot na hindi na mahalaga, subali't ang mga salita ni Cristo sa itaas ay naghayag na ang aral ng Katotohanan ay mahalaga sa pangsariling kaligtasan. Matapos ang lahat, papaano nating masasamba ng wasto ang Diyos kung kulang tayo sa pangunahing kaunawaan ng Kaniyang pagkatao? Hindi, hindi nararapat na makipag compormiso, na walang "pagsangayon upang magiba" sa napakamahalagang paksang ito. Ang Diyos ay inihayag ang Kaniyang sarili at ang Kaniyang panukala sa Kaniyang kahayagan, ang Biblia, at ating katungkulan at tanging karapatan na hanapin ang kahangahangang Aklat na iyon, upang malaman natin ang Diyos na ating sinasamba, Kung tatalikuran iyon ay magiging walang halaga at walang kabuluhan ang ating pagsamba.

Link to comment
Share on other sites

ISANG TIIMPAK NA KAALAMAN NG DIYOS AY MAHALAGA SA KALIGTASAN

 

Si Cristo, sa ilang mga pagkakataon, ay naghayag na ang kaligtasan ay napapaloob sa isang akmang kaunawaan ng banal na katotohanan (Marcos 16:16; Roma 1:16; 1 Corinto 15:2-3 at iba pa). Sa panalangin sa Ama, ipinahayag niya:

 

"Ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na isang Diyos na tunay, at siyang iyong sinugo, samakatuwid baga'y si Jesucristo" (Juan 17:3).

 

Saan ang hanggahan na "nalalaman" natin ang Diyos? Ang ating kaalaman ba'y ayon sa katotohan ng Biblia? Dalawang magkaibang unawa ang itinuturo sa Sangkakristianuhan tungkol sa Diyos. Ang karamihang mga Iglesia ay itinuturo na Siya ay isa na may tatlong persona, bumubuo ng Ama, Anak at Espiritu Santo - isa gayon ma'y tatlo; magkapantay sa kaalaman, at pagkawalang hanggan. Sa kabila nito, ang mga Christadelphian ay tinuturo na ang aral ng "Trinity" ay mali; na ang Diyos ay isa lamang; na si Jesucristo ay ang Kaniyang Anak na ipinanganak 1,900 taon ang nakalipas, bago noon ay wala siyang pananatili sa katawan; at ang Espiritu Santo ay ang kapangyarihan ng Diyos.

 

Ang kapuwa ay hindi maaaring tama, at sa liwanag ng mga pangungusap sa itaas ng Panginoon, yaong nasa kamalian ay wala sa daan ng walang hanggang buhay, gaano man katapat ang kanilang pagtuturo.

 

Ito ay lubhang taimtim na pangungusap, at marami ang hindi nalulugod sa amin sa matigas na pangungusap na ito. Sa katotohanan, marami ang nagtatakuwil na pagtalunan ang tungkol sa Diyos bilang walang karangalan. Naniniwala silang hindi kailangan, at ihain ang mga gayong katanungan sa mga teolohiyo, na naniniwala sila na may kapamahalaan sa gayon.

 

Datapuwa't kung ang mga salita ni Cristo ay mangangahulugan ng anumang bagay, itinuturo nila na ang kaligtasan ay nababatay sa isang taong sumasamba sa Diyos "sa katotohanan." Samakatuwid, ang mambabasa ay kinakailangang magpasiya na kung ang kaniyang pangsariling kaligtasan ay mahalaga ang pagsusumikap at panahon sa pagsaliksik ng gayong bagay.

Link to comment
Share on other sites

ANG "TRINITY" AY ISANG SALUNGAT SA MGA KATAGA

 

Karamihan sa mga paraan ng pananampalataya ay naghaharap ng paniwala sa tinatawag na "Trinity." Inihaharap nila sa aral na ang Diyos ay kapuwa isa at tatlo, at bumubuo ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang aral na ito ay hindi nagbuhat mula sa Biblia (kung saan ang katagang "Trinity" ay wala) datapuwa't mula sa tinatawag na Credo ni Atanasio, na ginawa ni Atanacio, Obispo ng Alexandria, nuong ika-apat na siglo pagkatapos ni Cristo. Ipinaliwanag ang Diyos sa mga sususunod na kataga:

 

"Ang Ama ay Diyos, ang Anak ay Diyos, at ang Espiritu Santo ay Diyos. Gayon ma'y hindi sila tatlong mga Diyos; subali't isang Diyos."

 

Ang "Trinity" ay pinapaliwanag pa ng ganito:

 

"Mayroon lamang na isang buhay at tunay na Diyos, walang katapusan, walang katawan, mga bahagi o mga simbuyo ng damdamin; ng walang hanggang kapangyarihan, karunungan, at kabutihan; ang Manlalalang at Tagapanatili ng lahat ng mga bagay, maging nakikita o hindi nakikita. At sa kaisahan ng Diyos na ito ay may tatlong Persona, ng isang sangkap, kapangyarihan, at kawalang hanggan: ang Ama. ang Anak, at ang Espiritu Santo."

 

Isang maingat na pagsusuri sa pagpapaliwanag na iyon ay mahahayag ang pagsalungat at kalituhan.

 

Halimbawa, kung papaano ang "Isang Diyos" ay tatlo ang mga pagkatao? Kung papaano ang Anak na "ipinanganak" at gayon ma'y mula sa walang hanggan?

 

Sa madali't sabi, upang maniwala sa karamihang itinuturo ng mga Iglesia tungkol sa Diyos ay upang maniwala sa isang hindi mangyayari, ay isang salungat.

 

Idinidiin namin na ang pahayag na ito bilang mahalaga. Ulitin natin ito. Inihahayag namin, na may paggalang, na upang sumamba sa Diyos bilang isang "Trinity", ay upang sumamba sa isang hindi mangyayari, ay isang pagsalungat.

 

Tinuro ni Pablo na "Ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan" (1 Corinto 14:33), datapuwa't ang aral na nagtuturo na ang Diyos ay kapuwa isa at tatlo ay isang maliwanag na kamalian ng kaguluhan.

 

Subukin ninyo sa inyong sarili. Itanong sa kangino mang pari kung paano ang Diyos ay kapuwa tatlo at isa; kung papaano na Siya ay "walang katawan, mga bahagi at mga simbuyo ng mga damdamin", at gayon ma'y "isang sangkap" kung paano ang Anak ay mula sa lahat ng walang hanggan, at sa gayon ma'y "tanging bugtong na anak" (Juan 1:14).

 

Kayo ay pagsasabihan na ito ay isang "misteryo" sa kabila ng kakayahan ng sangkatauhan na maunawaan; o dili kaya'y kayo ay pagpapayuhan na huwag mabahala sa inyong sarili sa gayong walang halagang mga bagay.

 

Gayon pa man ang aral ng "Trinity" ay bahagi ng pananampalataya, tungkol sa roon, ang Aklat ng Panalangin ng Iglesia ng Englatierra ay nagsasaad: "Maliban na ang bawa't isa ay maging mabuti at walang dungis, walang alinlangan na siya ay malilipol magpakailan man."

Link to comment
Share on other sites

ANG DIYOS SA PAGKAHAYAG SA BIBLIA

 

Nakita natin na ang aral ng "Trinity" ay magkasalungat, hindi mauunawaan, at hindi ayon sa Biblia. Ano ang mapapamilian?

 

Ang turo ng Kasulatan ay ang Diyos ay isa; si Jesucristo ay ang Anak ng Diyos, ang kahayagan ng Ama; ang Espiritu Santo ay ang kapangyarihan ng Diyos. Ito ay tuwiran, mauunawaan, maayos, at sa ibabaw ng lahat, ay ayon sa Kasulatan.

 

Pagaralan ang kasunod na pahayag sa liwanag ng mga Kasulatang idinagdag:

 

  1. Isang Diyos - Ang makapangyarihan, Diyos na nananatiling sarili, ang Isang Ama, nananahan sa di malapitang kaliwanagan, na mula sa Kaniyang sariling lakas ay nilalang ang langit at lupa, at ang lahat ng nandoroon (tignan sa Deuteronomio 6:4; Isaias 44:6-8; 45:5; Marcos 12:29-32; 1 Corinto 8:4-6; Awit 124:8; 146:6; 1 Timoteo 6:15, 16).
     
  2. Ang Anak ng Diyos - Ang Panginoong Jesucristo, na ipinanganak ni Birheng Maria sa pamamagitan ng Espiritu Santo, hindi sa pamamagitan ng tao, at pagkatapos ay pinahiran ng gayon ding Espiritu, na walang sukat, sa kaniyang bautismo. Pinatay bilang isang alay sa kasalanan, binangong maguli sa ikatatlong araw, nang siya ay pinagkalooban ng walang hanggang buhay, at naghihintay ngayon ng panahon ng kaniyang pagbabalik sa lupa upang itatag ang Kaharian ng Diyos (tignan sa Lucas 1:26-33; Gawa 22:22-24, 36; Galacia 4:4; Isaias 7:14; Mateo 3:16-17; Juan 3:34; Hebreo 2:14-16; Roma 1:3; Hebreo 5:8-9; Gawa 1:11; Gawa 3:26).
     
  3. Ang Espiritu. Santo - Ang kapangyarihan ng Diyos na sa pamamagitan noon ay nalalaman Niya ang lahat ng nangyayari sa langit o lupa, na sa pamamagitan noon ay kina kalinga ang lahat ng linikha, na sa pamamagitan noon ang mga banal na lalaki noong una ay kinilos upang itala ang Kaniyang kahayagan (ang Biblia), at sa pamamagitan noon ay nakagawa sila ng mga himala nang nakaraang mga panahon (Genesis 1:1, 2; Job 26:13; 33:4; Gawa 17:25-28; Nehemias 9:30. Ikabit ang Juan 14:26; 15:26; 16:13; Gawa 1:8; 2:1-4; sa Marcos 16:17, 20 at Lucas 24:49. Tignan sa Lucas 1:35; Gawa 5:30-32; 2 Pedro 1:19-21).

 

Walang itinuturo sa Biblia na ang Diyos ay isang Tatlong Persona, o kaya'y ang Panginoong Jesucristo ay kapantay at kawalang hanggan ng Ama, bagkus ang pinakakabaligtaran.

Link to comment
Share on other sites

TINAGGAP NG MGA TEOLOHIYO NA ANG "TRINITY" AY HINDI TINURO SA BIBLIA

 

Sa katotohanan, ang katagang "Trinity" ay hindi makikita sa Biblia. Si Mosheim, sa kaniyang KASAYSAYAN NG IGLESIA, at si Gibbon, sa kaniyang ANG PAGLUBOG AT PAGBAGSAK NG EMPERYO NG ROMA (kabanatang 21), ay kapuwa kinikilala ito. Malinaw, ang kataga ay unang ginamit sa isang pagpapaliwanag na gawain ni Teopilus, Obispo ng Antioco sa Syria, noong kalahatian ng pangalawang siglo. Ang "Trinity" ng Obispong ito, gayon man, ay hindi ang makabagong aral ng Kapuwa pagkakapantay, datapuwa't isang "Trinity" ng mga kakaniyahan at hindi ng mga persona, at sinasabi niyong maliwanag, "Ang tunay na Diyos (ang Ama) ay siya lamang ang sasambahin," Hindi hanggang sa ika-apat na siglo, sa isang panahon ng malaking pagtalikod mula sa dalisay na pananampal'ataya ng mga Apostol, na ang aral ng "Trinity" ay tunay na iniharap. Naging sanhi ng mainit na pagtatalo, sapagka't marami pa ang nananatili sa turo ng isang Diyos. Datapuwa't unti-unti ang bagong aral ay nanaig, at sa huli ay tinanggap bilang pangunahing turong Cristiano, sa kaganapan ng hula na ang mga puno ng pananampalataya ay "niwalang kabuluhan ang salita ng Diyos ng inyong sali't-saling sabi" (Marcos 7:13; 2 Timoteo 4:3).

 

Maraming mga teolohiyo ang naging tapat sa pagtanggap na ang aral ay hindi tinuro sa Biblia, at hindi maaaring ipaliwanag na may katuwiran. Tinanggap nila na ang turo ay hindi mauunawaan, at iyon ay naghaharap ng isang salungat sa mga kataga. Hindi nila maipaliwanag kung paano ang isang Diyos ay maaaring tatlong Diyos at pabalik; kung paano ang Diyos ay may sangkap at gayon ma't walang anyo; o kung paano ang Anak ng Diyos sa kaniyang sarili, ay siya ring kaniyang Ama!

 

Ang aral ay isa sa kaguluhan, sapagka't ito'y hindi mula sa Biblia, subali't mula sa paganong alamat. Sa ENCYCLOPIDIA BRITANNICA, sa isang limbag, ay sinasabi:

 

"Ang mga munghahi na bumubuo ng aral ng "Trinity" ay hindi tuwirang mula sa Bagong Tipan, at hindi maihahayag sa mga kataga ng Bagong Tipan. Ito ay mga bunga ng pangangatuwiran na humahaka sa isang kahayagan sa pananampalataya.....Ito ay nabalangkas lamang sa mga daang taong ng pagsisikap, pinainam sa pamamagitan ng tulong ng mga kuro-kuro at binalangkas sa mga kataga ng 'metaphisica' ng Grego at Romano."

 

Sa madaling sabi, hindi iyon mula sa Biblia, kundi sa alamat ng pagano.

 

Ito ay pinatotohanan sa pamamagitan ng isang pahayag ni Mr. F. J. Wilkin, M. A., D.D., Propesor ng Teolohiya, Baptist College ng Victoria sa Australia. Sa isang aklat na tumutuligsa sa turo ng Christadelphian, inulat niya ang sumunod na puna:

 

"Sa Lumang Tipan, ang Kaisahan ng Diyos ay maliwanag na pinatotohanan. Ang Credo ng mga Judiyo, na inuulit sa bawa't sinagoga ay. 'Dinggin mo, O Israel ang Panginoon nating Diyos ay isang Panginoon' (Deuteronomio 6:4). Ito ang pananampalataya ng unang mga Cristiano, kaya isinulat ni Pablo 'May isang Diyos at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat' (Efeso 4:6). Subali't unti-unti, ilang karagdagan o pagbabago ng credong .ito ay nakitang kinakailangan. Ang mga Cristiano ay ganap na nahikayat sa kadiyosan ni Jesucristo at sa huli ang pagka-diyos ng Espiritu Santo, at sila'y inatasan na banggitin ang mga pananalig na ito sa kanilang paniniwala sa Kaisahan ng Diyos. Sa loob ng maraming mga taon, ang suliranin ay pinagusapan at maraming mga pagpapaliwanag ang nangyari. Isa sa ipinauna ni Saballius, na naging tanyag ay na ang Cristo at ang Espiritu Santo ay sunod-sunod na mga kahayagan ng Makapangyarihang Diyos, datapuwa't sa wakas, ang paniniwala ay nanaig na ang mga katagang Ama, Anak, Espiritu, ay inihayag na walang hanggang katangian ng Diyos. lyon ay ang "Trinity" ng kahayagan ay naghahayag ng Tatluhang-kaisahan ng Persona. Sa ibang mga salita, na ang Cristo at ang Espiritu Santo ay kawalang hanggan kasama ang Ama. Maliban sa mga 'Unitarian', ito ang paniniwala ng Sangkacristianuhan ngayon.....Subali't ang Christadelphian ay ipinagkakaila ang 'Trinity'.....Sa pagkakailang ito hinahamon niya ang lahat ng mga Iglesia Cristiana" (mula sa CHRISTADELPHIANISM, na nilimbag ng "The Australian Baptist" sa Victoria).

 

Ang pahayag na ito ay sumusuray sa kaniyang katapatan. Ito'y inaamin na ang aral ng "Trinity" ay hindi mahahanap sa Biblia, na ito ay kaiba mula sa turo ng mga Apostol, at iyon ay "inampon" lamang ng Iglesia matapos ng maraming taon ng pagtatalo, sapagka't ang mga kasapi ay "ganap na nahikayat sa pagka-diyos ni Jesucristo, at sa huli ang pagka-diyos ng Espiritu Santo."

 

Ang mga tapat na manahamba ba ay hindi na maisasapangib ang kanilang walang hanggang kaligtasan sa pamamagitan ng pagsasalalay ng kanilang mga pagasa, sa pagtataguyod ng kanilang pagsamba, sa gayong malabong mga batayan?

 

Ang sumulat ay pinagbibintangan ang mga Chritadelphian na may hamon sa "lahat ng Iglesia" sa pamamagitan ng pagpapabulaan sa aral ng 'Trinity.'

 

Sa paglalagay ng kanilang tiwala sa Biblia, gayon man, masayang tinatanggap ng mga Christadelphian ang hamon.

 

Ginagawa nila iyon na isinasaisip ang kahalagahan ng aral gaya ng diniin ng Panginoon sa kaniyang sarili, at ang hula ni Pablo. Tinuro ni Cristo: "Ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at siyang iyong sinugo si Jesucristo" (Juan 17:3). Nagbigay na ng babala si Pablo: "Darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita" (2 Timoteo 4:3).

 

Ang mambabasa ay utang niya sa kaniyang sarili, at hindi sa kaniyang Diyos, na saliksikin ang katotohanan ng bagay. Alalahanin, tinuro ni Cristo: "Sasambahin ng tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa Kaniya" (Juan 4:23).

Link to comment
Share on other sites

PINABULAANAN Nl CRISTO ANG "TRINITY"

 

Ang hango na ating binanggit sa ENCYCLOPAEDIA BRITANNICA, AY NAGSASABI NA ANG ARAL NG "Trinity" ay "pinainam sa pamamagitan ng tulong ng mga kuro-kuro at binalangkas sa mga kataga ng mga 'metaphisica' ng Grego at Romano."

 

Ang kahulugan nito ay ito ay mulas sa paganismo.

 

Ang Katibayan ay totoo. Ang haka-haka ng "Trinity" ay makikitang magkatulad sa paganong alamat ng Roma, Grecia, Babylonia at Egypto: subali't hindi sa Biblia.

 

Sa kasalungat nito, tumunog ang matigas na pahayag ng Diyos: "Dinggin mo, O Israel, ang Panginoon nating Diyos ay isang Panginoon" (Deuteronomio 6:4).

 

Ang paniniwala sa isang Diyos ng mga Hebreo ay isang kakaibang kaiangian sa paniniwala sa maraming Diyos ng daigdig ng pagano.

 

Sa gayon ding paraan, hinahamon ng turo ng Christadelphian ngayon ang "Trinity" ng mga secta at iglesia sa paligid.

 

Si Mr. Wilson, sa kaniyang pahayag, ay nagpapahiwatig na nakagawa ng isang pagkakamali sa kaniyang pahayag, at yaong mga teolohiyo noong ika-apat na siglo ay may higit na nalalaman tungkol sa bagay kaysa kay Moses, Pablo, Jesucristo, o sa Diyos sa Kaniyang sarili!

 

Sapagka't inayunan ni Jesucristo ang kaniyang paniniwala sa Isang Diyos. Nang siya ay tanungin kung alin ang pinakadakilang utos, sumagot ang Panginoon: "Pakinggan mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Diyos, ang Panginoon ay iisa, at iibigin mo ang Panginoon mong Diyos ng buong puso mo", at iba pa (Marcos 12:29).

 

Ang isang lalaking escriba, isang lalaki na matibay ang paniniwala sa kaisahan ng Diyos, at mabagsik na tatanggihan ang "Trinity" bilang paganismo, sa pagkarinig ng pahayag ng pananampalataya ng Panginoon, ay pumuna:

 

"Sa katotohanan, Guro, ay mabuti ang pagkasabi mo na Siya'y iisa; at wala nang iba liban sa Kaniya: at Siya'y iibigin ng buong puso mo, at ng buong pagkaunawa, at ng buong lakas, at ibigin ang kapuwa niya na gaya ng sa kaniyang sarili, ay higit pa kaysa lahat ng mga handog na susunugin at mga hain."

 

Ang kasagutang ito ay nakalugod sa Panginoong Jesus. Ang Judiyo ay ipinahayag ang pananampalataya sa isang tunay na Diyos; ay nagbigay ng pananalita sa mga mananamba sa pagkakaloob ng mapagmahal na paglilingkod sa kabila ng pagganap ng kautusan lamang. Siya ay naliwanagan sa kabila ng marami na nakaharap ng Panginoon. Bumaling si Jesus sa kaniya:

 

"Hindi ka malayo sa Kaharian ng Diyos" sinagot niya (talatang 32-34).

 

Ano pa ang kailangan ng escribang Judiyo upang makatiyak sa kaharian? Ipinahayag ng Panginoon kung ano ang kailangan sa kaniyang panalangin na atin nang nabanggit:

 

"Ito ang buhay na walang hanggan upang makilala ka nila, na isang tunay na Diyos, at si Jesucristo na iyong sinugo" (Juan 17:3).

 

Alam ng escribang Judiyo ang "isang tunay na Diyos", kinakailangan pa niyang yakapin ang nagliligtas na mga batayan ng pangalan ni Jesus bilang isang pakikipagkasundo sa kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya at baustismo doon (tignan ang Gawa 2:38).

 

Sa kasamaang palad, ang mga Iglesia ng Sangkakristianuhan, sa kanilang pagtuturo ng isang tatluhang Diyos, ay tinanggihan ang kuro-kuro sa pagka-Diyos, na ginagamit ng erscribang Judiyo, sa kaniyang banggit, at lubhang malayo sa Kaharian ng Diyos.

 

Basahing maingat ang tala ng pakikipagusap ni Cristo sa escribang Judiyong ito na natala sa Marcos 12:29-34, at tanungin ang inyong sarili ng ganitong katanungan: Lumisan ba siya sa harap ng Panginoong Jesucristo sa paniniwala na siya ay ang pangalawang persona ng isang tatluhang Diyos?

 

Hindi! At ang kaniyang pahayag ng paniniwala ay tumanggap siya ng pagsangayon mula sa Panginoon: "Hindi ka malayo sa Kaharian ng Diyos."

 

Anong isang pagkahabag, na ang mga teolohiyo ay ginagawang hiwaga ang pagka Diyos, nililito yaong malinaw at payak, at lihis sa turo ng Biblia, ay ipinilit na ang Diyos ay tatlo!

 

Anong isang pagkahabag, na sa malas ang mga tapat at mabubuting tao ay natangay mula sa katuruan ng mga Apostol, gaya ng babala ni Pablo na mangyayari: "Sinabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya....." (1 Timoteo 4:1).

Link to comment
Share on other sites

KATURUAN NG MGA APOSTOL TUNGKOL SA DIYOS

 

Ang pahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Moses, at sa pagsangayon sa katuruang ito ng ating Panginoong Jesus, ay ang batayan ng lahat ng aral ng mga Apostol tungkol sa Diyos. Narito ang ilang mga pahayag mula sa kanilang katuruan, sa pagpapatotoo na ito ay tumpak:

 

"Sa ganang atin ay may isang Diyos lamang, ang Ama, na buhat sa Kaniya ang lahat ng mga bagay.....at isa lamang Panginoon, si Jesucristo.....gayon may wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyon" (1 Corinto 8:6-7).

 

"May isang Diyos at may isang Tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus" (1 Timoteo 2:5).

 

"Isang Panginoon (si Jesucristo).....at isang Diyos at Ama ng lahat" (Efeso 4:6).

 

"Si Jesus na taga Nazaret, lalaking pinatunayan ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan at mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya" (Gawa 2:22).

 

"Si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Diyos ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan; na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mpa pinahihirapan, sapagka't sumasa kaniya ang Dips" (Gawa 10:38).

 

Ang lahat ng mga pahayag na ito ay tugma sa pahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Moses. Binabanggit nila na ang Diyos ay isa, ang Ama, at sa Panginoong Jesucristo bilang ang Kaniyang bugtong na Anak, ipinanganak ni birheng Maria, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo (kapangyarihan ng D!yos). Wala silang ibinibigay na patunay sa aral ng "Trinity", bagkus ang pinakakabaligtaran.

 

Sa pagkilala na ang Diyos ay hinahanap yaong sumasamba sa Kaniya sa katotohanan (Juan 4:23), gawin natin, sa paggalang sa Kaniyang katuruan, at sa pagibig sa Kaniyang pagkatao, ay saliksiking mahinahon ang katotohanan ng mahalagang aral na ito, upang makapaglingkod tayo sa Kaniya ng karangalan ukol sa Kaniyang banal na pangalan.

Link to comment
Share on other sites

ANG ANAK AY BANAL, SUBALI't HINDI KAWALANG-HANGGANG KASAMA ANG AMA

 

Kung magkaminsan ay ipinahahayag na ang mga Christadelphian ay tinatanggihan ang pagkabanal (divinity) ng Panginoong Jesus. Ito ay mali. Samantalang tinatanggihan ng mga Christadelphian ang aral ng "Trinity" bilang lihis sa Kasulatan, hindi sila umaayon sa hangganan ng "Uritarianism", na tumitingin kay Jesus na "isang tao lamang" ang anak ng isang makalupang ama.

 

Mayroong higit na ibang bagay kaysa "isang tao lamang" sa isa na, sa ilalim ng gayong mga pagbubunsod na kaniyang tiniis, ay naghayag ng kahanga-hangang pagpipigil, ang magandang asal at walang pagkatasalang buhay na inihayag ng Panginoon.

 

Yaong "higit na ibang bagay" ay nahayag sa paraan ng kapanganakan ng Panginoon, at sa paraan ng pagpapahid sa kaniya ng Espiritu Santo na "walang sukat" (Juan 3:34).

 

Tinuro ni Pablo na "ang Diyos ay nakay Cristo" pinagkakasundo ang sanglibutan sa Kaniyang sarili (2 Corinto 5:19). Si Jesus ay. ang kahayagan ng Diyos, gaya ng kaniyang pinatotohanan sa kaniyang sarili (Juan 6:62, 63). Sa kalikasan siya ay katulad ng lahat ng sangkatauhan, "Tinukso sa lahat ng mga bagay gaya ng kaniyang mga kapatid" subali't sa kapanganakan at asal ay banal (divine) (Hebreo 4:14-16). Doon siya ay kaiba mula sa lahat ng mga tao bago pa o simula noon.

 

Sa ANG PAHAYAG, itinala ng mga Christadelphian ang katotohanan sa sumusunod na mga kataga:

 

"Si Jesucristo, ang Anak ng Diyos, ay hindi ang 'pangalawang persona' ng isang walang hanggang "Trinity", kundi ang kahayagan ng 'lsang Walang Hanggang Manglilikha' na sumasa ibabaw sa lahat at sumasa lahat (Efeso 4:6), at sa kaniya ang lahat ng mga bagay (Roma (11:36). Sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu, ang Manlalalang na ito ay ipinanganak si Jesus, samakatuwid ay ang Kaniyang Anak; sa pamamagitan ng gayon ding kapangyarihan ay pinahiran Niya siya at nanahan sa kaniya, at nagsalita sa Israel sa pamamagitan niya (Hebreo 1:1). Si Jesucristo, samakatuwid, sa mga araw ng kaniyang kahinaan, ay nararapat na pagaralan sa dalawang paraan, isa ay Pagka-Diyos, at isa ay Pagkatao. Ang tao ay ang Anak, na ang pananatili ay mula sa kapanganakan ni Jesus, ang Diyos na nananahan sa kaniya ay ang Ama, na walang pasimula ng mga araw, ay Siya lamang ang walang hanggang nananatili. Ang kaugnayan ng Diyos sa Anak ay hinalimbawa sa pangyayari na isinaysay sa Lucas 1:35, na sa pamamagitan ay naitatag ang sinulat ni Pablo na 'ang hiwaga ng kabanalan; yaong nahayag sa laman, pinapaging banal sa espiritu, nakita ng mga anghel, ipinangaral sa mga bansa, sinampalatayanan sa sanglibutan, tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian' (1 Timoteo 3:16)."

 

Si Jesus ay "ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan" (Galacia 4:4), at, samakatuwid, sa kalikasan, ay katulad ng "kaniyang mga kapatid" (Hebreo 2:17).

 

Subali't siya'y ipinanganak din "hindi sa kalooban ng dugo, ni sa kalooban ng laman, kundi ng Diyos" (Juan 1:13). Ang Espiritu Santo ay bumaba kay birheng Maria, at sa pamamagitan ng himalang paraan na ito, ang Anak ng Diyos ay ipinanganak (Lucas 1:35). Matapos siyang ipanganak, ipinahid sa kaniya ang Espiritu Santo na walang sukat (Juan 3:34), kaya't nililiman ng Diyos ang kaniyang pagunlad.

 

Ang lahat na ito ay sa dahilan ng pagliligtas niyaong tatanggap ng tulong ng Diyos. Inakay ni Cristo sa daan ng walang hanggang buhay ukol sa lahat niyon. Kung paano siyang pinalakas ng Diyos upang makapanaig, gayon din ang mga mananampalataya na mapapalakas (Filipos 4:13); kung paano siyang ipinako sa krus, gayon din na kinakailangan nilang matutuhan ang pagkakaila sa laman upang paglingkuran ang Diyos sa katotohanan (Galacia 5:24).

 

Ang tunay na mga pananalita na laging ginagamit ni Cristo, ay ipinakikita na hindi niya inaangkin na siya ay ang Diyos sa lubos na unawa. Nanalangin siya: "huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo" (Mateo 26:39). Sinabi niya sa kaniyang mga alagad: "Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin" (Juan 7:10). Kung siya ay nagaangkin ng pakikipantay sa Diyos, hindi sana niya gagamitin ang mga pananalitang yaon kundi aangkinin ang kalooban at katuruan ng Ama bilang nagmumula kapuwa mula sa kaniyang sarili. Sa kabaligtaran, tinuro niya, "Hindi ako makagagawa ng anuman sa aking sarili" (Juan 5:30), at "ang Ama ay lalong dakila kay sa akin" (Juan 14:28).

 

Totoo, na si Jesucristo, bilang kahayagan ng Diyos, bilang isa na ganap na ipinagkaloob ang kaniyang sarili sa kalooban at panukala ng Ama, ay masasabi: "Ako at ang Ama ay iisa" (Juan 10:30), at ang panana litang ito ay madalas na mapagkamalian bilang isang angkin ng pagkakapantay sa Diyos. Yaong gumagawa noon, gayon man, ay nakaligtaan ang katotohanan na kung ano ang inangkin ni Jesus ukol sa kaniyang sarili ay hiniling din niya ukol sa kaniyang mga alagad. Sa Juan 17:21, ipinanalangin niya: "Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y sumaatin." Kung ang unang pananalita ay nangangahulugan ng pakikipantay ng Anak sa Ama, ang huling pananalita ay kasama iyon na mapaloob ang lahat ng mga mananampalataya!

 

Sa katotohanan, hindi itinakda ng Biblia ang Diyos bilang isang "Trinity", kundi ang Diyos sa karamihan, ang Diyos ay nahayag sa karamihan ng mga tinubos na si Cristo ang pangulo. Kaya't tinuro ni Pablo: "mga tagapagmana sa Diyos, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo" (Roma 8:17).

 

Subali't kung si Jesus ay tunay na Diyos, papaanong masasabi na tayo ay "kasamang tagapagmana" niya sa Diyos! Ito'y isang kabaligtaran na isulat. Isaalang-alang din ang pahayag sa Hebreo 2:10-11.

 

"Sapagka't nararapat sa Kaniya (ang Diyos) na pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian, na gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit. Sapagka't ang nagpapagingbanal (ang Panginoong Jesus) at ang mga pinapagingbanal (ang mga tinubos) ay pawang sa isa (ang Diyos); sa dahil dito'y hindi siya (ang Panginoong Jesus) nahihiyang tawagin silang mga kapatid.

 

Kaya't tinawag ni Jesus ang mga tinubos na "mga kapatid", sapagka't sila, gaya niya, ay utang ang kaniyang kalagayan kapag naluwalhati sa Ama. Subali't kung siya ang Diyos sa lubos na unawa, papaano siyang makapagsasalita tungkol sa mga tinubos? Magiging bahagi din sila ng Diyos!

Link to comment
Share on other sites

Sl CRISTO JESUS: ISANG TAO

 

Ang Biblia, samakatuwid, ay hindi nagtatakda na ang Panginoong Jesus ay ang pangalawaag persona ng Diyos, kundi inihahayag bilang isang tao. Binanggit siya na isang "taong si Cristo Jesus" (Gawa 2:22; 1 Timoteo 2:5; Roma 5:15), ang "propetang katulad ni Moses" (Deuteronomio 18:15; Gawa 3:22; Mateo 21:11), "ipinanganak ng isang babae" (Galacia 4:40, "Na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasaianan" (Hebreo 4:15), "natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis" (Hebreo 5:8), "naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligatas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot" (Hebreo 5:7).

 

Papaano mong maiuugnay ang mga katagang ito sa isa na Diyos sa lubos na unawa? Hindi maaari! Halimbawa, ang Biblia ay nagtuturo na ang Diyos ay hindi maaaring matukso (Santiago 1:13), at gayon ma'y si Jesus ay napailalim sa tukso; ang Biblia ay nagtuturo na ang Diyos ay hindi maaaring mamatay (1 Timoteo 6:17), at gayon ma'y namatay si Jesus; ang Biblia ay nagtuturo na si Jesus ay nagalay ng mga panalangin sa Diyos; inalay ba niya iyon sa kaniyang sarili?

 

Sa karagdagan, hindi umangkin ang Panginoon ng pagkakapantay sa Diyos. Nang magtanong ang mga alagad sa isang pagkakataon, ipinahayag niya:

 

"Tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama" (Marcos 13:32).

 

Sa pahayag na ito, ipinagtapat ng Panginoon na siya ay may hangganan sa kaalaman, Papaano yaong mangyayari kung siya ay Diyos? Maraming nangangatuwiran na siya ay nagsasalita mula sa kalagayan ng kaniyang pagkatao, na kanilang idinadahilan, na kaniyang ipinalagay sa dahilan ng pagliligtas sa sangkatauhan, subali't walang katibayan sa Kasulatan sa gayong haka. Gayon pa man, kung ito'y totoo, kinakailangan na nagaari siya ng lahat ng kaalaman nang siya ay umakyat sa langit, samantalang sa Apocalipsis 1:1 ay nagtuturo ng kabaligtaran. Inaangkin niyon na ang Apocalipsis ay karagdagang kaalaman "na ibinigay ng Diyos sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin" ang mga bagay na darating. Kung kinakailangan sa Diyos na ibigay ang Apocalipsis sa Panginoon, malinaw na hindi siya nagaari ng pagkakapantay sa kaalaman ng Ama, bagkus nasa ilalim Niya. Tunay, si Cristo, sa kaniyang sarili, ay tinuruan ang kaniyang mga alagad na gayon nga ang kalagayan nang hindi niya masagot ang mga katanungan sa kaniya, tungkol sa kaalaman na nananatili sa kapangyarihan ng Ama (Gawa 1:7).

 

Gumagamit ang Biblia ng mga kataga tungkol kay Jesus na hindi angkop kung siya ay Diyos. Nilalarawan siya na napapagod (Juan 4:6), tumatangis (Juan 11:35), nananalangin ukol sa lakas (Hebreo 5:7, bilang nagaari ng isang kalikasan; na nasa ilalim ng kamatayan, na pangkaraniwan sa lahat ng sangkatauhan (Hebreo 2:14), bilang nangangailangan ng katubusan (Hebreo 9:12; 13:20), na "nakikipagaway laban sa kasalanan" (Hebreo 12:4), na lumupig sa laman (Juan 6:63).

 

Itinuturo na "ang Diyos ay na kay Cristo" (2 Corinto 5:19), upang "palakasin siya" (Awit 80:17; Isaias 11:2-3), upang ang sanglibutan ay "maipagkasundo sa kaniyang sarili" (2 Corinto 5:21). Samakatuwid ay itinatakda siya bilang pahayag ng pagibig ng Diyos doon sa nagtitiwala sa Kaniya, na iyon sa pamamagitan niya ay maglaan ng mga paraan upang ang katubusan ay dumating sa makasalanang sangkatauhan (Juan 3:16).

 

Nang dahil sa kaniyang ganap na pagsunod, ang kaniyang buong paglupig sa laman, siya ay ibinangon mula sa patay (Gawa 2:24). Sa gayon ay nagbubukas ng daan ukol sa katubusan sa pamamagitan ng pagpapatawad ng mga kasalanan, siya ay naging maygawa ng walang hanggang kaligtasan sa lahat ng lalapit sa Diyos sa itinakdang daan (Roma 4:25; Galacia 3:26-39).

 

Kung si Jesus ay ang pangalawang bahagi ng isang tatluhang Diyos, ano ang dahilan ng mapanglaw na pagtangis na nagmula sa kaniyang mga labi noong paghihirap sa Calbario, nang inalis ng Diyos ang Kaniyang Espiritu mula sa Kaniya: "Diyos ko, Diyos ko bakit mo ako pinabayaan?" (Marcos 15:34).

 

Kung si Jesus ay ang pangalawang persona ng isang "Trinity", papaanong maisusulat ni Pablo tungkol sa kaniya sa panahon ng kaniyang pinakadakilang tagumpay nang ang lahat ng mga kalaban ay mapasuko sa harap niya:".....ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko sa lahat ng mga bagay sa Kaniya, upang ang Diyos ay maging lahat sa lahat" (1 Corinto 15:28)?

 

Sa gayong panahon, nang ang tagumpay ng Anak ay ganap, siya ay mapapasa ilalim pa sa Ama; isang katotohanan na may buong kaibahan sa katuruan ng mga Iglesia ng Sangkakristianuhan, datapuwa't ganap na kasangayon sa nahayag sa aklat na ito.

Link to comment
Share on other sites

Sl JESUS BILANG DIYOS

 

Totoo na ang pamagat ng Diyos ay ikinapit sa Panginoong Jeus. Halimbawa, si Tomas ang apostol na tumangging maniwala na ang Panginoon ay bumangon mula sa patay, hanggang sa matanggap niya ang nakikitang katibayan ng katotohanan niyon. Nang magpakita si Jesus sa harap niya, at ipinakita ang mga tanda sa kaniyang mga kamay, sumigaw siya: "Panginoon ko at Diyos ko" (Juan 20:28).

 

Ano ang ibig niyang sabihin?

 

Sa una, hiniling ng mga Apostol kay Jesus na turuan sila tungkol sa Ama (Juan 14:8) Siya ay sumagot: "Ang nakakita sa akin ay nakita ang Ama." Nakita nila ang Ama kay Jesus, sapagka't, gaya ng sinabi pagkatapos, inihayag niya Siya sa mga Apostol (Juan 17:6, 26).

 

Ngayon ang maluwalhating katotohanan, na ang isa na tapat na sinundan ng mga Apostol ay ang kahayagan ng Diyos, ay sumabog kay Tomas na gaya ng isang nakabubulag na liwanag, ang dahilan ng kaniyang pagbulalas: "Panginoon ko at Diyos ko."

 

Pinakakahulugan ba niya dito ay si Jesus ang pangalawang persona ng Diyos? Hindi. Ang gayong pangungusap na ginamit ni Tomas ay madalas ikapit sa loob ng Kasulatan ukol doon sa nahayag ang kapamahalaan ng Diyos, at sa gayon ay isinulat sa kanilang katayuan bilang Kaniyang mga kinatawan.

 

Ito ay maaaring nakalilito, subali't sa katotohanan, ay isang anyo ng pagsasalita na pangkaraniwang gamit.

 

Halimbawa, ang isang ahente ay lumalakad sa pangalan ng compania na kaniyang pinaglilingkuran na may buong kapamahalaan. Ang ahente ng compania ay naisasama ang kaniyang pagkatao sa pangalan ng companiang kaniyang kinakatawan. Ang pangalan niya ay maaaring Jose, subali't sa pagsagot sa tawag, siya ay sasagot "Meralco ito" na walang pagkalito.

 

Ito ay totoo rin sa mga kinatawan ng Diyos, gaya ng pinaalala ni Jesus sa mga Judiyo nang hamunin nila siya. Sinabi nila: "Kung ikaw ay ang Cristo sabihin mo sa amin ng maliwanag" (Juan 10:24). Sa kasagutan, tinuro ni Jesus ang mga himala at mga gawa na kaniyang ginawa na sinasabi: "Ito ang siyang nagpapatotoo sa akin", at tuloy na kaniyang binigkas ang mga salitang yaon, na madalas na di maunawaan: "Ako at ang Ama ay iisa" (talatang 30). Ang mga Judiyo, gaya ng "Trinitarian" ay hindi siya naunawaan. Inakala nila na siya ay umaangkin ng pakikipantay sa Diyos, at hindi nila naunawaan na ang lahat ng kaniyang ginagawa ay ang pagangkin ng kahayagan ng Diyos (1 Timoteo 3:10). Ipinahayag nila na siya'y namumusong sapagka't, "Nang dahil sa siya ay tao ginawa niya ang kaniyang sarili na Diyos."

 

Ang kasagutan ng Panginoon sa bintang na ito, hindi lamang ipinakikita na tinaggihan niya ang haka-haka ng pagkapantay sa Diyos, kundi pinawalang saysay ang katuruan na kung Ikinakapit ang pamagat na "Diyos" sa kaniya, ito ay sa unawa na ginagawa siyang "tunay na Diyos ng tunay na Diyos." Sumagot siya: "Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, kayo'y mga diyos? Kung tinawag niyang mga diyos yaong dinatnan ng salita ng Diyos (at hindi mangyayaring sirain ang Kasulatan), sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong, sapagka't sinasabi ko, Ako ang Anak ng Diyos?" (Juan 10:34).

 

Ang pagpapaliwanag na ito ng Panginoon ay pinakikita ng malinaw na kung ang pamagat na "Diyos" ay ikinakapit sa kaniya, ay hindi nagpapahiwatig ng pagkapantay ng "Trinitarianism" gayon din kung ikakapit doon sa "dinatnan ng salita ng Diyos" at sino sila? Sila ay ang mga saserdote ng Israel, na galing sa Diyos ang kanilang kapamahalaan, at humuhukom alang-alang sa Kaniya. Sila ang Kaniyang mga kinatawan sa bansa, at samakatuwid Diyos sa pamamagitan ng pagka-kinatawan, sapagka't ang Diyos ay "kasama nila sa kanilang paghatol" (2 Cronicas 19:6). Samakatuwid, sa pagtayo sa harap ng mga saserdote ay katumbas ng tumatayo "sa harap ng Panginoon" gaya ng ipinakikita ng Deuteronomio 19:17.

 

Sa karamihang mga halimbawa, ang salitang "Diyos" ay makikita sa Biblia, ay ganito ang bilang katumbas ng salitang Hebreo "Elohim", isang kataga na isinalin ding "anghel" (Awit 8:5) at "hukom" (Exodo 21:6; 22:8-9). Sa "Revised Version" ng Biblia, ang kataga ay isinaling "Diyos" sa mga dakong ito. Kaya, sa halip na basahing: "Sila ay dadalhin sa mga hukom (Elohim)", ang R. V. ay mababasang: "Sila ay dadalhin sa Diyos." Katunayan, ang nasasakdal ay dinadala sa harap ng mga hukom na saserdote sa Israel, na humuhukom alang-alang sa Diyos, at mayroong pamagat na Diyos na ibinigay sa kanila sapagka't sila ay ang Kaniyang mga kinatawan.

 

Binanggit ni Jesus mula sa Awit 82:6, sa pagpapaliwanag nito sa mga Judiyo. Doon, nagsalita ang Diyos sa may kamatayang mga pinuno ng Israel, na nagsasabi: "Aking sinabi. Kayo'y mga diyos, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan. Gayon ma'y mangangamatay kayong parang mga tao.....". Ang mga may kamatayan na ito ay "mga diyos" sapagka't sila ay ang Kaniyang mga kinatawan sa bansa. Ang Awit na ito, kung gayon, ay ipinakikita na ang pamagat na "Diyos" ay maaari ding ikapit sa mga may kamatayan kung sila ay pinagkalooban ng tungkuling may maka-diyos na pamamahala.

 

Sa Zacarias 12:8, ang pamagat na "Diyos" ay ipinagkaloob sa "sangbahayan ni "David" sa darating na panahon ng Kaluwalhatian. Sa Exodo 7:1 ito ay ikinapit kay Moses.

 

"Tignan mo", sinabi ng Diyos kay Moses, "ginawa kitang diyos kay Paraon. Siya ay ginawang "Diyos" sapagka't kinatawan niya ang Diyos kay Paraon.

 

Ang pagamit na ito ng pamagat na "Diyos" ay ipinakikita na, bagama't ito ay ikinapit sa Panginoong Jesus, ay hindi siya ibinibilang na isang bahagi ng "Trinity" na gaya din noong mga saserdote at mga pinuno sa Israel na minsang pinagkapitan.

 

Ang pamagat ay madalas ikapit sa mga anghel bilang mga kinatawan ng Diyos.. "Narito", sinabi ng Diyos kay Moses, "Aking sinugo ang isang anghel sa unahan mo, upang pangalagaan ka sa daan.....magingat kayo sa kaniya, at dinggin ninyo ang kaniyang tinig.....sapagka't ang aking pangalan ay nasa kaniya" (Exodo 23:20). Ang anghel ay kinatawan ng Diyos, subali't hindi ang sarili ng Diyos. Siya ay isa doon sa mga mensahero na sinugo bilang mga espiritung naglilingkod alang-alang sa bayan ng Diyos (ihambing sa Hebreo 1:13-14).

Link to comment
Share on other sites

MAAARI TAYONG MAGING BILANG DIYOS

 

Ito ay hangarin ni Adan at Eba na sila ay maging "kapantay sa mga diyos" (mga anghel)"; ito ang pagasa ng mga tinubos na sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban ng Diyos, na sila ay umabot sa ganong kalagayan, at maging "kapantay sa mga anghel" (Lucas 20:36).

 

Tinuro ni Pablo: "Tayo'y mga anak ng Diyos: at kung mga anak, ay mga Tagapagmana nga; mga Tagapagmana sa Diyos, at mga kasamang Tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y luwalhatiin namang kasama niya" (Roma 8:17).

 

Isa alang-alang ang sumusunod na mga Kasulatan na ikinapit sa mga tinubos:

 

"Nagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Diyos" (Roma 5:2).

 

"Ipinagkatoob Niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo ng kalikasan ng Diyos, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita" (2 Pedro 1:4).

 

“Dinalaw ng Diyos ang mga Gentil, upang kumuha sa kanila ng isang bayan sa Kaniyang pangalan" (Gawa 15:14).

 

"Ipinananalangin ko sila na nagsisisampalataya sa akin ..., upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila naman ay sumaatin' (Juan 17:20-21).

 

Ang mga pananalitang ito ay nagpapatotoo sa dakilang pagasa na itinakda sa mga mananampalataya. Sila'y makakaabot sa "kaluwalhatian ng Diyos", "kalikasan ng Diyos" ang "pangalan ng Diyos", at bumuo sa "kaisahan kasama Siya." Ang Panginoong Jesus ay nakamtan ang lahat ng ito, kaya't nasa kaniya ang pangalan ng Diyos na ipinagkaloob sa kaniyang sarili, isang pangalan na Kaniyang ipinangako sa lahat ng tunay na mga mananampalataya, na inilalarawan bilang "tagapagmana ng Diyos" kasama siya (Roma 8:17).

 

Tiyak na malinaw, kung gayon, na ang pagtataglay ng pangalan ng Diyos ay hindi nangangahulugan na ang nagtataglay ay kapantay sa Diyos, sa haka ng "Trinitarian", na bumabahagi sa isang Tatluhang Diyos; kung gayo'y sa isang banda ay kinakailangan ding ikapit sa lahat ng mga mananampalataya na makakamtan yaong maluwalhating pagasa.

 

Sa madaling sabi, itinakda ng Biblia ang pagasa na kung ano si Jesucristo ngayon maluwalhati, banal, walang kamatayan - ay matatamo ng mga tinubos. Siya, gaya ng mabuting pastol, ay namatnubay sa daan lumalagos sa lambak ng kamatayan tuioy sa ibayo ng kaluwalhatian, at tinatawag niya ang kaniyang mga tupa na sumunod sa kaniya (Juan 10). Siya ay ang lingkod ng Diyos sa gayong paraan (Gawa 2:13-26 - ang pamagat na "Anak" sa mga talatang ito ay nararapat na "lingkod" sa R. V.). Kaya't tinuro ni Pedro:

 

"Ibinangon ng Diyos ng ating mga magulang si Jesus, na siya ninyong pinatay, na ibinitin sa isang punong kahoy. Siya'y pinadakila ng Diyos ng Kaniyang kanang kamay upang maging Prinsipe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan" (Gawa 5:30-31).

 

Kung si Jesus ay Diyos sa katotohanan, magiging kadakilaan ba na itaas siya upang maging isang Prinsipe at isang Tagapagligtas? Tiyak na hindi! Ang katotohanan na itinuro ni Pedro na si Jesus ay nataas sa gayong kalagayan ay kapanipaniwalang ipinakikita na si Jesus bago noon siya ay may mababang kalagayan.

Link to comment
Share on other sites

ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS - ANG ESPIRITU SANTO

 

Ang Espiritu Santo ay ang lakas o kapangyarihan ng Diyos na sa pamamagitan noon ay nagawa ang lahat ng nilikha, at sa pamamagitan noon ay kumalinga. Samantalang ang Diyos, sa Kaniyang sarili, ay naroon sa langit, na ang Kaniyang Espiritu ay nakalat sa kabuuan ng nilalang (Awit 139:7-12). Ang lakas na galing sa Diyos ay ang pinagmulan ng lahat ng nilalang (Gawa 17:25). Sa gayong pagkakaugnay, inaayunan ng agham ngayon ang Kasulatan sa pamamagitan ng pagtuturo na ang lakas ay ang pinagsasaligan ng lahat ng bagay.

 

Ang Espiritu ay kung magkaminsan ay binibigyan ng pagkatao sa Biblia, gaya sa Juan 16:7-8, at ito ay naakay ang marami na maniwala na ito ay isang persona. Ginagawa nila iyon sapagka't hindi nila isinaalang-alang ang isang kawikaan ng katutubong salitang Grego. Sa Grego, ang lahat ng mga bagay na walang buhay na kung sa Ingles ay isusulat sa "neuter gender" (hindi lalaki o babae) ay binibigyan ng isang "masculine gender" (lalaki), o "feminine gender" (babae), kung ang mga bagay na yaon ay kinikilala sa kanino mang tanging tao. Halimbawa, ang isang upuan ay inilalarawan sa Ingles na "it" sapagka't ito ay "neuter" (hindi lalaki o babae). Subali't sa Grego ang upuan ay makikilala sa mayari. Halimbawa, kung iyon ay akin, ang upuan ay ilalarawang "He", kung iyan ay sa aking asawa, ay "She".

 

Sa ganitong pangangatuwiran, ang Espiritu Santo ay madalas lagyan ng pagkatao sa Kasulatan, ikinakapit iyon sa Diyos, kaya't ito ay nilalagyan ng pagkatao bilang "He." Gayon pa man, kung ang Espiritu Santo ay tunay na isang tao, nararapat ito na isulat bilang "He" sa lahat ng dako kung saan ang kataga ay binabanggit. Subali't hindi. Kung magkaminsan ay binabanggit sa "neuter" (hindi lalaki ni babae). Sa Roma 8:16, sinulat ni Pablo: "Ang Espiritu rin (itself) ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Diyos." Ang "neuter na ITSELF" ay ginamit, at ito ay sangayon sa textong Grego, na tatanggapin ng sinumang palaaral na Grego.

 

Sa paglalagay ng pagkatao sa mga bagay na walang buhay ay karaniwan sa Kasulatan. Ang Karunungan ay inilalarawan bilang isang babae (Kawikaan 9:1), and "mammon" ay inilalarawan na isang kaibigan (Lucas 16:9), ang kasalanan ay kinakapitan ng pagkatao bilang isang nagaari ng alipin (Roma 6:16), ang Espiritu Santo bilang isang Mangaaliw (Juan 14:26), na inihayag ang espiritu ng katotohanan. Kaya't inihayag ni Mikas "Ako ay puno ng kapangyarihan sa pamamagitan ng espiritu ng Panginoon" (Mikas 3:8), ang mga propeta ay nangaudyukan ng Espiritu upang maisulat ang mga Kasulatan (Nehemias 9:20; 2 Pedro 1:21) at ginamit din ng Diyos ang gayong mga paraan upang magsalita sa Israel sa pamamagitan ng Kaniyang Anak (Hebreo 1:1).

 

Sa Biblia ang Espiritu Santo ay hindi binabanggit na pangalawang persona ng isang Tatluhang Diyos, na maliwanag na ipinakikita na ang TRINITY ng mga Iglesia ay hindi kinikilala ng mga unang mananampalataya. Ito ay ipinakikita sa kabila ng lahat ng alinlangan sa pamamagitan ng mga pahayag ng Gawa 19:2-3. Ang kabanata ay itinatakda sa pagkakataon nang si Pablo ay nakasama ang mga alagad sa Efeso, at nagtanong kung "natanggap nila ang Espiritu Santo." Sumagot ang mga alagad: "Hindi man lamang namin narinig na may ibinigay na Espiritu Santo." Maliwanag na hindi nila narinig ang aral ng "Trinity!"

 

Anong nakatatarantang bagay ang kamalian; anumang dakilang kapayakan ang nasa katotohanan! Tinangka namin, sa maigsing aklat na ito, na tahakin ang maraming batayan at pinagsumikapang ipaliwanag, sa madaling unawa hangga't maaari, ang pinakamalalim na paksa sa lahat. Binabanggit namin sa mambabasa sa maraming talata ng Kasulatan, at kung susuriin niya ito na may pagiisip na walang kinikilingan, maingat na sinusuri ang kanilang katuruan, mahihikayat kami na makikita niya ang isang hindi pabago-bagong pagpapaliwanag sa Kaisahan ng Diyos sa pamamagitan ng Kasulatan.

 

Ang paksa ay mahalaga. Nagkakaloob ng batayan ng tunay na pagsamba, ang pagasa ng walang hanggang buhay ay napapaloob sa kaniyang katuruan. Magagawang maunawa natin ang ibang bagay Niya na umaanyaya sa atin na makita bilang ating Amang espiritual, at sa Kaniyang kalikasan, kaluwalhatian at pangalan tayo ay tinawag upang ihayag sa panahong darating.

 

 

 

WAKAS

 

Isinalin mula sa GOD IS ONE NOT THREE

Ng HERALD Magazine

 

 

http://www.acbm.org.au/

 

http://www.acbm.org....ion/philippines

 

AngDiyosOneNotThree.pdf

Link to comment
Share on other sites

Guest
This topic is now closed to further replies.
 Share

×
×
  • Create New...